I-MONTERCARLO

28 0 0
                                    




"Klen, will you please stop? Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa mga sinasabi mo." Reklamo ko sa katabi ko ngayon. Pilit kong iniintindi ang nangyayari at pilit ko ring iniisip kung paano masolusyunan ito.

Nakahalumbaba na lamang ako at tulala sa ginagawa niyang cake sa harap ko. Sobrang gulo ng aking utak. Pang-ilang beses na akong napupunta sa ganitong sitwasyon ngunit di ko pa rin alam kung ano ang mga dapat gawin.

"Anong sabi ng Manager mo?" Tanong sakin nito habang dinidekorasyonan ang kanyang cake. Nakibit-balikat na lamang ako bilang sagot sa tanong nito.

"Pwede bang itago mo muna iyang pagmumukha mo? Kahit mga 1 month or 2 months lang. Girl, ilang months ka na nga bang laman ng balita?" Maarte nitong sambit sakin nang hindi inaalis ang mga tingin sa ginagawa.

Napa-buntong hininga na lamang at nilibot ng mata ko ang lugar kung nasaan kami. This rustic kitchen is so good. Hindi mo na nanaisin pang umalis.

"You really have a taste, Klen." Sambit ko dito habang nakangiti.

Napasimangot siya sa aking sinabi dahilan para ibagsak niya ang piping bag na hawak niya.

"Don't change the topic, dude." She said without realizing na nasira niya ang cake na kaniyang ginagawa. "Shit."

"Kailangan ko kaya niyan?" Wala naman masamang kung manahimik muna ako ng ilang buwan, diba? Sobrang gulo na rin ng isip ko. Wala nang pumasok na tama. This one is too serious and I know that I can't handle this alone. "Hindi ba parang mali na takbuhan ko ito?" tuloy ko.

"Girl, can you please take care of yourself first? Nakaka-tuyo ng utak yang nangyayari sayo. 4 consecutive months, 4 months," sabay taas ng apat na daliri. "ka ng laman ng chismis."

"Ano naman ang gagawin ko? Tutunga sa bahay?" tanong ko. Kinuha ko ang Jamaican Rum Punch na nakalagay sa lamesa at tinuloy ang sinasabi. "Parang mas lalo naman ata akong mababaliw pag nagstay lang ako sa bahay." Reklamo ko dito which is I know totoo naman.

"You should go to Montecarlo." Ani nito at nilagay sa refrigerator ang cake na natapos. Pinagmasdan ko ang cake na ginagwa niya. "I know, I am the great Klen." Kahit wala akong sinasabi ay alam niya na kagaad ang laman ng isip ko.

Hindi na nakakagulat na malago ang kita ng kanyang business. I really admire Klen. She's too good.

"Saan iyan?" pagtatanong ko sa kanya. Hindi pa man buo ang desisyon ko ay inaalam ko na kagad. Well, incase na matuloy nga. Of course, I have to ask my manager first.

"It's my Tito's Villa." Tinanggal niya ang apron na kanyang suot kanina at kinuha ang kanyang baso na may laman ding rum. "Actually, ibibigay dapat sa akin iyon ni Daddy pero hindi ko tinanggap. Masyadong mahalaga kay Daddy yung Villa. Ayoko naman malugi." Sabay tawa nito.

Oh, I know that place. Iyon pala ang kanyang kinukwento nung high school kami. Hindi pa ako naniniwala noon dahil akala ko'y nagbibiro lamang siya.

"You can stay there for free. I'll inform my Tito." Nagulat ako sa kanyang sinabi. Agad kong nabuga ang aking iniinom. "It's my gift for you. Malapit na ang birthday mo."

"No, no. Alam ko mapagbigay ka, Klen pero I won't accept the fact na—" hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil bigla na lamang binuksan ng kanilang katulong ang telebisyon at saktong ako ang laman nito.

Sabay kaming nagtinginan sa isa't isa. Alam kong napansin niya ang paglumbay ng mata ko dahil sa pinapanood naming. Nakatulala pa rin ako habang tinitingnan ang mga larawan na ipinapakita.

"Aling Leticia." Kita kong nagpipigil siya ng inis. Napapikit siya at muling dumilat. "Can you please turn it off?" utos nito at agad namang sinunod ng kanilang katulong.

Night at MontercarloWhere stories live. Discover now