"Ito na yung huling event na dadaluhan mo ngayon." Sambit ng aking Manager.
Tiningnan ko ang repleksyon niya sa salamin habang inaayusan ang buhok ko. Kunot-noo ko siyang tiningnan.
Sa loob ng isang buwan, sobrang daming events at shows ang pinuntahan ko, idagdag pa yung mga shootings na pinagbibidahan ko. Ilang linggo na rin kaming hindi nagkikita ni Marco dahil sobrang busy namin pareho. Wala naman problema sa kaniya dahil naiintindihan niya naman ang trabaho ko. Marami na rin usap-usapan tungkol sa amin kumg kami na ba o hindi, pero tahimik pa rin ako. Bakit ako magsasalita ng hindi pa sure? E hindi pa nga kami official.
Napailing na lamang ako sa naisip ko. Para akong tangang nakabusangot sa tapat ng salamin nang maisip iyon.
"And?" tanong ko.
"Pwede ka na magbakasyon." sambit niyang muli.
Napa-buntong hininga na lamang ako sa sinabi niya. Ito na yung pinakahihintay ko.
"How about our guesting?" tukoy ko sa isang show na dadaluhan namin ng partner ko sa palabas na pinagbibidahan ko.
"Oh! Yes! Nakalimutan ko. Bukas iyon gaganapin. 9PM 'yon."
Tumango-tango nan lang ako bilang tugon sa sinabi niya. Gusto ko na matapos ang lahat ng 'to. Gusto ko na makapag-pahinga.
"Alright. Pwede ka na magpalit." sambit ng aking hairstylist.
Ngumiti ako sa kaniya bago tumayo. Iniabot sa akin ang isang itim na Saint Laurent v-neck open back mini dress. Isang luxury runaway fashion show ang aking dinaluhan ko dito sa New York.
Inumpisahan ko ng hubarin ang robe na suot ko at sinuot na ng itim na dress. Mabuti na lamang at hindi nila nilimitahan ang pwedeng isama sa show na 'to. At mabuti na lamang na buong glam team ko ang kasama ko kaya hindi ako nahihirapan sa pag-aayos.
"Are you done, Sandra? Malapit na magumpisa." Ang manager ko.
"Yes. 2 minutes." tugon ko.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Pinagmasdan ko ang pagkakaayos ng make-up at ng buhok. Simple lamang ang make-up pero bumabagay naman ang mga ito sa aking suot. Nang makuntento na sa aking ayos, isinuot ko na ang aking black heels.
"Wait, Sandra!" Sigaw ng aking Make-up artist. Dinagdagan niya ang lipstick ko at inayos ang mga kalat na make-up sa mukha ko.
Nakita ko si Claire sa gilid ko na nakatingin sa akin.
"Sobrang ganda mo, Ms. Sandra." si Claire habang pinagmamasdan kung paano ako ayusan. "Kaya patay na patay sa'yo si Doc, e."
Pinag-dilatan ko siya ng mata nang marinig ko iyon. Tiningnan ko ang aking Manager na ngayon ay abala sa pakikipag-usap sa isang staff ng event. Mabuti na lamang ay hindi niya narinig. Tiningnan ko ng masama si Claire. Ngumiwi lang siya pinagpatuloy ang ginagawa.
Hindi ko pa sinasabi sa aking Manager kung anong mayroon sa amin ni Marco. Hanggat maaari, ayaw ko munang ipaalam dahil hindi naman kami official. Paano kung nagbibiro lang siya, 'di ba?
"Ms. Alexsandra! Your turn." sigaw ng isang staff.
Tumingin ako sa make-up artista ko at hinintay ang kaniyang signal para sabihin na okay na ang labi ko. At nang tumango siya, sinimulan ko nang maglakad palabas ng dressing room. Nasa gilid pa ako ng stage at hinihintay ang pagbalik ng dalawang naunang babae sa akin.
Nang makabalik sila, ako na ang lumabas. Nakita ko ang napakaraming camera na nakatutok sa akin. Diretso pa rin ang aking titig. Napansin ko rin na maraming reporters na galing sa Pilipinas. Sanay na ako sa mga ganito. Lalo na kapag nirerepresenta mo sa isang show ang bansa mo, mas maraming reporters ang susunod sa iyo. Ginawa ko ang itunuro sa amin kung paano ngingiti at magpo-pose. Nang matapos, narinig ko ang palakpakan nila.
YOU ARE READING
Night at Montercarlo
RomanceMontecarlo, isang lugar kung saan niya malalaman ang halaga ng buhay. Isang lugar kung saan makakalimutan niya nang mahalin ang ibang tao dahil sa isang pangyayaring hindi inaasahan. Money and fame, nasa kaniya na ang lahat. Pero isang bagay lamang...