"Anong ginagawa niyo rito?" si Brent habang naglalapag ng mga baso na may lamang juice sa lamesa.
Hindi ko rin alam kung anong naisipan ni Klen at niyaya ako rito pumunta sa Trinity Valley Hospital. Umagang umaga, inistorbo niya ang mahimbing kong tulog para lang yayain na pumunta rito. Lumingon ako kay Klen na nakabusangot ang mukha dahil sa tanong ni Brent.
"Bakit ba? Nakakahalata na ako ha? Parang ayaw mo kong papuntahin dito. Nakakainis ka na."
Napasapo ako ng noo dahil sa nangyayari. Hindi ko alam kung lalabas ba ako o mananatili rito sa sofa na kinauupuan ko. E kung lumabas na lang kaya ako sa office ni Brent para makapag away sila nang maayos?
"Natatanong lang ako, Klarise Enyl. Bakit ka ba highblood, huh?"
Napailing na lamang ako dahil sa kanila. Sasagutin niya na sana ang tanong ng boyfriend nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Lahat kami ay napalingon sa papasok na isang Doctor.
Tiningngan ko ang lalaking naka black pants at naka pulang long sleeve. Ngayon ko lamang siya nakita nang harap-harapan na naka-lab coat. Para akong nangliit. Bigla akong nakaramdam na parang ang hirap niyang abutin dahil sa propesyong kinuha niya. Kahit na sabihin nating gusto ako ng tao, ang hirap pa rin isipin kung paano siya mapapantayan. Bago niya pa ako mahuling nakatitig sa kaniya, iniwas ko na agad ang aking tingin at binalik ang atensyon sa dalawang nasa harap. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang paglingon niya at dahan-dahang pagpunta sa lugar kung saan ako nakaupo.
Bakit ang bango ng taong 'to? Hindi pa siya nakakarating kung saan ako pero alam ko na agad kung malapit na dahil lalong kong naamoy ng klaro ang kaniyang bango.
"What happened, Sandra?" tanong nito sa akin sabay lagay ng kamay backrest ng sofa. Sobrang lapit niya sa akin. Ni hindi ko alam kung paano ba huminga dahil miski paghinga ko, naiilang sa kaniya.
"E-ewan." Tugon ko sa kaniya.
Umayos siya nang pagkakaupo at tumagilid upang maharap ako. Kinuha niya ang aking baba para makita niya ng klaro ang aking mukha.
Hindi ko alam kung pulang pula na ba ang mukha ko. Bakit ba sobrang guwapo nito?
"Kumain ka na ba?"
Umiling ako bilang sagot. Tumango naman siya at muling tiningnan ang dalawang nag-aaway sa harapan namin. Maya-maya, kinuha niya ang aking kamay. Napatayo ako dahil sa kaniyang ginawa.
Bakit sobrang lambot ng kamay? Bakit yung kamay ko parang nag-trabaho ng isang dekada sa kagaspangan?
Lumabas kami ng office ni Brent nang hindi nagpapaalam. Hindi na rin namin sila inistorbo sa pagtatalo. Ni hindi nga ata nila napansin na lumabas kami dahil sobrang busy nila sa ginagawa. Napapansin ko lang na napapadalas ang kanilang pagtatalo. Kahit maliit na bagay, pinagtatalunan nila.
Habang naglalakad kami, ramdam ko ang mga mata ng mga nakakasalubong namin. Paano ba naman na hindi kami titingnan, e hawak niya pa rin ang kanang kamay ko.
"Ah...Marco, yung kamay mo. Nakikita nila." Sambit ko na medyo naiilang pa dahil hindi naman ako sanay sa mga ganitong sitwasyon.
Tumingin siya sa akin at hindi pinansin ang aking sinabi. Diretso lamang siya sa paglalakad. Hindi ko na lang pinansin ang mga mata ng mga tao at sumunod na lamang sa kaniya.
"Office mo ba ito?" tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin at inabala na lamang ang sarili na tanggalin ang lab coat na suot at isabit ito. Kinuha niya muli ang aking kamay at pinaupo sa isang swivel chair katapat ang kaniyang lamesa. Nakita ko ang isang wooden desk name plate na kapatong sa lamesa. Hinarap ko ito at binasa ang nakaukit.
YOU ARE READING
Night at Montercarlo
RomanceMontecarlo, isang lugar kung saan niya malalaman ang halaga ng buhay. Isang lugar kung saan makakalimutan niya nang mahalin ang ibang tao dahil sa isang pangyayaring hindi inaasahan. Money and fame, nasa kaniya na ang lahat. Pero isang bagay lamang...