𝒫𝒶𝒽𝒾𝓃𝒶 8

6K 405 28
                                    

Reiazen Gail Hansen

Masama ang aking pakiramdam na iminulat ang aking mga mata. Isang kisameng yari sa tabla ang bumungad sa aking pag gising.

Inilibot ko ang aking paningin sa silid na aking tinutuluyan. Yari sa laryo ang pader at may mangilan ngilang larawan ang nakasabit dito na sa tingin ko'y ipininta pa.

Natigil ang aking pagmamasid nang bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang isang ginang. May dala itong batya at nakangiting lumapit sa akin. Inilapag niya ang hawak na batya sa malapit na lamisita.

"Gising kana pala" aniya. Umupo siya sa gilid ng kamang aking hinihigaan at kinuha ang bagay na nakapatong sa aking noo. Tela iyon na pailang ulit na itinupi hanggang maging kwadrado.

"Mataas ang iyong lagnat kanina noong natagpuan ka ng aking asawa sa aming kwadra." Dugtong pa niya.

Sinusundan ko lamang siya ng tingin habang kaniyang inilublob ang telang hawak sa batyang kaniyang dala kanina. Piniga niya iyon at muling inilapat sa aking noo.

Nanatili akong tahimik. Hindi ko rin mawari kung bakit tila nawawala ang aking boses. Siguro, dala ito ng lagnat na kaniyang sinasabi. Ito ang unang pagkakataong naranasan ko ang kakaibang init sa katawan ko na tila ba ikinulong ito.

"Saan ka nagmula?" Tanong niya "Ngayon lamang kita nakita rito sa bayan. Sira rin ang iyong suot na damit."

Pilit kong hinanap ang aking boses upang makasagot. Makailang ulit akong lumunok at ibinuka ang aking bibig.

"A--" muli kong itinikom ang aking bibig at bumangon sa pagkakahiga na nag hudyat upang mahulog ang telang nasa aking noo.

Mataman ang tinging ipinukol sa akin ng ginang, tila hinihintay ang aking sasabihin.

Mariin kong ipinikit ang aking mata. Sa pagmulat nito ay ang disisyon kong magsinungaling sa ginang na kaharap.

"Hindi ko alam." Umiling ako at tinignan ang ginang sa kaniyang mata "Hindi ko maalala"

Nagpakawala ang ginang ng hininga at muling ngumiti sa akin. "Ganoon ba."

"Hindi mo rin ba maalala ang iyong pangalan?" Marahan akong umiling bilang sagot.

Isang kapangahasan ang aking ginagawang pagsisinungaling at may karampatang parusa ito na kamatayan, ngunit wala akong ibang paraang naiisip. Kailangan kong tumakas kay Ama at alam ko, sa mga oras na ito ay kaniya na akong pinapahanap. Ilang araw mula ngayon, sila'y pupunta na rito sa distrito upang magtanong patungkol sa akin.

"Siguro'y naaksidente ka hudyat upang mawala ang iyong ala-ala. Noong natagpuan ka ng aking asawa ay may mangilan ngilan kang galos sa iyong katawan" saad niya

"Ang una'y akala nami'y wala ka ng buhay dahil sa maputla mong balat, ngunit nang makita namin ang iyong bahagyang pag hinga, madali ka naming ipinasok sa aming tahanan, sa silid ng aking namayapang anak. Ika'y aking binihisan narin sa kadahilanang ang dumi mo tignan sa iyong suot"

"Salamat sa tulong na inyong ibinigay" tanging nasabi ko. Umiling siya sa akin habang ang ngiti sa kaniyang labi ay hindi napawi.

"Naalala ko sa iyo ang aking anak kaya hindi kami nagdalawang isip na tulungan ka." Tugon niya "Maari kang manatili rito habang hindi ka pa nakaka-alala."

"Hindi ba iyon abala sa inyo?"

Muli siyang umiling at hinawakan ang tuktok ng aking ulo.

Ako'y napapikit dahil naalala ko ang aking ina sa kaniyang ginawa. Ang sensasyon nang paglapat ng kaniyang malambot na kamay sa aking ulo ay ang sensasyong matagal ko nang hindi naramdaman. Ang sensasyon ng kapayapaan na kailan ma'y hindi ako nito sasaktan.

The King's Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon