"You better say sorry to him sa personal, Sandra."Tiningnan ko lamang ang kaniyang ginagawa sa condo habang siya ay naglilitanya. Mahigit isang oras niya na akong sinisermonan dahil sa mga nangyayari. Tumayo ako ay pumunta sa balkonahe upang pagmasdan ang mga ibon na kanina pa lipad nang lipad sa tapat namin. Nakabukas lamang ang pintuan ng balkonahe dahilan para marinig ko pa rin ang kaniyang sinasabi.
"Anong gusto mong kainin? Tatawagan ko na lang si Clarita pa mapag-luto tayo."
Wala na talaga akong masasabi kay Klen. Bukod sa pagiging isang mabait na kaibigan, para rin siyang ina dahil sa pag aalaga niya.
"I'll eat with Marco." Bigla kong sambit na kahit ako ay nagulat dahil sa sinabi. Nanglaki ang mata niya nang marinig ito. Tumaas ang kaliwanang kilay niya at binigyan ako ng isang mapang-asar na ngiti.
"And why? May duty siya ngayon." Nakangiting nakakaloko ang ibinigay niya sa akin at nagsalitang muli. "Same shift sila ni Brent."
"W-wala. Gusto ko lang i-treat siya dahil sa nagawa ko." dahilan ko. Kahit tingin ko ay totoo naman ang aking sinabi, parang may iba pa rin akong dahilan kaya gusto kong magkita kami.
"Treat?" Pinandilatan niya ako dahil sa sinabi ko. "You are JUST going to treat him? Alexsandra, ginulo mo ang trabaho at reputasyon ng tao, tapos treat?" reklamo niya sa akin.
Ano ba ang dapat kong sabihin? Ano ba ang dapat kong gawin?
"Hindi ko alam ang gagawin, Klen. I mean, I know I ruined his career. Pero maayos naman e. Nagtatrabaho siya ngayon."
Napailing na lang si Klen sa sinabi ko at kinuha ang vacuum para umpisahan nang makapaglinis. Dahil wala namang nakaschedule na shoot ngayon ay tinulungan ko na lang si Klen na maglinis. Pinuntahan ko ang aking kwarto at kinalkal ang mga gamit upang maitapon na ang mga hindi na kailangan. Maraming mga paper bags ang nakakalat sa loob ng aking kwarto. Galing ang mga ito sa mga fans. Maya maya ay nakakita ako ng isang itim na box. Binuksan ko ito ay unti unting binuksan.
Mga litrato namin ni Tristan.
Ilang minuto ko iyong tinitigan dahilan para balikan ang mga nangyari anim na taon na ang nakalipas. Tiningnan ko ang mga ito isa-isa. Noon, kapag tinitingnan ko ito, ay napapaiyak na lamang ako. Pero ngayon ay alam ko sa sarili ko, kahit "papaano", na okay na ako.
Ibinalik ko ang mga litrato sa loob ng kahon at tinago ito sa aking cabinet. Pag-kasara ko ng cabinet ay kita ko ang pag-iling ni Klen sa akin na nakatayo na ngayon sa pintuan.
"Kanina pa kita tinatawag pero parang lutang ka katititig sa pictures niyo."
Ngumiti lamang ako nang mapait at alam kong naiintindihan niya na agad ang aking pinapahiwatig.
"Clarita cooked for us. Let's eat." Pag-anyaya niya sa akin. Agad din naman akong sumunod upang maghanda ng mga kailangan sa hapagkainan. Isa isa kong inayos ang mga pagkain at naglagay ng mga plato at kutsara.
Umupo na ako at nagumpisang kumain habang si Klen ay kausap naman ang kaniyang boyfriend sa cellphone. Naglakad siya papunta sa aking harap at umupo na. Naka-angat pa rin ang kaniyang kamay upang makita nang maayos ang kausap.
"Are you with Doc Marco?" tanong nito sa kausap.
"Yeah, why? He's beside me." tanong ni Brent. Nakita ko ang unti unting pag-ngiti ni Klen at maya maya ay ibinigay sa akin ang cellphone. Nang itinutok ito sa akin ay hindi na si Brent ang nasa kabilang linya kundi ang mukha na ni Marco na ngayon ay nakasuot ng whie coat at may stethoscope sa leeg. Ngayon ko lamang siyang nakita na ganito. At dahil sa aking taranta ay agad kong pinutol ang linya.
YOU ARE READING
Night at Montercarlo
RomanceMontecarlo, isang lugar kung saan niya malalaman ang halaga ng buhay. Isang lugar kung saan makakalimutan niya nang mahalin ang ibang tao dahil sa isang pangyayaring hindi inaasahan. Money and fame, nasa kaniya na ang lahat. Pero isang bagay lamang...