𝒫𝒶𝒽𝒾𝓃𝒶 27

5.4K 453 83
                                    

Katherine

"Ano 'tong kinukwento ni Trisha na may jowa kana raw?" Salubong na tanong ni Abby nang makarating ito sa tambayan namin sa likod ng nursing building. Umupo ito sa tabi ni Trish na prenteng kumakain lang.

Sinamaan ko ng tingin si Trisha dahil sa mga kabalbalang pinagkukwento niya kay Abby pero nag kibit balikat lang ito at hindi ako pinansin.

Muli na naman akong nakaramdam ng stress. Bakit naman kasi parang required laging magpaliwanag sa mga kaibigan? Sumabay pa 'yung babaeng 'yun na ngayo'y naiwan sa bahay.

"Hindi ko 'yun jowa 'no!" Kontra ko at humalumbaba sa mesa. Tinaasan naman nila ako ng mga kilay nila, waring hindi naniniwala sa sinabi ko. "Hindi naman talaga"

"Alam mo ba Abby, sinabi niya sa akin na dinorawing niya raw muna 'yung jowa niyang 'yun tapos biglang nagpakita na lang sa kaniya noong sabado" sulsul pa rito ni Trisha. Halata namang nang aasar siya dahil sa mapanuksong ngiting iginagawad niya sa akin.

"Patingin daw 'te, nang mahusgahan namin" patol naman dito ni Abby.

"Nako hindi niya binibigay. Kanina ko pa nga kinukulit 'yan, eh."

"Nuy! Pinag lilihiman mo na kami ngayon , Kath? After ng lahat nang ginawa namin sayo noong nasa hospital ka? After ka naming bantayan, alagaan---"

"Oo na! Letse naman oh!" Nayayamot na putol ko sa pagbibilang niya sa akin at padabog na kinuha ang sketchpad ko sa bag ko't iniabot sa kanila.

Napa 'yes!' naman sila sa pagsuko ko at agarang binuksan ang sketchpad ko.

Isinubsob ko ang mukha ko sa mesa dahil pakiramdam ko ay namumula na ako dahil sa hiya. Sigurado kasing tutuksuhin nila ako after nila 'yon makita. Shemay lang!

Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit napaka daldal nitong bibig ko at kinuwento kay Trisha 'yong nangyari noong sabado pati kahapon. Nakakainis! Magiging tampulan na naman ako ng tukso nitong dalawa eh!

"Ay! Kabog! Gandara naman pala 'te kaya ayaw i-share" komento ni Abby nang mapunta na sila sa pinaka gitnang page.

Tinakluban ko ang magkabilaang tenga ko gamit ang dalawa kong kamay at pilit silang hindi pinapakinggan. 'Yang ganiyang komento ni Abby paniguradong may kasunod 'yan eh! Kilala ko na 'tong babaeng 'to.

"May colored picture ka ba riyan sa phone mo? Sagarin mo naman na ang pagpapakita para naman worth it 'yung asar na makukuha mo"

Oh, hindi ba? Napaka bwiset talaga!

Kahit labag sa loob ay kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng bag ko at ini-unlock iyon before ibigay sa kanila. Mabilis nila iyong kinuha at ipinunta sa gallery para tignan 'yong picture ni Gail na patago kong kinuhanan habang natutulog siya kahapon. Maganda naman siya kahit tulog kaya okay lang na i-flex ko sa kanila.

"Artistahin nga" saad ni Trisha at nag scroll pa roon. "Pero wait, nasa loob 'to ng kwarto mo ah? Akala ko nakita mo lang? Bakit magkasama na kayo sa bahay? Lived in kaagad kayo?"

"Iba 'tong kaibigan natin, mabilis pa kay the flash kumilos" naiiling naman na gatong ni Abby.

Napa facepalm naman ako sa pinagsasabi nila at binawi na ang phone ko't ibinalik iyon sa loob ng bag ko.

The King's Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon