"What the fuck are we doing here? Anong trip mo, Marco?" Tanong ko. Iritang-irita ngayon sa lalaking nakasandal sa sasakyan niya. "Kanina mo pa ko hindi sinasagot sa byahe!"
Ang isang 'to akala mo walang nagagalit sa kaniya ngayon. Kalmado lamang na nakatayo at pinagmamasdan ang kapaligiran ng Montecarlo. Nakapamulsa pa at suot ang rayban.
Oo na, guwapo na. Pero nakakairita pa rin.
"Calm down, Sandra." kalmadong sambit niya.
"Calm down, my ass. Bakit ba kasi tayo naandito? Para ano?"
Nang marinig ang tanong ko, tinanggal niya dahan-dahan ang suot na sunglass at tinitigan ako ng diretso sa mata.
Hindi ako makatitig nang maayos sa mata niya. Pakiramdam ko, may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi sa akin. Go, Marco. You can do it. Hindi ako sanay na ganiyan ka makatitig sa akin.
"Let's go to Huego?
Biglang nang lamig ang pawis ko nang marinig ang tanong niya. Nakatitig lamang ako sa kaniya. Parang tumigil ang lahat dahil sa tanong na iyon. Nagbibiro ba ang isang 'to? Kasi kung oo, hindi nakakatuwa.
"Are you joking? Hindi nakakatuwa." Malamig kong sambit sa kaniya.
Kung sinasadya niya 'to, hindi nakakatuwa. Hindi ako natutuwa sa ginagawa niya. Ano ba ang binabalak niya?
"Let's go back to Manila. Tigilan mo na 'tong kalokohan mo." Sambit ko habang naglalakad papalapit sa pintuan ng sasakyan.
"Sandra..." napatigil ako sa pagbubukas ng pintuan at pinakinggan lamang ang sasabihin niya. "Paano mo ko mamahalin kung nakakulong ka pa rin sa nakaraan? No, mali ang tanong ko. Paano mo mamahalin ang ibang taong gustong magmahal sa'yo kung ganito mo sila tanggapin?"
"Huwag mo kong diktahan. Marunong akong magmahal, Marco. Tao rin ako. May nararamda--"
Gusto kong pigilan ang pagluha ng mata ko, pero napaka-walang kwenta nang pagpipigil ko dahil naguunahan pa rin ang mga 'to sa paglabas.
"Sandra, I am here to let Tristan know that I like you. That I want to be with you."
Para akong nanigas nang marinig ko ang mga katagang 'yon. Sino ba naman ang mag iisip na kahit wala na 'yong tao ay pipiliin pa rin ni Marco na ipaalamv vi ang nararamdaman niya? Napakatanga ko na lang siguro talaga kung hindi ko pa pagbigyan ang sarili kong sumaya. Napaka tanga ko na lang siguro kung hahayaan ko ang taong 'tong mawala ulit sa akin.
"Hindi ko na alam ang gagawin sa sarili ko kapag hinayaan ko pang mawala ang pagkakataon na ito. Na kahit tingin kong...nakakulong ka pa rin sa nakaraan."
Natatandaan ko pa bago kami mawalan ng komunikasyon, ang sabi niya magpapaalam siya kay Tristan para ligawan ako. Ang akala ko noon nagbibiro lamang siya, totoo pala. Hindi lang pala sa salita.
Ang sarap lang isipin na kahit ganito ako, na kahit wala na rin si Tristan sa mundong 'to, pinipili niya pa ring respetuhin ang taong minahal ko noon.
Dahan-dahan kong binatawan ang handle ng pintuan ng sasakyan niya para harapin siya. Kita ko ang pamumula ng mata niya. Guwapo pa rin naman. Hindi nawawala ang lamig sa mata niya pero mapapansin mong malungkot ang mga ito.
"Hindi ko naman kasi alam kung ano ang pakay mo rito. Bigla mo na lang akong dinala rito."
Mangiyak-ngiyak kong sambit habang pinupunasan na parang bata ang mga luha. "Tsaka tigil-tigilan mo na nga yang pinagsasabi mo na nakakulong ako sa nakaraan."
Dahan-dahan siyang lumapit papunta sa akin. Nang makalapit, niyakap niya ako ng napakahigpit at nilagay ang baba sa aking balikat.
"Bakit ka ba umiiyak?" Tanong nito sa akin, tila hindi alam ang dahilan.
YOU ARE READING
Night at Montercarlo
RomanceMontecarlo, isang lugar kung saan niya malalaman ang halaga ng buhay. Isang lugar kung saan makakalimutan niya nang mahalin ang ibang tao dahil sa isang pangyayaring hindi inaasahan. Money and fame, nasa kaniya na ang lahat. Pero isang bagay lamang...