"Ikinalulungkot ko ang nangyari, Prinsesa" usal ni Kris nang maiwan muli kaming dalawa sa selda. Yumuko ito at pilit iniiwasang tignan ang bagay na nasa aking tabi.
Tagusan ang tinging ibinigay ko sa kaniya. Para akong nawawala sa aking sarili sa mga oras na ito.
Madaming tumatakbo sa utak ko, to the point na hindi ko na kayang i-voice out iyon.
Pilit kong kinakapa ang kalungkutan sa aking puso dahil sa nangyari kay Nay Anna, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko iyon mahanap, instead, galit at pagkamuhi ang akin ngayong nararamdaman.
"Prinsesa..." tawag sa akin ni Kris. Napakurap ako dahil hindi ko na napansing natulala na pala ako.
Tinignan ko siya direkta sa kaniyang mata pero maski siya ay wala na akong makitang kahit anong emosyon.
"Kailangan nating makatakas" wala sa sariling saad ko at tinignan ang kamay at paa kong mahigpit paring nakagapos.
Sa pagkurap ng apoy na nagmumula sa mga sulo ay naaninagan ko ang bahagyang pamumula ng pulso at ng bukong-bukong ko dahil sa ilang ulit kong pagpupumiglas kanina. Gustong gusto kong sugudin si Raphael at sakalin ito dahil sa kalapastanganang ginawa niya sa sariling kapatid at sa tagapag alaga nito ngunit hanggang nakagapos ako ay imposible ko iyong magawa.
At wala rin sa hinuha ko na magagawa niya iyon sa totoong Harsel.
Ganoon na ba siya kadesperado at nawawala sa tamang pag-iisip kaya pati sa kapatid niya ay gagawin niya iyon?
"Paano natin iyon gagawin, Prinsesa?" Pagkakuwan ay tanong niya na ikinatahimik ko.
Paano nga ba?
"Noong ikinulong ba nila ako, may nakita ka bang hawak nila na parang kahoy?" Tanong ko nang maalala ko ang baril na dala ko bago ako mahuli.
Matamang nag isip si Kris, wari'y inaalala ang tinutukoy ko.
"May metal ba iyon?" Balik na tanong niya after ng ilang segundo.
Mabilis akong tumango bilang sagot. "Oo. Mahaba 'yon na kahoy tapos may metal"
"May naaninagan ako kanina na kanilang bitbit ngunit sinira nila iyon dahil laruan lamang daw iyon"
"Mga siraulo---" mahinang bulalas ko.
Mga shunga shunga talaga ang mga tao rito sa panahon na ito. Kailan pa naging laruan ang baril? Ipukpok ko sa mga bungo nila iyon eh.
"Teka" usal ko at nagtatakang tumingin kay Kris.
"Ano iyon, Prinsesa?" Tanong niya at kumunot ang noo.
"Sabi mo isang linggo ka nang nakakulong dito, hindi ba?" Tumango siya sa tanong ko "Kung isang linggo ka nang nandito, bakit hindi ka namin nakita ni Gail kanina?"
Parang nagets niya naman ang tinutukoy ko dahil bahagya siyang natawa
"Kayo pala talaga ang naririnig ko kanina." Turan niya at bahagyang tumango "Ang seldang ito ay malayo sa mga seldang malapit sa hagdan paakyat sa loob ng palasyo, Prinsesa. Isa itong pribadong kulungan para lamang sa mga nagkakasalang maharlika. Dagdag pa roon, mas mahigpit ang seguridad dito dahil sa kilala ang maharlika bilang may pinag aralan at alam nila na may kakayahan ang mga itong makatakas kung sa ordinaryong selda lamang ito ikukulong."
BINABASA MO ANG
The King's Daughter (Completed)
Fantasy"Noong unang kita ko pa lamang sa iyo'y batid ko nang gulo ang hatid mo sa aking pagkatao, at totoo nga ang iniisip ko. Ngunit wala sa aking hinuhang aabot tayo sa ganitong gagamitin ang kapangyarihang naka dikit sa ating mga pangalan upang matigil...