XV- Drunk

10 0 0
                                    

"Is everything ready?"

"Yes, Ms. Sandra."

Nang malaman na okay na ang lahat, nagpasalamat ako at agad na ibinaba ang tawag. Lumabas ako ng bathroom at dumiretso na sa kuwarto ni Klen para tingnan kung naka-ayos na ba siya.

"Let's go?" Tanong ko rito.

"Teka. Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong niya habang sinusuot ang isang black high heels.

"Gusto ko lang tingnan yung dress na gagamitin ko para sa event namin next month." Pagdadahilan ko.

"E bakit kailangan nakaganito pa tayong dalawa?"
Tanong niyang muli habang pinapasadahan ng tingin ang suot niya pati na rin sa akin.

"A-ano kasi...may..may importanteng client doon. Tingin ko ikakasal na siya next month. Kinausap kasi ako no'n. Ang sabi sa akin,l nag hahanap siya ng gagawa ng cake niya. Oo! Ayon yung sabi niya. Nakakahiya n-naman kung hindi ka naka-ayos, 'di ba?"

Mukhang naniwala naman siya kaya hindi na muling nagtanong at nagpatuloy na lamang sa pagaayos.

Nang makarating sa basement ng condo, pinauna ko na muna siyang makapasok sa sasakayan. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang event coordinator at sabihin na papunta na kami.

"Nakakainis!!" Napapreno ako bigla dahil sa sigaw ni Klen ngayon. Lumingon ako sa kaniya at mabilisang ibinalik ang tingin sa daan. Kunot-noo siyang nakatingin sa kaniyang cellphone.

"Problema mo?" Tanong ko habang abala sa pagda-drive.

"Nakakairita si Brent." Dahilan niya. Mas okay nang sinasabi niya ang totoo kaysa tinatanggi.

Hanggang ngayon, wala pa rin akong alam kung paano nagkaayos ang dalawa. Hindi ko pa rin alam kung ano ang naging rason kung bakit naging okay sila. Kahit gusto ko man itanong na, hindi ko pa rin magawa. Ayaw kong manghimasok sa kung ano man ang nangyayari. Hahayaan ko na lamang na sila ang magsabi. Kung saan sila magiging komportable, roon ako.

"Niyayaya ko kasi sa bahay ngayon. Para naman may paganap ako. Kaso ayaw ng gago. Busy raw siya at nakaduty siya ngayon."

Tumango-tango na lamang ako bilang tugon sa kaniyang sinabi. Buong byahe papuntang venue ay nakakunot lamang ang noo ng katabi ko. Gusto ko na lang sana matawa, kaso baka mairita lang lalo.

"Bakit tayo naandito? Dito talaga?
Ngumiti lang ako at ibinigay na ang susi ng sasakyan ko sa PA ko na nag aabang sa amin sa labas ng venue. Takang-taka na naglakad palapit sa akin si Klen.

"Teka, Sandra. Dito talaga? Grabe ah. Mukhang bigatin ata mga makakasama mo."

Tumawa na lamang ako at hinawakan ang kamay niya papasok sa lobby ng hotel. Sinalubong kami ng iilang staffs na nakahilera.

"Huy...." buong ni Klen habang kinukurot ang tagiliran ko. "Ano ba 'to? Daig pa natin anak ng Presidente."

Nang makarating na sa pintuan ng venue, humarap ako sa kaniya at ngitian siya. Sobrang gulo naman ng buhok nito. Tumingin ako sa paligid at itinaas ko ang aking kamay para makita ng aking PA na tinatawag ko siya.

Nang hiram ako ng suklay at ginamit ito sa buhok ni Klen. Nakakunot pa rin ang noo niya, tila ay naguguluhan kung bakit ko ginagawa ito.

Girl, magmumukha kang witch kung hindi kita susuklayan ngayon dahil sa gulo ng buhok mo.

"Okay! Let's go!" Masigla kong sambit.

Hinawakan ko ang siko ni Klen para ipwesto siya sa gitna ng pinto. Tiningnan ko ang dalawang may hawak ng door handle at binigyan na sila ng signal para unti-unting buksan iyon.

Night at MontercarloWhere stories live. Discover now