"Gusto mo bang sumama?" Tanong ko kay Gail.
Ibinaba nito ang hawak niyang libro sa study table ko at ibinaling ang tingin sa akin.
"Saan?" balik na tanong niya.
"SM" tila naman naguluhan siya sa sinagot ko.
Ano pa nga bang aasahan ko? Ilang linggo na siyang nandirito pero lagi lang siyang nakakulong sa kwarto ko kaya malamang, hindi niya alam iyon.
"Basta, sumama kana lang sa akin. Bibilhan kita roon ng gamit mo" may pinalidad na saad ko.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa kaniyang binabasa at umayos ng pagkaka upo sa silya.
"Marapat sanang hindi mo na lamang ako tinanong kung ikaw parin ang masusunod" piping usal niya pero hindi parin iyon nakalagpas sa pandinig ko.
Inikutan ko na lamang siya ng mata at kumuha ng masusuot niyang pang alis sa damitan ko.
Wala naman talaga akong balak na bilhan siya ng gamit kaso mga gamit ko ang nauubos lalo na sa damit. Tatlong beses siya kung maligo sa isang araw tapos hindi naman marunong maglaba, jusko. Lahat ng nilabhan niya, inuulit ko pa. Dahilan niya ay hindi niya pa nasusubukang gawin iyon dahil trabaho iyon ng mga katiwala nila.
"Sasama sina Abby at Trisha. Igagala ka raw" wika ko at kinuha ang isang sweatpants at white round neck shirt. Pansin ko kasi na ayaw niya sa mga jeans dahil hindi raw siya makaupo ng maayos dahil masikip. Pero totoo naman 'yon dahil maski ako ay mas gusto pa ang sweatpants kesa sa pantalon.
"Igagala ay ililibot, hindi ba?" Wala sa akin ang tingin na saad niya. Naglipat siya ng page sa libro at muling nagsalita "Mayroon bang magandang tanawin dito sa inyong lugar?"
"Mayroon naman pero malalayo"
Lumapit ako sa kaniya at iniabot
ang kinuha kong damit. Tinignan niya muna iyon at tinanggap din sa huli bago ito tumayo at tiniklop ang librong hawak niya kanina."Hindi ba magagalit ang iyong Ama kung madaratnan niyang walang tao rito sa bahay?" May himig pagkabahalang tanong niya.
Umiling ako at ako ang pumalit sa pagkaka upo sa silyang inuupuan niya kanina.
"Mamayang gabi pa uuwi si Papa, hindi ba? Hindi naman tayo aabutin ng gabi roon atsaka, maayos na siyang nagtatrabaho dahil may kasama na ako rito sa bahay"
Noong tumira na kasi talaga rito si Gail ay parang anak narin siya kung ituring ni Papa dahil parang wala naman siyang balak bumalik sa lugar nila kasi hindi niya nga raw alam kung paano. Magmula rin niyon ay tinanggap na ni Papa ang alok na trabaho sa kaniya ng boss niya noon na lumipat sa presinto at doon na lamang ipagpatuloy ang pagiging alagad niya ng batas, ngunit imbis na mga kriminal o NPA ang haharapin niya ay mga papeles iyon dahil narin sa mahina na ang puso niya para tumugis pa ng masasamang loob.
"Nga pala, Gail. Alam mo na ba kung paano ka makakabalik sa mundo mo?" Natigilan siya sa pagpasok sa banyo ng kwarto ko ng itanong ko iyon.
Pumihit siya paharap sa akin at mababakas sa mukha niya ang lungkot at marahan siyang umiling.
"Hindi pa. Wala akong mahanap na aklat na makapag tuturo sa akin kung paano nga ba ako makababalik doon, ngunit kahit gano'n ay mas pipiliin kong manatili na lamang dito dahil nandirito ka" diretsahang saad niya. Ako naman ngayon ang napatigil at natulala sa kaniya.
Ano bang meron at panay ang sabi niya na gusto niyang kasama ako? Huwag mo sabihing may feelings talaga siya sa akin?
"Mauuna na akong maligo"
Napabalik ako mula sa malalim na pag iisip ng marinig ko ang pagsarado ng pinto sa banyo at ang pag click ng lock niyon. Napahinga ako ng malalim at ipinilig ang aking ulo.
BINABASA MO ANG
The King's Daughter (Completed)
Fantasy"Noong unang kita ko pa lamang sa iyo'y batid ko nang gulo ang hatid mo sa aking pagkatao, at totoo nga ang iniisip ko. Ngunit wala sa aking hinuhang aabot tayo sa ganitong gagamitin ang kapangyarihang naka dikit sa ating mga pangalan upang matigil...