II-Kyle Tristan Siliero

41 0 0
                                    

[ This story in unedited. Enjoy!]

"Kailan niyo po balak bumalik ng Maynila?" tanong sa akin ni Aling Dicacia na ngayon ay nag aayos ng mga sofa.

"I don't know po. Maybe if I am already okay?" tugon ko rito.

Ilang linggo na nga ba akong nananatili sa Montecarlo? 3 weeks? 4 weeks? I am not sure. Habang narito ko ay hindi ko na napapansin ang petsa. Sumasabay lang ako sa takbo ng oras. Sa ilang linggo kong pananatili rito ay nakakabisado ko na ang mga bawat sulok ng Villa.

"Lagi po akong pinapaalalahanan ni Ms. Klen na bantayan ka," napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi. "ang sabi lang naman po niya ay wag po kitang hayaan pumunta sa kung saan-saan." Sabay tawa nito.

"Really, Klen." Napa-iling ako sabay ngiti.


Ilang oras akong nananitili sa aking kwarto na ngayon ay nililinisan ni Aling Dicacia. Ang sabi ko sa kaniya ay tutulungan ko sya ngunit ayaw niya pumayag. Pagkatapos ng lahat ng mga dapat tapusin, nagpasya na kaming mag-agahan. It's 7:30 in the morning. Sobrang aga kong nagising dahil sa pag-hampas ng alon. Sobrang nakakaginhawa sa pakiramdam na iyon ang unang ingay na maririnig mo.

Lumabas ako para sumunod sa unang palapag ng Villa kung saan maaring kumain ang mga guests nito. Umupo ako malapit sa bintana upang pag-masdan ang mga alon habang kumakain. Nang ibinigay na sa akin ang agahan ay agad ko rin naman itong nilantakan.

"I'm so full." Bulong ko sa sarili ko na. Kinuha ko ang aking cellphone at agad kinontak si Klen. Ilang ring lamang ay sumagot na ito.

"Hello. What is up?" sambit ko.

"How are you? Are you okay?" she sighed. "I hope you are." Tugon nito sa akin.

"I'm okay. Ano pa ba pwedeng magawa rito?" tanong ko sa kaniya.

"There's a church there. Malapit sa Don Alfonso. Aling Dicacia told me na napuntahan mo na ang ibang mga barangay." I heard her laugh. "Alam kong mahilig kang pumunta sa mga simbahan."

Yes, I love to go to different churches.

"Okay, then. I'll go there later. Pinalinisan ko yung sasakyan ko. Sobrang putik kasi. Pumunta ako ng Madrigal last night just to party kaso biglang umulan." Sambit ko.


After 30 minutes, we ended our call. Pinag-usapan lang namin kung ano na ang nangyayari sa Manila. Well, nothing's new. Ganoon pa rin daw. Ako pa rin ang laman ng bawat Facebook, Twitter and even Instagram.


Is my life interesting? Napailing na lamang ako pagkatapos namin mag-usap ni Klen. I went to the bathroom after our call and I fixed my dark blonde hair. Kita ko ang pagka-bagay ng kulay ng aking buhok sa kulay ng aking balat. I had brushed my hair and pulled it into a high ponytail. Lumabas na ako ng bathroom and I went straight to my room. Ilang oras akong nanatili roon bago mag-pasyang pumunta sa Don Alfonso. Pinuntahan ko si Aling Dicacia upang tanungin kung tapos nang linisin ang aking sasakyan. Unfortunately, hindi pa. Tinanong ko kung ano oras maaring kunin ang sasakyan, ngunit hindi niya raw alam dahil hindi pa umuuwi si Mang Jun.

"Bago po kasi sana ako pumunta ng Don Alfonso ay nagpa-schedule po ako na patingnan ang sasakyan," napa buntong hininga ako. "Gusto ko lang po patingnan dahil sobrang taas ng baha ang nadaanan ko kagabi at sobrang maputik po."

I saw her expression. Alam kong hindi ko madadala ang aking sasakyan. Umasa pa naman ako na makakapunta ako ngayon sa Don Alfonso upang masilayan ang simbahang sinasabi ni Klen. I already planned my activities this week. Hindi pwedeng masira iyon.

"Yung van niyo available? I can pay po." Suggestion ko dahil sa gustong-gusto ko talaga matuloy ang akin lakad.

Sabay kaming napatingin sa lalaking dumaan sa gilid namin. Pumunta siya kay Aling Dicasia at may tinanong. Sumulyap siya sa akin at inalis din agad.

Night at MontercarloWhere stories live. Discover now