XIV- Dinner

10 0 0
                                    

"I am sorry, Sandra, at naiwan ko kayo ni Marco roon. Mabuti na lamang at nagpresinta siyang bantayan ka, at kung hindi ay baka napaano ka na." Ang aking Manager habang nilalagay na bara-bara ang bag na dala sa lamesa.

Apat na araw na ang lumipas nang dalhin ako rito sa hospital. Ni hindi pa ako nakakapag pasalamat kay Marco ng personal. Tuwing tumatawag naman ako, ang babaeng 'yon ang sumasagot. Hindi na rin ako nag abala pa muling tumawag dahil naiinis lamg ako sa tono ng boses ng babaeng 'yon. Akala mo laging inaaway kapag sumasagot.

Hindi ko rin inasahan ng dadating ako sa puntong kailangan akong dalhin dito sa hospital. Lagnat lang naman. Masyadong OA lang ata 'tong si Marco.

"Hindi naman ako kailangan dalhin dito." sambit ko habang nagsusuklay ng buhok. Katatapos ko lang magpalit ng damit. Nagpadischarge na ako dahil masyado na akong nababaliw sa loob ng room na 'to at pakiramdam ko naman ay okay na rin ako.

"Anong hindi? Kung hindi ka dinala ng tao, baka mas malala pa ang nangyari sa'yo. Mabuti na lang talaga at napapayag ko 'yon na ihatid ako sa condo mo."

Pumayag siya? Kahit condo namin ang pupuntahan? Paano?

"Tita, sana inisip mo muna na baka maabala mo 'yong tao. At sana inisip mo rin po kung may naghihintay bang girlfriend o asawa yung taong 'yon." diretso kong sambit at may halong iritasyon sa boses.

"Actually, noong tumawag ka, kasama ko siya at ang iba pang mga VIPs. E saktong malapit siya sa akin at malakas ang boses ko, kaya ayon."

"Anong "kaya ayon"?" nakakunotnoo kong tanong sa kaniya dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi.

"Wala akong dalang sasakyan kasi noong araw na 'yon. Nagtanong ako sa isa kong kaibigan,na malapit na kaibigan niya rin, kung may dalang sasakyan. Mayroon naman, kaso nga lang hindi siya pwede kaya nag-presinta si Marco na siya na lang daw ang maghahatid sa'kin. Hindi ko na pinansin yung hiya, nagpahatid na ako kaagad." Paliwanag ng aking Manager.

Tumango na lamang ako at hindi na muling nagsalita. Ano naman ngayon kung hinatid siya papunta sa condo namin? As if naman na may pake siya. Masyado lang siguro naawa si Marco sa Manager ko at tinulungan siya.

Naglakad ako palabas ng hospital at dumiretso na sa naghihintay na van. Tinanggal ko ang sunglass na suot ko at itinabi 'yon.

"How many--"

"Magpahinga ka na muna. Next week ka na lang magtrabaho at baka mamaya ay magkasakit ka na naman."

Sambit ng Manager ko. Hindi na ako umimik pa at pumikit na lamang. Buong byahe akong nakapikit pero gising na gising. Ang katawan ko ay nakakaramdam pa ng panghihina, pero hindi na katulad noong nakaraan na sobrang hindi na makagalaw. Nang makarating sa condo, sumalubong sa akin si Klen at niyakap ako ng mahigpit. Akala mo naman hindi nagkita ng ilang taon kung makayakap ng mahigpit.

"Nagluto ako, Sandra. Kumain ka na muna at magpahinga pagkatapos."

Tumingin ako sa dining table at nanlaki ang mga mata nang makitang sobrang dami niyang inihandang pagkain. Daig pa ang nagpafiesta sa sobrang daming pagkain.

"Birthday ko ba?" pang aasar ko sa kaniya. "Joke lang."

Niyakap ko siya at nagpasalamat sa mga pagkain na nilito niya. Bihira lang siya maging ganito at sobrang nagpapasalamat ako sa kaibigan at tinuturing ko na ring kapatid. Hindi ko alam kung ano ang buhay ko ngayon kung wala siya.

Pumasok ako ng aking kwarto para magbihis habang sila ay nag aayos ng hapagkainan. Tiningnan ko ang sarili na mukhang kagagaling lang sa isang gera. Ilang araw lang akong nasa hospital pero tinubuan na ako ng isang tigyawat. Napailing na lamang ako at kinuha ang skin care kit ko.

Night at MontercarloWhere stories live. Discover now