Harsel/Kath
"Sandali lamang." Pigil sa akin ni Gail. Hinawakan nito ang kamay ko upang pigilan.
Napalingon ako sa kaniya kahit hindi ko siya halos makita dahil sa sobrang dilim.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong at tumigil sa paglalakad.
"Sigurado ka ba sa dinaraanan natin? Hindi ba tayo naliligaw?"
Umiling ako sa tanong niya kahit hindi niya iyon nakikita. Pinagsalikop ko ang aming palad para mahawakan ko siya ng maayos. Baka kasi kung saan pa 'to mapunta, ganitong wala kaming makita.
"Sigurado ako rito, okay? Kinabisado ko ang daan bago ako umalis dito sa palasyo" may assurance sa tinig na saad ko.
"Siguraduhin mo lang, Katherine." May pagbabanta sa tonong saad niya na ikinatawa ko.
Muli ko siyang hinila upang makapunta kami sa underground cell dito sa loob ng palasyo. Siya kasi ang papa-akyatin ko roon habang ako naman ay babalik at sa bakuran lalabas para kunin ang atensyon ng mga kawal. Wala parin naman kasi silang alam na wala ako sa palasyo dahil sigurado ako na pinagtatakpan ako ni Nay Anna.
Dalawang araw din ang pinalipas namin before lisanin ang kuwebang aming pinagkukublihan. Lumisan kami roon ng hating gabi dahil sa gano'ng oras umaalis ang mga kawal sa distrito.
Noong wala nga kaming makitang kahit isang kawal na nag roronda ay mabilis kaming kumilos para pumunta sa hilagang kakahuyan at may pag iingat ang bawat hakbang dahil sa may mga mababangis na hayop doon na gumagala.
Nang makarating kami sa sikretong daan, ilang milya ang layo mula sa palasyo ay nagmanman muna ako kung may watcher din bang nasa tore malapit sa tarangkahan gamit ang binocular na dala ko. Nang wala akong makita roon ay agad kaming pumasok sa sikretong daan at hindi na nag abala pang mag siga ng sulo dahil may posibilidad na makakuha iyon ng atensyon. Tsaka, kaya rin namang mag adjust ng mga mata namin sa dilim kaya kampante ako na makakarating kami sa pinaka pakay namin.
Ilang oras ang ginugol namin sa paglalakad at pangangapa sa dilim nang maamoy ko na ang masangsang na amoy mula sa mga selda, indikasyon na malapit na kami roon.
Pahigpit din nang pahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Gail dahil siguro maski siya'y kinakabahan sa gagawin naming panloloob sa mismong palasyo niya.
"Sigurado ka bang magagawa ko ang plano?" Tanong nito at halata sa boses niya ang pag aalangan.
"Tiwala ako sayo na magagawa mo iyon" paninigurado ko.
Ang inutos ko kasi sa kaniya ay sa oras na makaakyat siya sa ikatlong palapag, may pinto roon para makapasok siya sa sarili niyang silid. Two way passage kasi ang meron sa sikretong silid na pag aakyatan niya. Isa palabas sa pasilyo habang ang isa nama'y papasok sa kaniyang kwarto.
Sa oras na makapasok siya sa kaniyang silid ay agad niyang kargahan ng gunpowder ang dala niyang flintlock. Tig isa lang ang bibitbitin namin pag akyat at iiwan ang lima sa isa sa mga selda upang itago dahil masyado iyong mabigat para dalhin pa namin.
Nang makarating kami sa mga selda ay ginawa na namin ang unang plano. Iniwan namin ang limang baril at tinabunan iyon ng suot naming balabal kahit pigil hininga kami upang hindi malanghap ang masangsang na amoy na kumakalat sa parteng ito ng palapag. Nang matapos ay sinunod na namin ang ikalawang plano.
Hinatid ko si Gail hanggang sa hagdan paakyat sa sikretong mga silid. Sa una'y ayaw niya pang bitawan ang kamay ko ngunit nang sabihin ko na susunod ako sa kaniya ay napilitan na siya at buong ingat na umakyat dahil sa parang naglalangis ang mga baitang ng hagdan.
Tinanaw ko lang siya nang tingin. Nang hindi ko na siya makita ay pumihit na ako patalikod at tumakbo patungo sa daan kung saan ang labas ay sa bakuran.
BINABASA MO ANG
The King's Daughter (Completed)
Fantasy"Noong unang kita ko pa lamang sa iyo'y batid ko nang gulo ang hatid mo sa aking pagkatao, at totoo nga ang iniisip ko. Ngunit wala sa aking hinuhang aabot tayo sa ganitong gagamitin ang kapangyarihang naka dikit sa ating mga pangalan upang matigil...