III-Bonheur

27 0 0
                                    




"I'll them if you want to. You'll surely like Bonheur." I just nodded.

Niyaya ako ni Clarisse to join them sa isang party na inihanda ng mga organizers. Inilibot ko ang aking mata at ngayon ay nakatutok ito kay Tristan na kalalabas lamang ng sasakyan. Tinanggal niya ang kaniyang racing helmet ng dahan-dahan. Pinagmasdan ko ito. Why the hell is he so cool right now? Bawat kilos niya ngayon ay kakaiba.

"Okay, Let's meet here at 1am." Bumalik ang aking diwa nang magsalitang muli si Clarisse. Hindi pa ako nakaka-oo sa sinabi niya dahil bigla akong hinawakan sa siko ng hindi ko kilalang tao. Tiningnan ko si Clarisse na kanina ay nasa tabi ko ngunit ngayo'y naglalakad na palayo.

"You are Sandra. Right?" tanong nito sa akin. Nanglaki ang aking mata sa nakita. Kilala ko siya. He's the son of my company's Vice President. Ngumiti ako nang pilit para makaramdam siya na hindi ko gusto ang kaniyang presensya.

"Uh..yeah." sagot ko, pilit na kinakalma ang sarili dahil nararamdaman ko ang kaniyang kamay sa aking balikat at pili kong nilalayo ang sarili sa kaniya.

My ghad. Don't ruin my mood, Ran.

"Let's have a drink and talk about works."

Talk about works? E nilayasan ko nga ang problema ko sa trabaho at pumunta rito, tapos sasabihin niya "talk about works"? At hindi niya ba alam kung ano ang issue ngayon?

Ramdam ko pa rin ang pag-hagod niya sa aking balikat. Pilit ko pa ring nilalayo ang aking sarili.

Magsasalita na sana ako para makasagot sa kaniyang offer nang biglang may nagsalita sa kaniyang likuran.

"Sorry, I'm afraid she can't accept your offer," sambit nito habang hinila ako para makapunta sa gilid niya. Tumingala ako sa kaniya upang makita ang reaksyon ng mukha niya ngayon ngunit ang perfect jaw line niya ang pinagmamasdan ko ngayon. "May party kaming pupuntahan ng girlfriend ko mamaya. I can offer you to join instead."

I could feel his hand on my waist. Bigla akong nanlamig sa aking nararamdaman at dahil na rin sa narinig. Why? Is he doing this just to help me?

Pansin sa mukha ng kausap namin ang gulat sa nangyari. Maging ako man ay nagulat.

"No, maybe next time," pagkatapos niyang sumagot kay Tristan ay muli niya akong tiningnan. "See you in Manila." Ngumiti ito at tuluyan na kaming tinalikuran.

Ano na gagawin ko ngayon? Magpapasalamat ba ako? Hell no, Sandra. Hindi ka naman nang-hingi ng tulong sa kaniya. Pero may parte sa isip ko na sana ay pasalamatan ko siya dahil kahit papaano ay inialis niya ako sa ganoong sitwasyon.

"Th—" naudlot ang aking pagsasalita dahil nag-punta sa amin ang iba pang racer na.

"Tristan! Congratulations!" sigaw nila. Malalaking ngiti ang iginawad ng mga taong ito kay Tristan. Siya ang nanalo sa day 1 ng event. Kilala siya. Masyado siyang kialal sa larangang ito. Bago pa lamang magsimula ang event kanina ay marami na akong naririnig na isa siya sa mga magagaling na car racer.

Lahat ng kanilang mata ay napunta sa aking baywang. Pinasadahan ko ng tingin ang kanila tinitingnan. Bakit hindi niya pa rin inaalis?

Kinurot-kurot ko ang kaniyang likod upang bigyan siya ng signal parang tanggalin ang kaniyang kamay pero hindi niya ito pinansin.

"Why the hell your—" bulong lang iyon pero sapat na para marinig niya. Lumingon-lingon ako upang hanapin si Ran. Tama nga ako hindi niya inaalis ang kaniyang kamay dahil inuulan kami ng tingin ni Ran ngayon.

"Let's go?" tanong nito sa mga taong nasa harap naming. Nakikita ko ang mga sinasabi ng kanilang mga mata. Pagtataka at pagkagulat.

"Why don't you introduce her to us before going to Bonheur?" sambit ng lalaki na tingin ko ay ka-edaran lang niya. "kaso parang hindi na rin naman kailangan." Humalakhak ito. Naiintindihan ko ang point sa sinabi niya.

Night at MontercarloWhere stories live. Discover now