𝒫𝒶𝒽𝒾𝓃𝒶 16

5.3K 496 342
                                    

Harsel

Tahimik kong pinagmamasdan ang payapa at maamong mukha ni Gail na ngayo'y nakatulog na sa hita ko after ng mga nalaman niya sa akin kanina. Bahagya pang namumugto ang mga mata niya dahil sa sobrang pag iyak kanina. Sa tingin ko nga ay ito ang unang beses niyang umiyak ng ganoon kaya sobra ang pagbuhos ng luha niya.

Nagpakawala ako ng hininga at ibinaling ang tingin ko sa kaninang nag aapoy na siga na ngayo'y usok na lamang mula sa mga baga ang binibigay, sapat narin naman iyon upang hindi kami ginawin sa pansamantalang pananatili namin dito sa kuweba na isang linggo ko ring pinaghandaan magmula ng malaman ko ang buong daloy ng kwento.

Nang makita at mabasa ko ang nakapaloob sa libro ay kumilos na kaagad ako. Nakasaad doon na matutuloy ang kasal ni Gail, ngunit hindi sa kapatid ko, kung hindi ay kay Duke Raymond na nagpapanggap bilang kanang kamay ni Haring Rezandro upang mapalapit kay Gail ngunit hindi naman ito binibigyang pansin ng isa. Hindi nga rin niya alam na tiyuhin niya ito at siraulo ang kinikilala niyang Ama para ipagkasundo ito sa kapatid niya. Ang kapal din ng mukha niyang lasunin ang utak ng pamilya ko para lamang makuha ang yamang meron sa pamilya Williams.

Nang malaman ko rin kung kanino galing ang mga natuyong dugo sa silid, tabi ng kwarto ko at ni Gail ay nagngi-ngitngit din ako sa galit.

Doon sa silid na iyon walang habas na pinaslang ang totoong ama ni Gail na isa lamang hardinero ng palasyo, at doon rin pinagsamantalahan at pinatay ang Mama ni Gail dahil lamang sa hindi ito pumayag na sa kapatid ng Hari ipakasal ang dalaga.

Hindi ko rin masisisi ang Reyna dahil sino ba namang kasing Ina ang papayag na ipakasal ang anak mo sa kapatid ng asawa mo? Kahit hindi tunay na mag kamag anak ang dalawa ay nakakadiri parin iyon tignan.

Ang bababoy ng pamilya ng Hari sa totoo lang.

Ngayon naman ay ginagamit niya ang kapatid ko para lamang mapabalik si Gail sa palasyo at sa oras na maikasal ang dalawa ay si Raphael ang magiging bagong hari sa pamilya namin habang sina Ina at Ama naman ay aakyat bilang Emperador at Emperatris, ngunit mamamatay din sila sa kamay ni Raphael at mamamatay naman si Raphael dahil sa Hari.

Ang pagkawala nila sa monarkiya ang magiging hudyat upang mailipat ang pamamahala kay Gail at magiging pagkakataon iyon upang ipagkasundo naman si Gail kay Raymond na siyang papalit sa pamamahala ng aming pamilya. Habang ako? Hindi ko alam dahil hindi nabanggit sa kwento ang aking pangalan.

Nang malaman ko rin na minamadali na nila ang paghahanap kay Gail at hindi na natuloy ang dalawang linggong palilipasin muna ay agad na akong tumungo rito sa timog kakahuyan dahil mas nakasisiguro akong ligtas kami rito kahit papaano. Isang linggo akong hindi umuwi sa palasyo ngunit nag iwan ako ng sulat kay Nay Anna na mawawala ako dahil sa may aasikasuhin akong importante.

Humanap ako ng pwedeng pagkukublihan rito sa kakahuyan at sa kabutihang palad ay nakakita ako ng kuweba. Pinagulong ko rin ang malaking tipak ng bato na natagpuan ko malapit sa isang batis upang gawin itong pinto rito sa kuweba. Nangolekta rin ako ng mga panggatong at inilagay iyon sa hinukay kong butas sa lupa, para sa ilang araw naming pamamalagi rito. Nag tambak narin ako ng mga prutas at tinapay na binili ko sa distrito para may makain kami dahil mahihirapan akong mang huli ng hayop sa ganito kalamig na panahon.

Nang matapos kong paghandaan lahat ng iyon ay pumunta na ako sa bahay ni Mang Damian ngunit natanaw ko naman ang mga kawal na nag babahay bahay na sa buong distrito kaya minadali ko na silang kumilos upang makatakas kami kaagad.

Nang makapag kubli kami rito sa kuweba ay kinuwento ko ang lahat ng nalaman ko sa sikretong silid na nakita ko sa kanilang palasyo. Ngunit ng tanungin niya ako kung saan at paano ko iyon nalaman ay nagsinungaling ako. Hindi ko sinabing nakalathala iyon sa libro, kung hindi ay nabasa ko sa talaarawan ng Hari na agad niya ring pinaniwalaan.

The King's Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon