CHAPTER 36

12 0 0
                                        

CLARINA DELA VEGA (CLARISA)
     " Kuya..." Tinapik ko ang balikat nito habang siya naman ay naka tulala lamang sa ataol na nasa harap namin. Hindi pa rin kami makapaniwalang lahat na wala na si Ate Alice. Pina cancel din ang home coming na gaganapin sa school dahil sa insidente. Sinisigurado nila na ligtas ang lahat kaya minove nila ito ng next week.

" If I answer her calls, mangyayari kaya 'to? I could've save her..." Wala sa sarili nitong tanong. Bumuntong hininga naman ako.

" If they're doing this para mapigilan nila ako para tumakbo bilang Mayor, yan ang pagkakamali nila. Mas lalo nila akong binigyan ng dahilan para tumakbo bilang Mayor." He said while clenching his fist. His eyes are emotionless. Parang hindi na siya yung Kuya Vescout na nakilala ko. Parang... Ibang tao na yung na sa harapan ko. Hindi ko alam kunng paano ko papagaanin ang loob niya. Naisip ko tuloy, ganito rin kaya yung naramdaman at maging reaksyon niya noong namatay ako? Nagkaroon ba siya ng pag sisi ng mga panahon na iyon? Hindi ko napigilang mapabuntong hininga muli dahil sa mga gumugulo sa isip ko.

" Haze!" Napa igtad ako sa biglang pag sigaw ni Kuya sa pangalan ng kanyang Secretary. Seryoso at malamig ang kanyang boses. Talagang titindig ang balahibo mo sa lamig ng kanyang boses. Talaga ngang kayang baguhin ng isang pangyayari ang isang tao. Kung nag bago siya noong namatay ako, pano pa kaya ngayon na si Ate Alice na ang nawala?

" Sir?" Tanong nito ng makalapit sa amin.

" Sabihin mo sa mga tauhan ko at sa mga pulis na halughugin nila ang dapat na halughugin, at huwag silang mag titira ng kahit na isang lugar na hindi nila na inspection. Naintindihan mo? Kailangan natin mahanap kung sinong lapastangan ang pumatay ka Alice!" Madiin at malakas na pagkakasabi niya na nag bigay ng alerto sa mga guards o tauhan ni Kuya. Napa lunok naman ako sa sarili kong laway ng marinig ang ma otoridad niyang boses na dumagundong sa buong piligid. Napatingin din ang mga nakikiramay na nasabayan ito ng mga bulungan. Walang ni isang mga tauhan namin ang nagtangkang sumagot at sumalungat sa utos ni Kuya Vescout.

" Yes, Sir!" Tumalikod ito at kinausap ang pinaka head ng mga guards.

" Hindi makakawala ang taong yun sakin. Makikita niya na hindi basta-basta ang kinalaban niya..." Mahina ngunit madiing pagkakasabi ni Kuya. Ramdam mo ang puot, sakit, at hinagpis sa kanyang boses.

" Kuya, you should rest. Kami na muna---" Ipapatong ko na sana ang aking kamay sa kanyang kaliwang balikat ng bigla itong tumayo.

" No. I won't. " Madiing pagkakasabi niya. Luminga-linga siya sa paligid. Nilapitan niya ang mga magulang ni Ate Alice at may sinabi sa kanila bago siya lumapit sakin at hinila ako palabas. Mahigpit ang pagkaka hawak niya sakin kaya napapadaing ako.

" Kuya... Masakit!" Mahina kong daing sa kanya. Pero, para itong walang pinapakinggan. Isinakay niya ako sa kotse at nag maneho ito pauwi sa bahay. Pagkarating namin ay hinila niya ako sa kwarto ko at pinapasok ako doon. Sinara niya ito at ni lock bago ako harapin. Seryoso ang kanyang mga titig.

" Hindi mo ba siya nakita?" Malamig na tanong niya sakin. Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya.

" Who?" Tanong ko. Napa hagod naman ang kanyang kamay sa kanyang buhok at napapikit, tila ba naiirita.

" You know what I'm talking about, Clarisa!" Sigaw niya. Pinanlakihan ko naman siya ng mata.

" Pwede ba? Hinaan mo yang boses mo! May makarinig sayo!" Bulong ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CLARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon