Nakalulunod
Ang sensasyong aking nararamdaman ang nagpamulat sa aking mata. Kasabay niyon ang pagbigkas ng isang malamyos na tinig na nagpabalik sa aking ulirat.
"Paumanhin. Hindi kita nakita" saad nito
Nanatili akong nakayuko, pinapakiramdaman ang aking paligid. Sapo ko rin ang aking pang-upo dahil para itong kumikirot.
Kasalukuyan akong nakasalampak sa isang hagdang yari sa kahoy na sa tingin ko'y sobrang tibay dahil sa tigas nito.
"Tignan mo ang Prinsesa. Nakalahad ang kaniyang kamay na hindi katanggap tanggap na gawain ng isang babaeng maharlika"
Sukat sa aking narinig na bulungan sa paligid ay ang pagbabalik ko sa reyalidad. Sa aking nao-obserbahan ay ang la-lalim nila managalog na sobrang nakakapag taka, ngunit ipagpapaliban ko muna iyon at hinarap ang taong sinasabi nilang Prinsesa.
"Paumanhin din. Hindi rin kita nakita" tugon ko habang ginagaya ang accent nila besides, hindi ko rin alam kung bakit nakasalampak ako sa hagdan na 'to, pero ia-assume ko na lang na nagkabungguan kami.
Unti unting nag angat ang tingin ko sa kaniya na siyang pagsalubong sa akin ng mga matang kulay abo.
Matang walang kabuhay buhay na tila nagulat din sa akin.
Napalunok ako dahil sa intense na staring contest namin nitong magandang babaeng aking kaharap. Nakalahad ang kaniyang kamay sa akin na animo'y inaantay nito na akin itong tanggapin.
Una akong nagbawi ng tingin at tinanggap ang kaniyang kamay at hinihintay siya na tulungan akong makatayo, ngunit para siyang wala sa kaniyang sarili.
Nagtataka man sa aking suot dahil sa pagkakatanda ko ay naka t-shirt at jeans lamang ako kanina ay hindi ko rin muna iyon pinansin.
Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi parin siya gumagalaw. Pipisilin ko na sana ang malambot niyang palad ngunit pinigilan ko ang aking sarili.
"Ayos ka lamang ba, Mahal na Prinsesa?" Tanong ko na lamang.
Napakurap siya bigla ng ako'y nagsalita. Tikom ang bibig niyang tinulungan ako upang makatayo
Nang makatayo, binitawan ko na ang palad niya dahil feeling ko'y mararamdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso ko mula sa aking pulso. Upang hindi mahalata ang sadiyang pag iwas ko ay pinagpagan ko na lamang ang gown na suot ko lalo na 'yong parte na aking naupuan.
Rinig ko ang pagpapakawala niya ng hininga na ikinalingon ko sa kaniya. Nawiwirduhan ko siyang tinignan dahil ang weird niya kumilos pero kahit ganoon ay hindi nakabawas sa pagiging magandang dalaga niya iyon. Kung siya nga talaga ang prinsesang sinasabi nila, hindi na iyon kataka-taka.
"Mauuna na ako. Paumanhin" biglang paalam niya at nagmamadali siyang dumaan sa aking gilid upang makaakyat sa ikalawang palapag ng lugar na aming kinalalagyan, kipkip niya ang tela ng kaniyang suot upang hindi niya iyon matapakan.
Dahil sa kaniyang sinabi ay napasunod ang tingin ko sa kaniya at sa hindi ko malamang dahilan ay naisagaw ko ang salitang hindi ko alam kung saan nanggaling.
"Prinsesa, sandali!"
Ngunit hindi siya lumingon at lalo lamang nagmadaling umakyat.
Hindi ko alam kung anong meron pero sobra akong na-disappoint ng hindi niya man lamang ako tinapunan ng huling tingin.
Dahil sa ingay na aking naririnig sa lugar na ito ay napalibot ang tingin ko. Ang lawak ng lugar at sobrang daming taong nandirito. Tila nagkakasiyahan din ang karamihan dahil may mga kopita sila sa kanilang mga kamay at nagtatawanan ang mga ito habang masayang nag uusap.
BINABASA MO ANG
The King's Daughter (Completed)
Fantasy"Noong unang kita ko pa lamang sa iyo'y batid ko nang gulo ang hatid mo sa aking pagkatao, at totoo nga ang iniisip ko. Ngunit wala sa aking hinuhang aabot tayo sa ganitong gagamitin ang kapangyarihang naka dikit sa ating mga pangalan upang matigil...