Pangalawang araw namin ngayon dito sa Batangas at napagplanuhan na pumunta sa bayan ng Lobo. Akala ko hindi pa kami matutuloy dahil lasing na lasing si Brent at Klen. Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin sila ng pagkahilo dahil sa mga nainom.
"Marco, ikaw na lang mag drive. Okay lang ba?" rinig kong tanong ni Brent habang naglalakad palapit sa sasakyan na gagamitin namin patungong Lobo.
Tumingin ako sa nakasuot ng isang classic beach white shirt at isang navy short. Hindi na rin talaga ako nagulat kung bakit nakuha niya ang atensyon ng nakararami sa party kagabi. Simpleng tayo niya lang, iba na agad ang dating. Kung hindi mo siya kilala, pagkakamalaman mong nagpipictorial siya dahil sa kaniyang ayos at tindig ngayon.
Tumango siya bilang tugon sa tanong ni Brent.
"Sandra, yung gamit mo?" si Klen habang humihikab pa. "Bakit hindi ka pa pumapasok sa sasakyan? Tara na."
Pagkasambit ay naglakad na muli patungong sasakyan. Sumunod na rin ako. Pero bago ako makapasok, tiningnan ko muna ang dalawang sasakyan na sasama rin sa amin sa Lobo. Hindi ko pa sigurado kung sino-sino ang mga kasama. Ang alam ko lang, kasama namin ang ibang pinsan ni Brent.
Kumaway sa akin ang nakangiting si Ruel at ngumiti. Binigyan ko rin ng isang ngiti habang papalapit sa kanila.
"Had fun last night?" tanong nito habang inaangat ang sunglass na suot.
"Yes." Ngumiti ako. Tiningnan ang mga taong nasa tapat ng sasakyan nila. "Ang dami niyo pala."
"Yea. Hindi ko rin inaasahan na manglilibre si Tito Denis."
Tumawa na lamang ako bilang tugon. Kinausap ako saglit ng mga taong kasama niya. Nang matapos, nagpaalam na ako at dumiretso na patungong sasakyan.
"Hayaan mo na si Sandra diyan, Brent. Dito ka na lang sa tabi ko." pag iinarte ni Klen.
Nakabukas lamang ang pintuan ng sasakyan. Rinig ko ang pagtatalo nilang dalawa kung sino ang uupo sa passenger seat. Tumingin ako sa harap at nakitang nakaupo na roon si Brent at nakahilig sa sandalan habang nakapikit.
"Tabihan mo na lang siya, Sandra." Sambit ni Brent.
"Wag, Sandra. Tabihan mo si Marco para hindi antukin sa biyahe."
Nalilito ako kung sino ang pakikinggan ko. Tiningnan ko si Marco na nasa driver seat at abala sa cellphone. Mukhang walang pake sa nangyayari sa paligid.
Kanina ko pa napapansin na wala ito sa mood makipag-usap. Umagang-umaga, nginitian ko siya pero tanging tango lamang ang ibinigay sa akin. Pagkinakausap din siya ni Brent ay tanging tango lamang ang sagot at pagkatapos, hindi na ulit papansinin ang kausap.
Nakita ko ang nakabusangot na si Klen. Inilagay na lamang ang ulo sa gilid, naglagay ng earphone at pinagmasdan na lamang ang labas.
Bago pumasok, inayos ko muna ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan. Rinig ko pa rin ang panunuyo ni Brent kay Klen. Bakit ba kasi ayaw nilang magtabi? Iniisip nila na baka mailang ako? Ayos lang naman sakin na tabihan si Marco. Matutulog naman ako buong byahe.
Nakatingin pa rin si Brent ngayon kay Klen at ang isa naman ay patay malisya na akala mo walang naririnig.
"Hindi kasi alam ni Marco yung daan papuntang Lobo." Pagdadahilan nito.
"Ano bang silbi ng Waze, huh?! Tsaka pwede naman sumunod si Marco sa mauunang sasakyan!" sigaw naman ni Klen. Napailing na lamang ako sa mga naririnig at dahan-dahan ibinaba ang pintuan sa likod ng sasakyan.
"Wait. Ruel's calling."
Pumasok na ako at naupo sa tabi ni Klen. Hindi ko na lamang inintindi ang nakabusangot na mukha nito dahil ayokong makita niyang natatawa ako dahil sa itsura niya.
YOU ARE READING
Night at Montercarlo
RomanceMontecarlo, isang lugar kung saan niya malalaman ang halaga ng buhay. Isang lugar kung saan makakalimutan niya nang mahalin ang ibang tao dahil sa isang pangyayaring hindi inaasahan. Money and fame, nasa kaniya na ang lahat. Pero isang bagay lamang...