Tanging ang ilaw ng poste sa labas ng villa ang nagbibigay liwanag sa lugar kung nasaan ako. Tahimik akong nakaupo sa tapat ng dagat habang sumisimsim ng alak na binigay sa akin ni Mang Jun. Pinagmasdan ko ang bilog na nasa aking itaas. Kung nariyan lang siguro ako ay makikita ko ang bawat galaw ng tao. Napabuntong hininga na lamang ako sa aking naiisip.
Yumuko ako at inilgay ang ulo sa aking baba. Pinaglaruan ko ang mga shells na nakakalat sa dalampasigan.
"Sandra." Napatigil ako sa paglalaro ng mga shells. Hindi na muna ako lumingon upang matingnan siya. "Sandra..."si Tristan na nararamdaman kong naglalakad na papunta sa akin.
Dahan dahan akong tumingala upang makita siya. Sa ilang segundong pagtitig ko sa kaniya ay tanging pagkamangha ang aking naramdaman. He's so cool like I could never...
"What are you doing here?" tiningnan niya ang mga shells na hawak ko at dahan dahan ding umupo sa tabi ko.
"Wala." Maikling sagot ko.
Pilit kong iniintindi ang nararamdaman ko dahil sobrang gulo.
"It's already," tiningnan niya ang kanyang wristwatch. "11 in the evening. Bakit wala ka pa sa kwarto mo?" sambit niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Wala lang." sagot ko.
Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin. Walang nagsasalita. Pinapakiramdaman ko naman ang bawat pag hinga niya. Kinakabahan ako. At hindi ko alam kung bakit. Pinaglaruan kong muli ang mga shells na hawak ko kanina. Inayos ko sila ayon sa kanilang laki. Aking pinagtabi-tabi ang mga shells na malalaki at maliliit.
"Are you okay?" hindi agad ako nakasagot sa kaniyang tanong. Tahimik ako ng ilang segundo bago ko siya tiningnan.
"Bakit mo natanong?" muli kong ibinaling ang tingin sa mga shells. Hindi ko kayang makipag titigan ng napaka tagal sa kaniya.
"I know what happened to you in Manila. Issue lang naman sa lalaki nagkakaganyan ka na." seryosong sabi ni Tristan.
Tumahimik na lamang ako. Alam kong naiintindihan niya kung bakit hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi.
"He;s the son of Senator." Tiningnan ko siyang muli. "Senator ng Pilipinas. Okay?"
Tumawa siya dahil sa sinabi ko. Alam niya naman 'yon dahil alam naman at ng lahat ng tao sa Manila. Nagtataka lang ako dahil hindi ako namukaan ng mga ibang tao na narito. Siguro dahil hindi lang talaga nila naiisip na makakarating ako rito.
"Where's your girlfriend?" sabay lingon sa likod kahit wala naman dapat tingnan. Tinanong ko lang upang mawala ang kakaibang hangin na bumabalot sa amin ngayon.
"She's not my girlfriend." Maagap na sagot niya sa akin. "She's my cousin."
Tumango na lamang ako bilang tugon. Masyado ko sigurong pinapangunahan ang lahat ng bagay kaya agad akong natatalo sa mga iniisip ko.
Ang mga bituin sa kalangitan ay nagbibigay saya sa aking mga mata. Kumukinang ito na parang pagkinang ng buhay ng iba. Pakiramdam ko ang buhay ko ay hindi katulad ng isang bituin sa langit. Ang buhay ko ay parang ulap na sobrang dilim.
"Tristan..."
"Hmm?" sagot nito sa aking pagtawag.
Bumaling ako sa kaniya at nagsalita. "Bakit mo ko kinakausap? We're not even close."
Kita ko ang pag-angat ng kaniyang labi. Binigyan niya ako ng isang ngiti.
"I don't even know." Kinuha niya ang kaniyang hawak ng beer at ininom ito. "Maybe I like you?" sabay tingin sa akin.
YOU ARE READING
Night at Montercarlo
RomanceMontecarlo, isang lugar kung saan niya malalaman ang halaga ng buhay. Isang lugar kung saan makakalimutan niya nang mahalin ang ibang tao dahil sa isang pangyayaring hindi inaasahan. Money and fame, nasa kaniya na ang lahat. Pero isang bagay lamang...