Katherine
"Hoy, Kath. Okay ka lang ba?" Tawag sa aking pansin ni Abby ng makabalik ito sa meetup place namin.
Bumaling ang tingin ko sa mga papel na hawak niya, para iyon sa magiging ojt namin sa isang firm. Ang sa amin kasi ni Trish ay naipasa na namin kanina pa at late dumating si Abby kaya mag isa na lamang siyang tumungo roon. Puros original copy na lang ang dala niya ngayon dahil 'yong photocopy ay 'yon ang iniwan niya sa office.
"Ewan ko ba diyan kay Kath, Abbs. Kanina pa 'yan parang balisa" komento ni Trish.
"May problema ka ba? Or nagugutom kana?"
Umiling ako sa tanong ni Abby at humalumbaba sa mesang kaharap. "May iniisip lang ako"
"Like?" Agarang tanong ni Trish at uminom sa bottled water na binili niya.
"Kung paano ko aamining mahal ko na si Gail"
Napalingon ako sa dalawa ng sunod sunod ang mga itong umubo. Si Trish na naibuga ang iniinom niya at nasamid pa ata habang si Abby naman na parang nabilaukan sa kinakain niyang fishball. Sumama tuloy ang tingin ko sa kanila.
Nakakainis! Parang iniisip nila na nang go-good time na naman ako!
"H-ha? Seryoso na ba 'yan?" May pagdududang tanong ni Abby.
Inirapan ko naman ito. Ngayon tatanong tanong siya? Sipain ko siya diyan, eh.
"Mukha ba akong nag jo-joke?" pabalang na saad ko.
"Pero hindi ba, halos isang buwan pa lang kayo na magkakilala? Ang bilis mo naman atang ma-fall? Pokmaru ka 'te"
"Tanda niyo 'yong kinukwento ko dati?"
Parehas silang tumango sa tanong ko.
"Iyong tungkol ba sa parang missing memories mo?" Nag nod din ako sa tanong ni Trisha at mataman silang tinignan.
"Oo, iyon nga. Nasagot lahat 'yon ni Gail. Siya 'yong bumuo sa mga putol putol kong memorya. Kumbaga, sa isang jigsaw puzzle, siya 'yung missing piece niyon kaya ngayon, alam ko na kung bakit iba ang feelings ko pagdating sa kaniya. Malayo sa feelings na binibigay ko sa inyong dalawang kaibigan ko"
"Kaya pala iba rin ang trato niya sa iyo. May something special naman pala talaga" parang nage-gets nang turan ni Abby.
"Sabi sa'yo, soulmate mo 'yon eh" komento ni Trish "So, ano nang balak mo? Liligawan mo ba muna?"
"Gagi! Ipaalam niya muna kay Tito. Baka atakihin na naman 'yon pag nalaman niyang bakla ang anak niya"
"Ay, sabagay. Maton pala ang tatay mo kasi dating sundalo. Baka barilin ka niyon ng wala sa oras lalo na't nag iisang anak ka lang. Dami niyo pa namang armalite sa bahay"
Napa- buntong hininga ako dahil sa mga isiping iyon. Tama sila, dapat aminin ko muna kay Papa ang sexual preference ko. Pero hindi ko naman pwedeng sabihing bakla ako kasi ngayon lang naman ako nagkagusto sa tao. Hindi ko rin naman akalain na mapo-fall ako at sa isang babae pa.
Bakit kasi kailangan pang lagyan ng label kung ano ka? Hindi ba pwedeng mag pakilala na lang din ako ng jowa ng parang ginagawa lang din ng nasa hetero relationship? Walang explanation na kailangan kasi nagyari na lang biglaan? Hindi naman abnormal ang ganito para masabing normal ang nasa straight na relasyon kasi pare-pareho lang naman tayong taong may pakiramdam. Hindi mo naman madidiktahan ang puso mo na huwag sa parehas mong kasarian ka mahulog.
BINABASA MO ANG
The King's Daughter (Completed)
Fantasy"Noong unang kita ko pa lamang sa iyo'y batid ko nang gulo ang hatid mo sa aking pagkatao, at totoo nga ang iniisip ko. Ngunit wala sa aking hinuhang aabot tayo sa ganitong gagamitin ang kapangyarihang naka dikit sa ating mga pangalan upang matigil...