XIII-Jealous

6 0 0
                                    

"Klen, are you okay?"

Narito kami sa balkonahe ng condo unit. Hindi ko alam kung anong problema ng isang 'to at kahapon pa tahimik. Kanina pa rin hindi umiimik. Nakatingin lang sa kawalan na akala mo ay walang tao sa paligid niya.

"Oo." sagot niya. Napabuntong hininga siya, yumuko at muling nagsalita. "Nakita ko si Brent noong nakaraang araw."

Nang marinig ang sinabi, agad kong ibinaba ang hawak kong baso para ibigay ang buong atensyon sa sinasabi niya.

"And? What happened?" nakakunot kong tanong. Nagtataka sa lahat ng sinasabi.

Simula nang maaksidente si Klen, hindi ko na muling nakita si Brent. Hindi ko na rin talaga alam ang nangyayari sa buhay niya. Hindi ko na rin inalam para na rin sa kapakanan ng bestfriend ko. Pero sa totoo lang, gusto ko rin malaman kung ano na pinagkaka-abalahan ni Brent dahil kahit papaano ay kaibigan ko pa rin siya at may pinagsamahan kami.

"Pumunta ako ng La Resabela noong nakaraang araw. After kasi ng meeting ko sa isang client ko, nagtungo ako roon. Gusto ko lang mag-celebrate mag-isa kasi bigatin yung kliyente ko."

Tingin ko ang kliyenteng tinutukoy niya ay kasama ko sa industriya. Isang sikat na artista at modelo na ikakasal ngayong buwan. Si Klen ang napili niyang gagawa ng cake para sa kasal niya. Natikman at nakita na rin niya ang mga disenyo na gawa ng aking kaibigan kaya siguro hindi na rin naghanap ng iba.

"Nang makapasok ako, naglakad na ako para pumunta roon sa usual spot ko, kaso naudlot paglalakad ko. Girl, nakita kong nakikipag halikan ang gago. Kahit iba na ang kulay ng buhok, alam kong siyang siya 'yon at hindi ako magkakamali. Ang gago tinitigan pa ako nung nakita ako. Ni hindi man lang tumigil."

"Anong ginawa mo?"

"Wala, dumiretso na lang nang lakad na parang walang nakita." Tumingin siya sa akin at bumuntong hininga. "Ayos lang ako, Sandra." sambit niya habang tumatawa.

Hindi man niya sabihin ang nararamdaman, alam ko na hanggang ngayon ay nasasaktan. Alam ko na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siya kay Brent. Kahit itanggi man niya, mahahalata pa rin sa kilos at reaksyon niya.

"Iyon na ba ang huling usap niyo?" tukoy ko sa araw bago siya maaksidente, at kung saan niya nalaman ang lahat.

"Oo..." tumigil siya saglit. "Hindi ko na rin siya kinausap noong mga araw na tinatawagan niya ako. Pero habang dumadaan yung panahon, nawawala na rin yung galit ko. Hindi naman sa wala na talaga, parang nababawasan lang yung galit ko sa kaniya. Nakakatawa lang talaga. Na kahit ganoon na yung ginawa sa akin, parang okay lang. Parang naging okay na lang."

Mahal mo kasi.

"But guess what happened pagka-upo ko sa usual spot ko."

Akala ko tapos na ang paglilintanya niya, pero hindi pa pala. Lumingon ako sa kaniya at tiningnan siya na may halong pagtataka.

"Dinala niya ako sa labas ng La Resabela." Malamig na sambit niya.

Inilagay ko ang kanang kamay ko sa aking bibig dahil sa gulat. Hindi makapaniwala sa nangyari. Hindi pumapasok sa isip ko ang mga sinabi niya. Ang nakakainis pang isipin, nakipag halikan ka tapos bigla-bigla mo na lang hihilahin ang ex mo? Anong alikabok ang nakain mo?

"Tapos? Anong nangyari?" tanong ko.

Pero ang loka, hindi ako sinagot. Tumayo siya, nginitian ako at naglakad na papasok ng kwarto. Ni hindi ko malaman kung ano ang ngiti na pinakita niya bago ako alisan. Ayoko na rin magtanong nang magtanong.

Kinagabihan, hindi ko alam kung babangon ba ako. Pagkagising na pagkagising ko, parang nanghihina ako. Hinawakan ko ang aking leeg at tiningnan kung nilalagnat ba. Kinuha ko ang thermometer para malaman kung gaano ba ako kainit.

Night at MontercarloWhere stories live. Discover now