XVI-Date

10 0 0
                                    

"Klen, may gamot ba riyan para sa sakit ng ulo?"

Kinukusot-kusot ko pa ang mata ko nang maglakad papunta sa kaniyang kuwarto. Hindi ko alam kung ilang baso ba ang nainom ko na alak kaya ganito na lamang ang pananakit ng ulo ko.

Huling naalala ko na lamang na naupo ako dahil may nag-alalay sa akin. Ang pagkakatanda ko, si Brent 'yon.

Nadatnan kong nakahiga pa si Klen sa kaniyang kama at mahimbing na natutulog. Hindi ko na lang din siya gising at pumunta na lamang ako sa sala para mahiga sa sofa.

"What the fuck!" Sigaw ko sa sarili ko dahil sa sobrang sakit ng ulo. Hinilot-hilot ko ang aking sensitido.

"I like how you dress, Sandra. No, I love it. But you should not be dancing like that. Your dress is too short."

Napatayo ako nang may marinig na bulong sa aking utak. Pumikit ako nang mariin para matandaan ang lahat ng mga nangyari kagabi. Hindi ko tinigilan ang sarili ko hangga't hindi nakukumpleto ang alala kahit pa posibleng hindi ko maalala ang lahat.

"And yes, I still like, so wear this now."

Nilagay ko ang aking ulo sa aking tuhod nang maalala ang huling sinabi ni Marco. Ano ba ang problema ng lalaking 'to at bigla-bigla na lang sinasabi na gusto niya pa rin ako? Hindi ba siya pwedeng manahimik na lang? At isa pa, kung gusto niyang magkasiraan sila ng girlfriend niya, huwag niya akong idamay.

Kinuha ko ang unan na nasa gilid ko at itinakip sa mukha. Di ko malaman kung dapat ba ako mahiya kapag nakakasama ko siya o iwasan na lang ba siya.

Tanghali nang magising akong muli at dito na rin sa sofa piniling matulog. Maayos-ayos na rin nag pakiramdam, hindi gaya kanina. Pagkabangon ko, nakita ko si Klen na nagkakape na sa kusina. Nginitian niya ako ng nakakaloko at halatang nagpipigil ng tawa. Ang gagang 'to.

"Ano? Natatatandaan mo na ba?" Sumimsim siyang muli sa tasa na hawak niya at nagsalitang muli. "He just confessed to you...again."

Kahit hindi niya sabihin, naaalala ko pa rin naman. Gusto ko rin naman alisin iyon sa isip ko pero hindi ko magawa. Laging nag e-echo sa isip ko lahat-lahat.

"Shut up." Binato ko siya ng unan at nagsimula nang maglalad papuntang kusina.

"Wala raw siyang girlfriend." Ani Klen habang hinahalo-halo ang inumin. "Sabi ni Brent, kababata niya lang."

"Ewan."  Tipid kong sagot habang naglalagay ng tinapay sa toaster.

Wala naman akong pake kung girlfriend niya ba o hindi. Ang gusto ko lang, manahimik siya.

"Ewan? Alam mo, Sandra, ba't di mo na lang aminin na may gusto ka pa rin sa kaniya? E 'di sana masaya tayo pareho."

Masaya TAYO pareho.

"Wala ka bang balak mag-kwento?" Tanong ko rito, alam kong naiintindihan niya kung ano ang pinaparating ko.

"I was about to tell it to you last time, no'ng nag-dinner tayo. Kaso nga lang, may pinuntahan kami ni Brent. Ngayon ko na lamang naalala."

Nang makuha na ang tinapay, inilagay ko na sa plato ang mga 'yon. Kunot-noo akong naglakadnpapunta sa kabilang upuan upang makaharap siya. Hindi ko tinanggal ang titig ko kay Klen hangga't hindi nakakaupo.

"Kung nakakatunaw lang talaga ang titig, tunaw na ako. What's with you?" Matawa-tawa niyang banggit. "Nasa iyo ang topic kanina, ngayon sa akin na? Bilis, huh?"

Tumahimik kaming dalawa. Natahimik ako bigla. Hindi naman awkward. Normal lang naman sa amin ito dahil pareho kaming bagong gising.

Maya-maya, si Klen na ang bumabasag ng katahimikan naming dalawa.

Night at MontercarloWhere stories live. Discover now