𝒫𝒶𝒽𝒾𝓃𝒶 14

5.3K 456 95
                                    

Kath/Harsel

"Prinsesa, kailangan mo nang magpahinga. Mamayang umaga mo na lamang iyan ipagpatuloy" puna sa akin ni Nay Anna na halatang antok na antok na nga ayon sa kaniyang boses dahil pasado ala-una na ata ng madaling araw.

Ibinababa ko ang hawak kong pen at ibinaling ang tingin sa ginang. Namumungay na ang mga mata niya at maya maya pa'y humikab na ito.

"Mauna kana pong matulog, Nay. Malapit narin naman akong matapos sa ginagawa ko" pangungumbinsi ko sa kaniya.

"Ikaw ang bahala, Prinsesa." Napipilitan man ay sumunod na lamang ito sa iniutos ko at nauna nang matulog.

Muling namayani ang katahimikan sa buong silid at tanging ang bahagyang pag kisap lamang ng ilaw sa lampara ang naririnig.

Muli kong hinawakan ang fountain pen ko at ibinalik ang buong atensyon sa ginagawa ko.

Kasalukuyan ko kasing tinatapos ang sunod kong ipapagawa kay Gail dahil kampante akong matatapos na nilang gawin ang gunpowder at ang sampung flintlock rifle na pinapagawa ko.

Malinis kong ini-sketch ang naaalala kong itsura ng binocular. Alam kong masyadong matrabaho ang ipapagawa ko ngunit makakatulong ang bagay na iyon upang maisakatuparan namin ang plano. Kailangan mag masid ni Gail sa kaniyang paligid kahit nagkukubli siya ngayon sa dilim.

Delikado na ang sitwasyon ngayon dahil mag uumpisa ng mag-halughog ang mga kawal ng palasyo sa mga bahay sa distrito, ilang linggo mula ngayon. Narinig ko iyon nang mapadaan ako sa parang library ng palasyo.

Nagbibigay ng utos ang Hari sa kaniyang mga punong kawal, at ang malala pa roon ay isa sina Raphael at Kris sa tutulong.

Halos dalawang linggo narin kasi ang lumipas simula noong sumama ako pabalik sa bansang ito at hanggang ngayo'y wala paring progreso ang paghahanap nila kay Gail.

Dahil nagbabalikan kami ng sulat ng babaeng iyon, alam ko kung saan siya ngayon tumutuloy. Ayon sa kaniya ay nagpaalam na siya sa mag asawang kumupkop sa kaniya dahil pakiramdam niya'y mailalagay niya lamang sa panganib ang dalawa. Noong sinabi niya na may nakita siyang trabaho sa kabilang bayan ay hindi man bukal sa loob na sang ayunan ang disisyon niya, napilitan na lamang ang mag asawa dahil iyon daw ang makakapag pasaya sa kaniya, at ngayon nga'y kasalukuyan siyang tumutuloy sa bahay niyong tinuro ko sa kaniya na magiging blacksmith namin.

Hindi naman daw pansinin ang lugar na iyon dahil parang inabanduna na at napag iwanan ng panahon dahil sa sobrang luma na ng mga bahay at tanging mag anak lamang ni Mang Damian ang nakatira sa kalyeng 'yon.

Sa dalawang linggong pananatili ko rin dito sa palasyo ay marami akong napag alamang sikreto ngunit kailangan ko munang itago iyon sa ngayon dahil hindi pa ito ang oras para ibunyag kay Gail ang mga nalaman ko. Kailangan ko munang ihanda ang lahat before kumilos dahil wala kaming laban sa hukbong sandataan ng hari, malala pa ay kung tutulong ang pamilya Williams sa mangyayaring laban sa oras na malaman nila na sangkot ang inaakala nilang anak sa repormang gagawin namin.

Nang matapos ko na idrawing ang diagram ng binocular, mailagay at maisulat lahat ng steps, labels at materials na kailangan nila sa pag-gagawa niyon ay itinupi ko na ang papel na pinag-drawingan ko hanggang sa lumiit ito ngunit napatigil din ng makaramdam ako ng lamig sa paligid.

Sa pagkakaalala ko ay walang kuryente sa kwentong ito kaya paanong lalamig kung wala namang aircon o electric fan man lamang?

Pero agad napawi ang mga tanong na iyon sa isip ko nang mapadako ang tingin ko sa labas ng bintana.

Umuulan ng niyebe.

The King's Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon