"Girl, matagal na kayong magkakilala ni Marco, pero hindi mo pa rin alam kung saan ang ospital na pinapasukan niya?" nagtatakang tanong ni Klen sa akin.
Habang naglilintanya ang isang to, inaayos ko naman ang aking sarili. Naghahanda para sa aking pag-alis. Kinuwento ko sa kaniya ang nangyaring meeting noong nakaraang linggo kasama si Marco at si Doc Jaja. Hindi ko rin naman kasi inaasahan na roon nagtatrabaho si Marco. Ang tanging alam ko lang, isa siyang Doctor. Ayun lang.
"Hindi ko naman tinatanong sa kaniya at hindi niyo rin naman sinasabi. At isa pa, kayo ang lagi niyang kasama at hindi ako." Tugon ko sa sinabi niya.
"Bakit hindi ka nagtanong?" tanong niya sakin.
"Bakit ako magtatanong? Hindi rin naman ako interesado sa buhay niya."
Umangat ang dalawang sulok ng labi ni Klen at umiling nang nakakaloko. Hindi ata naniniwala sa sinabi ko. inirapan ko na lamang siya at kinuha ang cellphone para tawagan ang aking Manager na alam kong naghihintay na sa akin.
"Tinanggap mo na ba ang imbitasyon na binibigay nila?"
Salubong sa akin ng aking Manager. Pinadalhan ako ng imbitasyon ng Mayor ng isang probinsya. Hindi ko rin naman ugaling mangampanya ng mga kakandidato para sa eleksyon. Kailangan ko lang muna talaga pagtuunan ng pansin ang mga importanteng bagay na dapat kong unahin.
Hindi ko rin naman talaga pinangarap na maging artista. Ang pinagarap ko noong bata ako, maging isang guro. Hindi ko alam kung bakit at kung paano ako nakapunta sa posisyon na pinaglalagyan ko ngayon. Hindi ko rin naman pinagsisisihan na hindi ko tinuloy ang pangarap na nais ko. Naging susi rin ang pag aartista ko para makamit ang ibang pangarap ko.
"Hindi." Malamig kong sambit sa kaniya para hindi na magtanong pa kung bakit.
"Sige, may meeting ka kasama si Clark at ang team niya. It's for his music video..." pinakinggan ko na lamang ang kaniyang mga sinabi. Hindi rin naman ganoon karami ang dadaluhan kong meeting ngayon. "After this, mag enjoy ka na sa bakasyon mo but..."
Tumahimik ang kabilang linya.
"Is it okay for you to work with Marco?" dirediretso niyang tanong sa akin.
"Yea."
At iyon ang totoo. Hindi na rin nagtanong muli pagkatapos kong sumagot. Pagkalipas din ng ilang minutong paguusap, pinutol na rin namin ang tawag. Pumunta ako ng aking kwarto para makuha ang mga gamit na aking dadalhin sa pupuntahan. Bago lumabas, tiningnan ko muna ang aking sarili. Pinagmasdan ang kulay gintong tube jumpsuit at itim na stiletto. Ang kulay kayumangging buhok na nakalaylay ay mistulang nagpaganda lalo sa aking itsura. Nang makuntento na sa aking ayos, dumiretso na ako palabas ng sala. Naabutan ko si Klen na may kausap sa telepono. Nakangiti siyang nakatingin sa akin habang nakalagay ang telepono sa tainga.
Kunot noo akong nakatingin sa kaniya dahil hindi ko maintindihan ang pahiwatig ng mga tingin niya sa akin.
"Ah, yea. She's here..." kinuha niya ang cellphone at nag-type roon. "Nasa tabi ko lang siya." tanong niya habang tinitingnnan ang hawak na cellphone.
Lumapit ako sa kaniya at binulungan para itanong kung sino ang kausap. Hindi niya ako sinagot. Pagkatapos ng ilang minuto ay binaba na niya ang telepono at tumingin sa akin.
"Kailan ka free?" tanong nito sa akin.
"Bukas." Sagot ko habang inaayos inaayos ang laman ng bag.
"Ilang araw kang free?" sunod niyang tanong.
"Seven days. Bakit?"
"Let's go to Batangas. 50th birthday ng Daddy ni Brent."
Tumango-tango ako bilang tugon sa kaniya. "Sige. Send me the address. Susunod—" hindi na natuloy ang aking pagsasalita dahil nagsalita na siyang muli.
YOU ARE READING
Night at Montercarlo
RomanceMontecarlo, isang lugar kung saan niya malalaman ang halaga ng buhay. Isang lugar kung saan makakalimutan niya nang mahalin ang ibang tao dahil sa isang pangyayaring hindi inaasahan. Money and fame, nasa kaniya na ang lahat. Pero isang bagay lamang...