Kath
"Ano ba 'yan, Gail! Ang kalat mo talaga kahit kailan" inis kong saad nang makapasok ako sa loob ng kusina.
Masama naman ako nitong tinignan at padabog na ibinaba ang hawak niyang egg beater at bowl na may lamang itlog at kung ano ano pang ingredients sa pag bi-bake.
"Edi ikaw gumawa." Bakas sa tono nito ang pagkapikon at pagalit na hinubad ang suot niyang apron. Maya maya pa'y mabibigat ang hakbang nitong lumabas sa kusina at pabagsak na isinarado ang pinto niyon, habang ako'y naiwan dito na halos nakanganga.
Ibang klase. Dapat ako 'yung galit kasi halos araw araw ko na lang nililinisan itong kusina tapos ngayon, siya pa 'tong may ganang mag walk-out? Aba matindi!
Kalma, Kath. Pasko ngayon, baka gusto niya lang talagang mag handa na siya mismo ang gagawa.
Mabigat ang hiningang pinakawalan ko at kamot ang ulong lumapit sa mesa na kung saan nagkalat ang mga harina at shell ng mga itlog.
Hindi ko talaga alam kung bakit sa dami rami ng katulong dito sa palasyo niya ay walang marunong mag bake. Bukas nga gagawa ako ng book sa pag bi-bake ng cakes at kung ano pa. Ang alam lang nilang gawin ay wheat bread na wala na halos lasa sa dila ko.
Kahit hindi ko trip ipagpatuloy ang gagawin niya sana, ay napilitan na lamang akong isuot ang hinubad niyang apron at hinalo ang halos tubig ng nasa bowl dahil sa dami ng tubig na inilagay niya. Hindi ko na nga halos alam kung harinang may kaunting tubig pa 'to o tubig na may kaunting harina.
"Kawawa naman kayo. Dinaig niyo pa ang minurder" bulong ko at bagot na bagot na hinalo ulit ang nasa bowl ng madagdagan ko na ito ng flour at gatas.
"Ma, nakita ko si Ina na naka busangot ang mukha" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita si Harzen na dahan dahang sinasarado ang pinto. "May nangyari po ba?"
"Nagkalat na naman kasi siya rito sa kusina. Hindi ko naman kasi alam diyan sa nanay mong 'yan kung bakit ayaw magpatulong sakin. Nagpapakahirap siyang magluto mag-isa." Sumbong ko sa batang papalapit sa akin. Inilibot pa nito ang paningin sa sahig at pinagpupulot ang nagkalat na shell. Kumuha narin ito ng tambo at dustpan para walisin ang iba pang kalat.
"Sabi niya sa amin ni kuya ay nais ka niyang surpresahin kaya siya nag aaral mag bake" sagot nito. Napatigil naman ako sa paglalagay ng minixed kong ingredients sa cake molder at hinarap si Harzen na busy'ng busy mag linis.
"Kaso lagi ka namang pumapasok dito sa kusina at pinapagalitan siya dahil sa kalat. Alam mo na tuloy na nag aaral siya" dagdag pa nito.
"Loka loka naman pala talaga 'yang nanay mo. Paanong hindi ako papasok dito sa kusina, eh sa tuwing mag aaral siya ay dinaig pa ng pinto ang tarangkahan sa sobrang bukas."
"Si Ina naman pala ang may kasalanan kung bakit mo siya laging nakikita" saad naman ngayon ng baritonong boses na ikinalingon namin sa pinto. Tahimik na pumasok si Kaizen at agad ding isinarado ang pinto't ini-lock iyon.
"Mother and child bonding ba ito?" Biro ko sa dalawang batang ngayon ay kasama ko. Pareho itong natawa at lumapit na sakin ng malinis na nila ang lahat ng kalat.
"Parang ganoon na nga, Ma" sagot ni Harzen at ito na ang nagpatuloy sa ginagawa ko. Nang maisalin niya na sa molder ang hinalo ko ay kinuha na iyon ni Kai at ito ang nagsalang sa pugon at sinarado na iyon.
"Siya na lang ang surpresahin natin. May naisip akong magpapawala sa pagkabusangot ng mukha ng nanay ninyo". Nagkatinginan ang dalawa at tila mo kuminang ang mga mata ng mga ito sa narinig at mabilis na tumango.
"Sige po!"
***
Ilang oras ang ginugol namin sa pag dedecorate sa 3 layer cake at ang kaninang malinis na kusina ay nagkadumi dumi na ulit. Muling nagkalat ang iba't ibang kulay ng food color at asukal dahil bukod sa cake ay gumawa rin kami ng sapin sapin at leche flan na ngayon ko pa lang ata gagawin simula noong napunta ako sa mundong ito.
BINABASA MO ANG
The King's Daughter (Completed)
Fantasy"Noong unang kita ko pa lamang sa iyo'y batid ko nang gulo ang hatid mo sa aking pagkatao, at totoo nga ang iniisip ko. Ngunit wala sa aking hinuhang aabot tayo sa ganitong gagamitin ang kapangyarihang naka dikit sa ating mga pangalan upang matigil...