𝒫𝒶𝒽𝒾𝓃𝒶 24

4.9K 406 55
                                    

"Heto o'" ani ko at iniabot sa babae ang malinis na towel ko. Matagal niya muna iyong tinitigan at umangat ang tingin niya sa akin kaya muli ko 'yon inalok para kunin niya.

"Ipunas mo sa ulo mo. Basang basa ka. Kukuha lang ako ng pu-pwede mong isuot" dugtong ko pa at iniwan siya sa loob ng banyo.

Agad akong tumungo sa cabinet ko at kumuha roon ng damit at undergarments na hindi ko pa nasusuot pati narin cotton shorts. Magkasing laki at katawan lang naman kami kaya sakto lang ang damit ko sa kaniya.

Muli akong bumalik sa banyo at kinatok ang pinto niyon na madali niya rin namang binuksan.

Inabot ko ulit ang mga kinuha kong damit sa kaniya na tinitigan niya na naman.

Ano bang problema nito at parang nawiwirduhan sa pinag bibigay ko?

"Ipamalit mo pagkatapos mo maligo. Ang dumi mo na kasi." Paliwanag ko. Kinuha niya naman ulit 'yon pero hindi parin niya inaalis ang tingin sa mga damit.

"Maari ko bang malaman kung papaano ko ito maisusuot?" Naguguluhang tanong niya at iniangat ang mga gamit na ibinigay ko. May bahid ng pagkahiya ang boses niya at bahagya pang namumula ang tenga.

Natatawa man sa way niya ng pananalita at sa pagiging inosente niya sa bagay bagay ay ipinaliwanag ko parin kung paano ang mga iyon gamitin.

Kinuha ko ang bra na nasa pinaka unahan at itinapat iyon sa dibdib ko.

"Para 'yan dito. Isuot mo muna 'yong strap niya tapos ayusin mo ang pagkakalapat sa chest mo. After niyon, i-lock mo sa likod" muwestra ko at bahagya pang tumalikod para maipakita sa kaniya ang sinasabi ko.

Tumango naman siya na parang nagets niya ang tinuturo ko kaya ipinaliwanag ko naman ang panty at tshirt na nasa sunod.

"Ito naman ay sa baba" wika ko pa at tinuro ang short ko. Muli siyang tumango sa akin at bahagyang ngumiti. Hindi parin nawawala ang pamumula ng tenga niya. Para tuloy siyang teenager na nag confess sa kras niya eh, pero sabagay, mukha naman siyang nasa eighteen pa lang.

After ko magpaliwanag ay iniwan ko na siya sa banyo. Ini-lock niya rin naman iyon kaya lumabas na ako sa aking kwarto.

"Nasaan na ang bisita mo?" Tanong ni Papa at sinilip ang likuran ko.

"Nasa banyo, pinapaligo ko" sagot ko at umupo sa tapat niya.

"Akala ko ba nasa panaginip mo lang 'yon? Bakit kasama mo na?"

"Akala ko nga rin Pa, eh. Maski ako ay naguguluhan. Imposible naman na lumabas siya sa sketchpad ko, hindi ba?"

Noong nakita ko kasi sa bayan 'yong babae ay talagang naguluhan na ako. Sino ba namang hindi? Kung ang inaakala mong tao sa panaginip mo ay makikita mo mismo sa harap mo? Idagdag pa roon, tinawag niya ako sa ibang pangalan na ilang ulit ko ring nariring sa panaginip ko ngunit noong hindi ako nakareact ay tinawag niya ako sa totoong name ko at buong buo pa talaga na 'Katherine'. Nakakaloka lang.

"Saan mo pala nakita 'yon? Bakit mo dinala rito? Hindi ba 'yon hahanapin ng magulang niya? Mukha pa namang anak mayaman" sunod sunod na saad ni Papa at bahagya pang tumingin sa pinto ng sarado kong kwarto.

Napahinga ako ng malalim at sumandal sa backrest ng sofa. Sumasakit ang ulo ko dahil maski ako ay wala rin namang ideya kung taga saan ba 'yon.

"Hindi ko alam, Pa. Iiwan ko na nga dapat 'yon sa bayan kasi naki-creepy'han ako sa kaniya. Sabihin ba naman ang buong pangalan ko? Tsaka, ewan ko pero para siyang naliligaw na ewan. Sinusundan niya rin ako kaya napilitan na lang ako na isama siya rito sa bahay" mahabang paliwanag ko.

The King's Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon