𝒫𝒶𝒽𝒾𝓃𝒶 5

7.3K 465 177
                                    

Sunod sunod na hininga ang pinakawalan ko at ilang beses akong nagpalakad-lakad sa loob ng kwarto na pinag i-stay-an namin na nandirito lang din sa loob ng palasyo nina Haring Rezandro. Dito niya na kami pinatuloy nang matapos ang pagdiriwang ng kaarawan ng kaniyang anak na si Reiazen, sa kadahilanang may paligsahan pang gaganapin 'daw' bukas na sasalihan ng kapatid ko 'raw' na si Raphael. Delikado na rin daw kasi kung babalik pa kami sa palasyo namin na nasa kabilang bansa pa dahil matagal ang magiging byahe namin lalo na't karwahe lamang ang ginagamit naming mode of transportation.

"Ayos ka lamang ba, Prinsesa?" Tanong ni Nanay Anna, ang tagapag alaga ko 'raw' mula pa noong ako'y sanggol pa lamang, kaya kahit malaki na ako ay bantay sarado parin ako nito na okay lang din naman sa akin kasi feeling ko masisiraan ako ng ulo kung maiiwan akong mag-isa rito.

"Ako'y nahihilo na sa pagpapa-roon at parito mo, Prinsesa"

"Huwag niyo po akong pansinin. May iniisip lamang ako"

Hindi naman na siya umimik pa at hinayaan na lamang ako sa pinag gagawa ko.

Magmula nang malaman ko na nasa loob ako ng libro ay hindi na talaga natigil ang mga tanong sa isip ko like 'ANONG GINAGAWA KO RITO?!'

Posible bang mapunta ako sa loob ng isang kwento? Alam ko ay hindi. Sobrang daming scientific explanation muna ang gagawin before 'yun ma-proved at kung may chance pa ba talaga 'yong ma-proved.

Napatigil ako sa paglalakad at tinitigan ang repleksyon ko sa salamin na nandirito sa loob ng kwarto. Walang nagbago sa itsura ko---

Dahil ba sa wala namang eksaktong itsura talaga si Prinsesa Harsel?

Sa pagkakaalala ko kasi ay hindi naman naisama si Prinsesa Harsel sa mga dinescribe sa libro dahil extra character lamang ito. Mas pinag tuunan ng pansin ang mga main character tulad ni Prinsipe Raphael na magiting na manliligaw ni Prinsesa Reiazen, Si Haring Rezandro na kinakalaban ng sarili niyang anak, si Kristoffer naman na makikilala ni Prinsesa Reiazen sa birthday niya na siyang tutulong sa kaniya at magugustuhan niya kahit isa lamang itong anak ng Baron. Kung paano sila inilarawan sa libro ay gano'n ang makikita kong itsura nila.

Ngunit ang ipinagtataka ko lamang ay, hindi ko kailanman nabasa sa libro ang pagko-krus ng landas ni Prinsesa Reiazen at Prinsesa Harsel na kung saan mabubunggo niya ito sa hagdan. Walang eksenang gano'n sa libro, sa katunayan ay si Kris dapat ang makikita niya roon at hindi si Harsel, pero ang nangyari ay si Harsel which is ako, ang nakausap ni Kris instead na siya.

Nabago ko ba ang pangyayari sa libro?

Magkakatuluyan parin ba si Kris at Reiazen kung ako ang nakilala niya at hindi si Kris?

Anong nangyari sa totoong Harsel?

Bakit ako ang pumalit sa kaniya?

Kung nagpalit kami ng mundo at siya ang nasa mundo ko ngayon ay napaka imposible nito dahil sigurado ako na patay na ang katawan at katauhan ko sa totoong mundo at ang consciousness ko lamang ang napunta rito. Ikaw ba naman mabunggo ng bus at tumalsik ng pagkataas taas eh, tignan lang natin kung hindi ka matigok niyon pero kahit na, napaka imposible parin dahil kahit kailan, hindi magiging totoong tao ang karakter sa isang libro kaya ekis na kaagad ang thought na 'yon.

Ipinilig ko ang ulo ko at tinitigan muli ang sarili ko sa salamin. Alam ko na medyo nagdududa si Kris sa akin kanina lalo na sa way ko ng pananalita, pero hindi ko maiwasang hindi magamit ang punto ng mga taga Laguna, besides, iba ang tingin niya sa akin dahil sa mata ko ngunit hindi naman siya nag usisa pa dahil hindi naman nila talaga alam ang itsura ng totoong Harsel dahil hindi naman sila totoong tao.

The King's Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon