XI-Who Do You Miss Most In Your Life?

10 0 0
                                    

Ramdam ko ang kaba na bumabalot sa pagkatao ni Brent. Muli kong tiningnan ang kaibigan na nakaratay sa kama ng hospital. Ni hindi na makilala ang itsura dahil sa nangyari. Humarap ako kay Marco para kumprontahin siya.

"So, Marco, nag enjoy ka rin ba?" tanong ko na may halong pagiging sarkastiko. Tumawa ako nang pilit para mapansin na hindi ako nagbibiro dahil sa nangyari.

See? Akala mo kung sinong mabait at mataas kung titingnan. Pero may naitatago naman palang baho sa sarili.

"What are you talking about, Sandra?" tanong niya.

"Before this accident happened, nag-usap kami ni Klen. May nabasa siya sa phone ni Brent," tumawa ako. "may kasama pang picture. Alam mo kung saan?"

Kumunot ang kaniyang noo, tila hindi naiintindihan ang sinasabi ko.

"Sa Hotel. May kasamang babae sa kama. Sa mga sumunod na message, sinabing nung babae na malaki ang utak na loob niya sayo kasi tinulungan mo sila."

Nang matapos ako sa pagsasalita, Nakita ang paglingon niya sa kinatatayuan ni Brent. Ang gago, nakayuko lamang na akala mo bata. Na akala mo kinawawa.

"No, Sandra. Mali ang pagkakaintindi mo sa text message na 'yon." Huminga siya nang malalim at tumingin kay Brent. "Dude, I don't know what's going on. Mind if you explain this?"

"Labas!" sigaw ko sa kanilang dalawa. Wala na akong pake kung magalit sila dahil sa ginawa ko. Wala akong pake kung hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari. Ang gusto ko lang, lumayas sila sa harap ko at huwag magpakita.

"Sandra, walang kinalaman si Marco dito. Magpapaliwanag ako." Pagdedepensa ni Brent sa kaniyang kaibigan.

"The hell I care. Umalis kayo sa harap ko."

Dahil na rin siguro sa gulo ng utak at hindi na maintindihan ang uunahin, nauna nang lumabas si Brent at naiwan ang isa sa harap ko. Kalmado kung titingnan at ang pagkakatindig ay kakaiba. Bawal ka maging marupok, Sandra. Isantabi mo muna 'yang nararamdaman mo.

"Kayo. Dalawa kayo." Pagdidiin ko.

"Sandra, I don't really know what's going on. Hindi ko alam kung paano ako nadawit sa problemang ito. Iyon babae na'yon? Kaklase namin noong college. I only gave Brent's number because she asked for it. Ang sabi niya, may itatanong lang tungkol sa topic sa thesis niya, and that's it."

Kalmado niyang sambit. Huminga ako nang malalim at pilit na kinakalma ang sarili. Pero tila matigas ang ulo ko at hindi inintindi ang mga sinasabi niya. Seryoso pa rin ang mukha niya. Pinagmasdan ko ang suot niya. Naka itim na pants at long sleeve indigo shirt at hindi na rin nakakabit ng maayos ang kaniyang necktie.  Tingin ko ay kagagaling lang sa trabaho.

"Alam mo bang dahil din sa pagda-drive kung bakit namatay ang isa sa mga importanteng tao sa buhay ko?" tanong ko. Umangat ang isang gilid ng kaniyang labi. Tingin ko ay pauunlakan ako ng ngiti. Isang pekeng ngiti.

"Yeah. Of course, I know it." Tumango-tango siya. "And I know that he was, and he is important to you."

Napansin ko ang pagkislap sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa pagod. Hindi ko na iyon pinansin at muling pinagpatuloy ang pagsasalita.

"Alam mo rin kung gaano ako nawala sa sarili ko pagkatapos ko umuwi rito sa Manila galling Montecarlo." Humalukipkip siya at tumango muli. Hindi nagsalita. Nakatingin lamang nang diretso sa aking mga mata. "Ayaw ko ng dagdagan pa ang sakit na 'yon, Marco. Ayaw ko na."

Tinanggal niya ang pagkakahalukipkip at dahan-dahan pumunta palapit sa akin. Naglakad ako patalikod para hindi kami mapaglapit masyado ngunit nagkataon naman na may malaking lamesa sa aking likod kaya hanggang doon na lamang.

Night at MontercarloWhere stories live. Discover now