Reiazen
"Habulin ninyo ang babae! Huwag niyong hahayaang makatakas!" Rinig kong sigaw ng isang malalim na boses, kasunod niyon ang mabilis at malakas na pagtakbo ng mga kabayo patungo sa akin.
Mahigpit kong hinawakan ang tali ng aking kabayo at winasiwas iyon upang bilisan pa nito ang pagtakbo.
Hindi ko hahayaang kanila nila akong madakip. Kailangan ko pang mahanap si Katherine.
Sa pag hataw nito, kinuha ko ang revolver sa aking dalang supot (backpack) . Mabilis ang mga kamay kong binuksan ang cylinder nito upang tignan kung mayroon bang bala ang anim na butas niyon at sinarado rin naman ito paglaon. Ibinaba ko ang hammer na nagsisilbing pang-kasa nito at bahagyang tumingin sa aking likuran.
May limang lalaki ang sa akin ngayo'y humahabol. Sila'y mga tulisan na nais sana akong nakawan habang ako'y sandaling nagpapahinga sa lilim ng isang puno, ngunit mabilis ko silang natunugan dahil narin sa ingay ng kanilang mga yapak.
Nakatakas ako bago pa man sila makalapit sa akin at ngayon nga'y kanila nila akong pilit tinutugis na tila isa akong bandidong nakawala sa kanila sanang pagkakagapos.
Tinapik ko ang tagiliran ng aking kabayo upang bilisan pa nito ang kaniyang pagtakbo ngunit naging sanhi rin iyon upang mahulog ang suot kong sandalyas sa paa.
Napailing na lamang ako at inihulog na lang din ang kapares nito at tumingin muli sa daang aking tinatahak.
Malayo na ako sa kabihasnan at tanging nagtatayugang puno't kabundukan na lamang ang aking natatanaw.
Sa halos tatlong buwan kong paglalakbay ay marami na akong napuntahang lugar at mga bayan. Natuto akong makisalamuha sa iba't ibang taong aking nakaka-daupang palad nang walang iniisip na mangyayaring kapahamakan. Iba't ibang kultura't paniniwala ang aking nalaman sa mga iyon na akin ngayong baon.
"BILISAN NIYO!" muling sigaw ng parehas na boses kanina na nagpalingon muli sa akin sa kanilang gawi. Sa hinuha ko ay ito ang kanilang pinuno dahil sa laking lalaki nito.
Kita ko ang pagbunot ng kaniyang mga kasama sa kanilang mga sandata. Mga espadang napaglipasan na ng panahon para sa akin.
Natatawa kong itinutok sa kanila ang hawak kong baril at pinaputukan ang lupang kanilang dinaraanan.
Tila nagulat ang mga ito sa aking ginawa, kasama na roon ang kanilang mga sinasakyang kabayo na para bang naglulumikot na at gustong makawala sa kanilang pagkakahawak.
Mayroon pa akong limang bala
Muli kong itinutok ang hawak ko sa kanilang gawi at kita ko ang takot ng apat niyang kasama sa kanilang mga mukha. Lumayo ang mga ito sa isa't isa, nais pigilan ang kanilang darating na kamatayan.
"IWASAN NINYO!" Muling sigaw ng kanilang pinuno ngunit huli na dahil sa ilang segundo matapos nang kaniyang pagsigaw ay siya ring pagkahulog niya sa mabatong daan at ang kaniyang kabayo ay lumihis na't kaniya silang iniwan.
Lalong nahintatakutan ang apat na lalaki. Nais na nilang pahintuin sa pagtakbo ang kanilang mga sinasakyan ngunit ayaw na ng mga ito sumunod sa kanila at lalo lamang binilisan ang paghabol sa akin.
Naiiling na lamang ako sa aking nasasaksihan at ibinalik ang tuon sa aking daan.
Ngunit sa muling paglingon ko ay siya ring biglaang pagtigil ng aking kabayo.
Dahil hindi ako rito mahigpit na nakakapit, naramdaman ko na lamang ang pag angat ko sa ere at ang malamig na hanging sa akin ay yumapos.
Dulo na pala iyon ng bangin.
![](https://img.wattpad.com/cover/230885256-288-k423529.jpg)
BINABASA MO ANG
The King's Daughter (Completed)
Fantasy"Noong unang kita ko pa lamang sa iyo'y batid ko nang gulo ang hatid mo sa aking pagkatao, at totoo nga ang iniisip ko. Ngunit wala sa aking hinuhang aabot tayo sa ganitong gagamitin ang kapangyarihang naka dikit sa ating mga pangalan upang matigil...