𝒫𝒶𝒽𝒾𝓃𝒶 22

5.2K 405 34
                                    

"Hey, Kath. Okay ka lang ba? Tulala kana naman" pukaw sa atensyon ko ni Abby pagkaupo nito sa harap ko na sinundan naman ni Trisha.

I heaved a sigh at pilit itinutuon ang atensyon ko sa pagkaing nakahain sa harap ko.

"Naranasan niyo na ba 'yung feeling na parang may kulang? Like, when you woke up parang may tila hinahanap ka pero hindi mo ma-identify kung ano iyon?" Biglaang saad ko.

Bahagya silang nagkatinginang dalawa at maya maya'y umayos ang mga ito ng upo't inilagay na sa table ang dala nilang tray ng pagkain.

"After effects ba 'yan ng pagkaka hospital mo?" Tanong ni Trisha.

Marahan akong umiling at inilayo na lamang ang pinggan ko dahil hindi ko talaga feel kumain. Wala akong gana.

"I don't know, pero ewan. Siguro? I ain't sure."

Ang kwento kasi nila sa akin ay naaksidente ako at halos half year na nasa state of coma. Ang akala nga raw nila ay hindi na ako gigising pang muli. Nakakuha raw ako ng head injury and some bruises sa pagkaka bangga ko kahit nakapag preno raw kaagad 'yung driver ng bus pero dahil nga sa biglaan, hindi na naiwasan pang tumama ako. Buti nga raw at 'yun lang ang inabot ko at hindi nagkalasog lasog ang katawan ko kasi imposible na akong mai-revive pa, pero ang ikinatataka nila ay bakit ang tagal kong natulog na umabot pa talaga ng kalahating taon.

But, the day I woke up, umiiyak ako sa hindi ko malamang dahilan. Hirap din silang mapatahan ako dahil sa wala rin silang ideya kung ano bang nangyayari sa akin. Noong time rin kasi na 'yon ay pakiramdam ko'y hindi naman ako natulog. Buhay na buhay ang utak ko pero hindi ko alam kung saan at paano.

It's like, there are some memories na hindi ko na matandaan at hindi ko rin naman sure kung naranasan ko na ba.

Ang gulo.

Ang hirap.

Pangalawang month na itong nangyayari sa akin at hindi narin ako makapag focus sa studies ko. Naging irregular student na nga ako dahil sa nangyari sa akin dahil hindi ko na-take 'yung buong second sem ko last school year.

Ngayon ko na lang din iyon ini-open sa kanila dahil noong una ay iniisip ko na baka mga panaginip ko lang iyon na hindi ko na maalala pa pero ngayon, iba na eh.

Lagi akong binabagabag.

Lagi akong may hinahanap.

"Nakapagpa-consult kana ba sa doctor mo? Baka kasi iba na 'yan." Wika ni Abby at sinimulan na ang pagkain niya "Pero nangyari lang naman 'yang pagkaka-ganiyan mo after mo magising, hindi ba?"

Tumango ako sa kaniya dahil totoo naman iyon. "After ko ma-hospital parang may kulang na sa akin. Ang sabi ni Doc Santos ay baka raw fragment lang 'yon ng panaginip ko dahil sa tagal kong pagkakatulog pero hindi eh. Pakiramdam ko ay talagang naranasan ko 'yong bagay na iyon pero hindi ko matukoy kung anong ginawa ko."

"Basa ka kasi ng basa ng fantasy. Doon mo ata 'yan nakuha" komento ni Trisha at sinubo ang spaghetti niya.

Kumunot ang noo ko sa tinuran niya dahil hindi ko 'yon naintindihan.

Anong fantasy?

"What do you mean?" Nagtataka kong tanong. Wala kasi akong matandaan na nagbabasa ako ng libro at talagang fantasy pa?

Nagkatinginan ang dalawa sa harap ko at sabay na inilunok ang nginunguya nila.

"Hindi mo na ba matandaan?" Balik na tanong niya sa akin.

Umiling ako na lalong ikinataka nila.

"Weird" saad ni Abby "Hindi ka naman nagka amnesia pero hindi mo matandaan na nagbabasa ka ng fantasy book the day before ka maaksidente"

The King's Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon