𝒫𝒶𝒽𝒾𝓃𝒶 23

5K 441 91
                                    

"Fae, tapos kana ba riyan?" Bungad na tanong ni Papa pagkabukas nito sa pinto ng bodega.

Inilapag ko muna sa estante ang huling bagay na nilinis ko bago siya tapunan ng tingin.

"Opo, Pa. Bakit?"

Nilakihan niya naman muna ang pagkakaawang sa pinto bago siya magsalita.

"Papapuntahin sana kita sa bayan para mamili. Wala na tayong stocks."

"Sige, Pa. Maliligo lang ako tapos pupunta na ako roon"

Inabutan niya naman muna ako ng pera before siya lumabas, habang ako naman ay winalisan muna ang mga alikabok na nagsipag laglagan sa sahig.

Bumalik narin ako sa kwarto ko after ko maglinis sa bodega para makaligo't makagayak na papuntang bayan.

Nang makarating sa bayan ay agad ko nang binili ang lahat ng nasa listahan ng kailangan kong pamilhin. Binayaran ko narin iyon bago ako lumabas at pumasok sa isang convenience store.

Inilapag ko sa bench ang mga plastic bag na pinaglalagyan ng mga binili ko at umupo narin. Saktong paglapat ng pang upo ko sa malamig na upuan ay siyang pag tunog ng phone ko. Binasa ko muna kung sino ang tumatawag bago ito sagutin.

"Nandito ako sa 7/11, Trish, nagpapalamig" sagot ko sa kabilang linya.

Luminga linga ako sa labas ng store para i-check kung nandito ba talaga ang kaibigan kong 'yon o niloloko lang ako nito. Sabi niya kasi ay nasa bayan din siya at tinatanong kung nasaan daw ako.

"Hintayin mo ko riyan. Nasa kabilang kanto pa ako"

Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita at binaba na ang tawag.

Chineck ko ang ilang plastic bag na dala ko bago pumasok dito sa loob, baka kasi nagkulang na iyon pero buti naman at kumpleto parin. Noon kasi ay nawalan ako ng isang bag. Hindi ko namalayan na nadekwat na pala habang nagbabayad ako sa counter para sa chocolate na binili ko.

Umayos ako ng upo sa bench sa loob nitong 7/11 at humalumbaba sa mesang pumapagitna sa akin pati sa kabilang upuan na pinaglagyan ko ng groceries.

Napaka tagal naman kasi ng Trisha'ng 'yon maglakad. Kung nandito rin si Abby ay baka kinaladkad na siya dahil sa sobrang kupad niya kumilos pero tuwing magkakasama naman kaming tatlo ay sobrang tagal din namin dahil mas inuuna namin ang kwentuhan like, sa isang hakbang, ilang sentence muna ang sasabihin namin.

Nagpakawala ako ng eksaheradang hininga at bagot na tumingin sa labas.

Kung hindi lang siguro sobrang init sa labas ay kanina pa akong umuwi sa bahay dahil wala narin naman akong gagawin dito. Napaantay din tuloy ako kay Trisha ng wala sa oras.

Nasa malalim akong pag kakatulala ng may mahagip ang mata ko na dumaan sa labas ng glass wall. May pagtataka ko 'yong sinundan ng tingin dahil sa weird na pananamit nito.

Sobrang init pero balot na balot siya ng damit na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko. Long dress kasi iyon at hanggang pulso rin ang haba ng sleeves nito. Parang naninilaw narin ang suot niyang damit at nakayapak na lamang siya.

Kung titignan nga ay para siyang nawawala dahil panay ang linga niya sa paligid pero hindi ko makita ang mukha niya, isama pa na nahaharangan ang pisngi niya ng mahaba niyang buhok na bahagyang magulo narin.

The King's Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon