Hindi natin hawak ang oras natin dito sa mundo. Hindi natin alam kung hanggang kalian na lang ba tayo. Ang tanging tumatak lang sa isip ko, pagkatapos ng araw na yon, ay maging masaya sa buhay na pinahiram sa atin.
"I am sorry, Sandra. I really need to go to Bohol." Malungkot na sabi ni Klen habang hawak-hawak ang cellphone na ngayon ay tunog nang tunog dahil sa mga tawag galing sa Bohol. "Si Marco na ang maghahatid sayo."
Sabay kaming lumabas upang puntahan si Marco. Nakasandal siya sa likod ng kaniyang sasakyan habang nakapamulsa. Titig na titig sa aking bawat lakad. Hindi ko man mabasa ang kaniyang ekspresyon, alam ko naman ang takbo ng isip niya ngayon.
Pagsisisi siguro na pumunta siya rito.
"Sorry, ikaw lang talaga ang naisip kong tawagan. Kailangan ko kasi pumunta ng Bohol ngayon. Hindi kasi pwede si Brent ngayon." Si Klen.
Kailangan niyang pumunta ng Bohol dahil sa kaniyang business. Sa loob ng anim na taon ay marami na siyang naipundar para sa sarili niya. Nakapag tayo siya ng mga panibagong branch sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas. Nagsama na rin kami ni Klen sa iisang condo dahil ayaw niya raw akong mapag isa.
Tumingin siya sa akin at nagsalita. "I have to go, Sandra." Sabay beso sa akin. Binaling niya ang atensyon kay Marco.
Inilibot ko ang mata ko rito sa lugar ng Montecarlo. Marami na ring nagbago. Tanging ang huni ng mga ibon lamang ng ibon at alon ng dagat ang maririnig ngayon dito.
Wala na rin si Aling Dicacia. Ang mga magagandang puno na nakatayo noon ay pinutol na. Ang mga cottages na naggagandahan dahil sa iba't ibang kulay noon ay wala na rin. Tanging ang ama na lang ni Tristan ang kilala ko rito. Nang mamatay si Tristan ay nagdesisyon ang kaniyang mga magulang na bumili ng lupa at manirahan malapit sa villa. Dahil iniisip nila, makakasama pa rin nila ang anak kahit man lang sa ganitong paraan
Lumingon akong muli sa dalawang nag-uusap. Parehong seryoso ang ekspresyon ng kanilang mukha. Maya-maya ay lumapit muli si Klen sa akin.
"If you want to stay here, just tell me. Okay?"
Gusto ko pa bang manatili sa lugar na 'to? Hindi ko rin alam.
Tiningnan ko ang pag-alis ng sasakyan ni Klen at napabuntong hininga na lamang nang mawala na sa paningin ko. Hindi kagad ako huramarap sa lalaking nasa likod ko. Ni hindi ko man lang alam kung ano ang tamang sasabihin sa kaniya.
Naramdaman ko ang paglakad niya upang pumasok sa sasakyan. Lumingon ako. Nakita kong may kinuha siya loob. Naglakad siya papunta sa akin at sabay iniabot ang isang panyo.
Tiningnan ko lamang ito ng ilang segundo at nang maintindihan ang ibig sabihin sa aksyong iginawad niya ay agad ko itong kinuha. Napansin niya siguro ang basa sa aking noo dahil sa init ng araw.
"You want to stay here?" malamig na banggit nito habang nakatitig sa akin. Alam kong hindi niya rin ginusto ang pagpunta niya rito. At alam ko rin na pinilit lamang siya ni Klen.
I just bit my lower lip and didn't answer his question.
He's wearing navy blue long sleeve polo and a black pants. Well-fitted. Okay, I admit. He's really attractive. He has a good body figure. Na alam mong maglalaway ang mga babae kapag nakita siya.
Pinagmasdan ko ang kaniyang undercut hair na bumagay sa hugis ng kaniyang mukha. Ang kaniyang ilong ay nangingibabaw dahil sa katangusan at ang kaniyang katawan na alam mong inaalagaan ito. Marami siguro itong babae?
Matagal na namin siyang kilala. Pero mas naunang makilala ni Klen si Marco. Simula ng lumipat ako sa condo ay lagi namin siyang nakakasama hindi gaya noon. Pati na rin ang boyfriend ni Klen. Hindi nga lang siya palasalita. Sobrang tahimik at masungit siya sa ibang tao.
YOU ARE READING
Night at Montercarlo
RomanceMontecarlo, isang lugar kung saan niya malalaman ang halaga ng buhay. Isang lugar kung saan makakalimutan niya nang mahalin ang ibang tao dahil sa isang pangyayaring hindi inaasahan. Money and fame, nasa kaniya na ang lahat. Pero isang bagay lamang...