"Sandra! What the hell are you doing?" Sigaw ng aking Manager ngayon habang tinitingnan ang mga nagkalat na pictures sa social medias.
Inirapan ko na lamang siya habang abala ako sa pagaayos ng aking buhok. "What's wrong ba?" Tanong ko.
"Sandra, it's not the perfect time to have a boyfriend." Mariing sinabi ng Manager ko.
"Kailan ba dapat?" Sarkastiko kong tanong.
Hindi ko magets kung bakit ganito ang reaksyon. Wala akong matandaan na may pinirmahan akong kontra na nagsasabi na bawal akong mag-boyfriend habang hawak nila ako.
"Paano yung mga makaka-partner mo sa upcoming projects mo?" Tanong niya.
Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi niya.
Dalawang linggo na ang lumipas simula nang naging kami ni Marco. Dalawang linggo na rin akong hindi kinakausap ng aking Manager. Ngayon lang kami nagkitang muli. Iniiwasan ko ang mga tawag niya. Sinabi ko rin sa aking PA na pag hinahanap ako ay sabihin na wala ako sa condo.
"What about them?" Mapait kong tanong.
"Sandra, paano kayo tatangkilikin ng mga manonood kung alam nilang walang sparks na namamagitan sa inyo?" tanong niya.
"Wala naman talagang magiging sparks." sagot ko habang inaayos ko ang strap ng dress ko.
Napabuntonghininga na lamang siya dahil sa mga sinasagot ko sa kaniya. Tinawag ko si Claire para maitanong kung ano na ang sunod kong pupuntahan.
"Meeting with Mr. Winston." sambit niya habang nakatingin sa ipad para kumpirmahin ang sunod kong lakad.
"Winston?"
Wala akong matandaan na may meeting akong pupuntahan na kasama siya. Bago ko pa itanong kay Claire ay pinasadahan ko na ang schedule ko. Sadyang makakalimutin lang ako kay pinapaulit ko.
"Yes. Mr. Winston of Routelia." sagot niya sa akin.
Routelia.
Iyong fashion house na kumontak sa akin noong nakaraang linggo. Ang alam ko ay tinanggihan ko ito.
"Tinaggihan ko 'yan, Claire."
Nang marinig ni Claire ang aking sagot, nakita ko ang gulat sa mukha niya. Tumingin siya sa aking Manager na ngayon ay naka-taas ang kilay sa akin.
"What the...Hindi mo pina-cancel?" tanong ko.
Napaupo ako ng padabog sa isang sofa. Buong akala ko ay hindi ko na dadaluhan ang meeting na iyon. Sino ba naman gaganahan kung ang makakasama mo ay may gusto sayo. Hindi ko sinabing sobrang ganda ko, pero maganda talaga ako. Malagkit ang bawat tingin noon sa akin kaya hindi ako comfortable kapag kasama siya. Nakasama ko na iyon sa aking runaway show at hindi ko talaga gusto ang aura niya. Mabuti pa iyong kapatid niya, bukod sa gwapo ay mabait pa.
"Please, cancel it." malamig kong sambit, hindi ko sila tinitingnan. Nakayuko lamang ako habang pinagmamasdan ang wallpaper ng phone ko.
Ako at si Marco habang nasa tapat ng dagat.
"Why? He's a jackpot, Sandra. Besides, we can't cancel it. On the way na siya."
Napailing na lamang ako sa sinabi niya. Hindi na lamang ako tumanggi at pumayag na lamang sa gusto. Ayaw ko na rin makipag-talo sa kaniya dahil may kasalanan naman ako. Pero kailan ba naging kasalanan ang pagkakaroon ng boyfriend?
Sa isang restaurant malapit sa building ang meeting place namin. Bago ako pumunta ay nakipag-video call muna ako kay Marco.
"Are you busy?" tanong ko habang hinahanap ang lipstick ko sa bag na dala ko.
YOU ARE READING
Night at Montercarlo
RomanceMontecarlo, isang lugar kung saan niya malalaman ang halaga ng buhay. Isang lugar kung saan makakalimutan niya nang mahalin ang ibang tao dahil sa isang pangyayaring hindi inaasahan. Money and fame, nasa kaniya na ang lahat. Pero isang bagay lamang...