XX- Ex

5 0 0
                                    

"Are you happy?" Tanong niya.

Nakangiti lamang ako sa kaniya. Tinititigan kung gaano kaganda ang kaniyang itsura. Hindi ko alam kung anong oras na ba ako nakatulog kagabi. Hindi ako makatulog dahil iniisip ko ang mga nangyari kagabi. Kung paano naging kami at kung paano niya ako napasaya ng sobra-sobra. Pagkatapos ng gabing 'yon, hinatid niya na rin ako sa aking Casita para magpahinga. Sinabi ko sa kaniya na sa Casita ko na lang siya tumuloy, pero ayaw niya.

"Yup!" Sagot ko.

Nakaupo kami sa iisang sun lounger sa tapat ng dagat. Hapon ngayon at hindi na ganoon katirik ang araw.

Naramdaman ko ang kaniyang kamay na pumulupot sa aking baywang at hinila ako palapit sa kaniya para mayakap nang maayos. Kinuha niya ang aking kamay at hinalikan ito.

"Alam mo naman na hindi ako ganoon ka-expressive na tao, pero I hope you can feel it."

Umayos ako nang pagkakaupo para harapin siya. Nakikita ko rin ang pamumula ng pisngi at ng dibdib. Ngumiti ako.

"Alam ko."

Bumalik ako sa dating ayos. Tahimik lang naming pinapakinggan ang ingay ng alon. Ang mga puno ay nagsasayawan tuwing humahangin. Ganitong ganito lamang ang gusto ko. Tahimik at nakatingin lamang sa magagandang tanawin.

"Hindi ko alam kung anong nakita mo sa akin. Ba't mo nga ba ako nagustuhan?" tanong ko.

Lumingon ako sa kaniya habang nakayakap pa rin siya sa akin. Nakita ko ang kaniyang nakakalokong ngiti habang nilalaro ang aking mga daliri.

"I don't know." Matipid niyang tanong.

"Ganoon?" Malungkot kong saad. Nanahimik ako ng ilang segundo dahil sa iritasyon na naramdaman ko. Sino ba naman ang matutuwa kung ganito lang ang isasagot sa tanong na iyon.

"I can't explain, Sandra. Walang mga salita ang makakapag-paliwanag kung paano kita nagustuhan."

Ang busangot kong mukha ay biglang nagbago. Dahan-dahan akong ngumiti dahil sa sinabi niya. Iba talaga ang nararamdaman ko tuwing ganito siya. Akala ko biro lang ni Klen yung paru-paro sa tiyan mo, totoo pala.

"Nagulat na lang ako...gustong-gusto na kitang makita." Tumahimik siya. Bumitaw siya sa pagkakayakap para iharap ako sa kaniya. "Nagulat na lang ako na araw-araw sobrang halaga mo na."

Tahimik ko lang siyang pinapakinggan. Tahimik ko lang pinapakinggan ang mga sinasabi niya kasabay ng ingay ng mga puno at alon.

"Na kahit na nakikita ko pang hirap na hirap kang makalimutan ang isang taong naging bahagi ng nakaraan mo."

Wala akong masabi. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ako sanay na ganito kami. Pakiramdam ko, sobrang halaga ko sa taong nasa harap ko. Na kahit nakikita niya akong sobrang lugmok dahil kay Tristan noon, hindi niya sinamantala ang pagkakataon na 'yon.

Maya-maya'y tumingala siya. Hindi ko alam kung naluluha ba siya dahil sa sinabi o gusto niya lang talagang gawin 'yon. Hindi ko makita ang mata niya dahil sa rayban na suot.

Nakita ko ang pag-ngiti niya. Hinatak niya ako sa malambing na paraan at niyakap.

"Thank you."

Night at MontercarloWhere stories live. Discover now