"Kompleto na ba ang lahat ng kailangan mo para sa gagawin mong pulbos?" Hindi nakatinging tanong sa akin ni Ginoong Damian dahil abala siya sa pag-gaya ng nasa larawan iginuhit ni Katherine sa hawak niyang makapal na kahoy. Iyon kasi ang magiging hawakan at bahagyang bumubuhat sa katawan ng baril na sinasabi sa larawan.
Kinokorte niya iyon na para bang letrang L. Ang pinaka katawan naman nito ay yari sa metal at ayon sa materyales na maaari naming gamitin sa paglikha nito ay isang tubo upang mapagana iyon. Ang ibang parte naman na ikakabit tulad ng "cock, flint, pan, frizzen, lock plate at trigger" ay malilikha lamang gamit ang tinunaw na metal na isasalin sa mga nararapat na hulmahan nito.
Inilapag ko ang mga supot na dala ko sa mesa at binuksan ang mga iyon.
Ayon sa sulat na pinadala sa akin ay kailangan ko raw gumawa ng pulbos na magiging "bala" ng baril na pinapagawa niya. Naka indika sa sulat ang pangalan ng materyales na kakailanganin ko at ang mga hakbang na aking gagawin.
Kumuha ako ng isang batya't baso at itinabi iyon sa mga supot. Base sa sulat, kailangan ko lagyan ng isang punong "sulfur" na maaaring makuha sa mga bukal (hotsprings) o sa abong ibinuga ng bulkan. Dahil tanging bukal lamang ang meron dito at nakikita lamang iyon sa kakayuhan, pinasamahan ako ni Ginoong Damian sa kaniyang apo na nakatira lamang sa katabing bahay.
Dahil pinag gigitnaan ng kakahuyan ang distrito, sa timog na kakahuyan kami tumungo dahil ang nasa hilaga ay papunta sa aming palasyo na kung saan ako dumaan noong ako'y lumayas.
Ayon sa sulat ay dilaw ang kulay nito. Pinag iingat din ako dahil sa maiinit na parte ito nakukuha at hangga't maari ay magsuot ako ng ipangtatakip ko sa aking ilong at bibig at kung kakayanin ay pigilan kong huminga dahil sa mga "gas" na inilalabas nito.
Tama nga si Katherine, umuusok ang bukal na kaniyang tinutukoy dahil tanaw ko ito kahit malayo pa. Hindi ko na pinasama sa akin si Daniel, apo ni Ginoong Damian sa paglapit sa bukal at iniwan na lamang muna ito sa dinaanan namin, malayo sa lugar na aming pakay.
Mag isa akong tumungo roon at nang makalapit ay huminga muna ako ng malalim at pinigilan ang aking pag hinga. Sa tingin ko ay kaya ko iyon kahit isang minuto lamang.
Pigil hininga akong naglakad sa namataan kong dilaw na parte. Mga solidong bato iyon na sa tingin ko ay madali rin namang makukuha dahil ang ibang parte nito ay nalalaglag sa kumukulong tubig ng bukal.
Kinuha ko ang maliit na maso sa aking dalang supot at ginamit iyon upang pangtanggal sa mga batong iyon. Mabilis ang mga kilos kong inilagay ang mga nakuhang bato sa dala kong supot dahil sa kinakapos na ako ng hininga.
Nang mapuno ko na ang supot ay agad akong tumakbo paalis sa lugar na iyon at habol ang hiningang lumapit kay Daniel na ngayo'y may pagtataka sa kaniyang mukha.
"Anong nangyari sa iyo?" Tanong nito. Kinuha niya ang supot na aking bitbit at siya na ang nagdala niyon.
"Pakiramdam ko'y mamamatay na ako" pagod na pagod na turan ko at sumalampak sa damuhan. Ilang beses akong nagpakawala ng hangin sa katawan ko at pilit na kinakalma ang aking puso dahil pati iyon ay parang mauubusan na rin ng hangin.
"Kailangan na natin magmadali. Pupunta pa tayo sa kuweba" turan niya.
Napipilitan man ay tumayo na ako habang hawak ang aking dibdib at patuloy na kinakalma ang aking sistema.
Nang pakiramdam ko ay maayos na ang daloy ng hangin sa aking katawan ay sumunod na ako sa kaniya patungo sa kuweba ng mga paniki.
Isa sa mga sangkap na kailangan namin sa paggagawa ng bala ay ang dumi ng mga paniki o ng mga ibong pandagat. Dahil ang kuweba ang pinaka malapit na mapupuntahan ay doon kami tumungo.
BINABASA MO ANG
The King's Daughter (Completed)
Fantasy"Noong unang kita ko pa lamang sa iyo'y batid ko nang gulo ang hatid mo sa aking pagkatao, at totoo nga ang iniisip ko. Ngunit wala sa aking hinuhang aabot tayo sa ganitong gagamitin ang kapangyarihang naka dikit sa ating mga pangalan upang matigil...