A/N
Kung narating mo ang pahinang ito, binabati kita! Karamihan sa mga nag umpisang basahin ang akdang ito ay hindi nila tinapos dahil sa iba't ibang dahilan pero ikaw, iba ka! Kinagagalak kong malaman na nalagpasan mo ang mga nakatatamad na parte ng kwento!
------***------
"Hindi po ba sila nagkatuluyang dalawa?" Ang tanong na iyon ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Tinignan ko ang batang nakakandong sa aking hita na ngayo'y naka tingala na sa akin. Hindi ko namalayang natulala na pala ako pagkatapos kong mag kwento.
Marahan akong umiling sa kaniya at ngumiti. "Hindi pa roon natatapos ang istorya"
"Ituloy niyo na po, Mama"
Tumango ako sa nais niya at tinignan ang librong aming kaharap at inilipat sa sunod na kabanata ang pahina nito.
Sa pagtama ng katawan ng Prinsesa sa bughaw na tubig, ay siya ring dahang dahang pagpikit ng kaniyang mga mata. Ang unti unting paglubog ng kaniyang katawan sa malalim na dagat ang siyang tila pumupugto sa kaniyang hininga.
Subalit, bago pa man siya tuluyang bawian ng hangin ay may mabigat na bagay ang lumubog din sa tubig at isang bulto ng katawan ang sa kaniya'y pilit lumalangoy palapit.
Isang bula ang kumawala sa kaniyang bibig na unti unting umangat paitaas. Tila pinapasok na ng tubig dagat ang kaniyang katawan na siyang tuluyang nagpapikit sa kaniyang kulay abong mga mata.
Wala sa kaniyang hinuha na matutuloy ang kaniyang akmang pagkamatay noon bago pa man siya mapunta sa tunay na mundo ng kaniyang iniibig.
Ngunit, kasabay ng kaniyang pagkawalan ng malay ay siya ring pag hawak ng isang kamay sa kaniyang katawan.
Mahigpit na hinawakan ng taong yaon ang Prinsesa at buong lakas na lumangoy paangat mula sa malalim na dagat.
Sa pag angat nila sa ibabaw ay siyang pagkawala ng malalakas na pag hinga mula sa taong sumagip sa Prinsesa.
Pilit nitong binubuhat ang walang malay na dalaga at lumangoy papunta sa malapit na dalampasigan.
Ang luhang nasa mata ng taong iyon ay hindi na mababakas pa dahil sa pilit iyon ikinukubli ng tubig.
Maingat niyang inihiga sa dalampasigan ang katawan ng Prinsesa ng makarating sila roon.
Inilapit nito ang kaniyang tenga sa dibdib ng dalaga upang pakinggan kung may tibok pa ba ang puso nito at kung humihinga pa.
BINABASA MO ANG
The King's Daughter (Completed)
Fantasy"Noong unang kita ko pa lamang sa iyo'y batid ko nang gulo ang hatid mo sa aking pagkatao, at totoo nga ang iniisip ko. Ngunit wala sa aking hinuhang aabot tayo sa ganitong gagamitin ang kapangyarihang naka dikit sa ating mga pangalan upang matigil...