Gaya nga ng sinabi niya, inihatid niya ako sa condo namin Klen. Kahit ayaw kong pumayag ay siya itong nagpumilit. Mabuti na lamang ay wala pa masyadong tao na nakapalibot sa condo na tinutuluyan niya. Isipin ko pa lang na may makakakita samin, para na akong maiistress agad dahil panibagong issue na naman iyon. Buong byahe ay hindi ako komportable kaya natulog na lang ako. Nang maihatid ako, nagpaalam na siya kagad dahil tutungo pa siya sa hospital. Pagkapasok ko ng condo unit, bumungad si Klen na umiinom ng kape sa sala.
"Saan ka galing?" tanong nito na may kasamang nakakalokong ngiti. Habang papunta ako sa kusina para uminom ng tubig, hindi niya pa rin tinatanggal ang tingin.
Hindi ko muna sinagot ang tanong niya. "Si Brent?" tanong ko rito.
"Wala na. Umuwi na. Saan ka nga galing?"
Huminga ako nang malalim para makasagot na dahil hindi ako titigilan nito hanggat hindi ko nasasagot ang mga katanungan niya.
"Sa hotel." Kumuha ako ng tubig sa refrigerator at nagsalin sa baso. "'Di ba ayaw mong may katabi? Hindi ko rin naman kayo pwede iwan ni Brent. Baka ano pa ang gawin niyo."
Nilagay ko ang basong ginamit sa lababo at naglakad papunta sa tabi niya. Nakasunod pa rin siya ng tingin sakin. Kahit alam ko naman na hindi siya maniniwala sa alibi ko ay pinaninindigan ko pa rin na sa hotel nga ako tumuloy.
"Talaga? Kaya pala nag-text sa akin si Doc Marco na kasama ka niya. Ano ginawa niyo sa hotel?"
Nanglaki ang aking mata at hinarap ang taong umiinom ng kape na akala mo ay hindi big deal sa kaniya ang nalaman. Bigla akong kinabahan dahil hindi ko alam kung aaminin ko ba na sa condo ako ni Marco natulog o nagpahatid na lamang sa hotel. Hindi ko rin naman ugaling magsinungaling kay Klen.
"A-ano.." mautal-utal na sambit ko dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang aking aaminun. "Sa condo niya ako pinatulog."
Muntik na niyang mabuga ang kapeng iniinom. Agad niyang binaba ang baso sa coffee table at inayos ang pagkakaupo.
"Sa condo unit niya?!" hindi makapaniwalang tanong ni Klen sa akin. Tumango ako bilang sagot sa kaniya. Magsasalita pa sana ako ngunit naunahan niya ako. "Walang nangyari?"
Nagsalubong ang aking kilay dahil sa huling tanong niya. "Puro kadumihan yang nasa isip mo. Wala. Kabahan ka naman sa tanong mo."
Pinagmasdan ko siya ngayon. Parang hindi big deal sa kaniya ang pagtulog ko sa condo unit ni Marco.
"Wala bang nakakita sa inyo? Hindi kayo nagusap tungkol sa issue nyo?"
Umiling ako bilang sagot. Kahit gusto man humingi ng kapatawaran sa nangyari ay hindi ko nagawa. Dahil na rin siguro sa kaantukan na nararamadaman ko kagabi ay nakalimutan ko na itong gawin.
Kinuhang muli ni Klen ang baso at humigop muli sa kapeng iniinom."Sa susunod na lang siguro. Hindi ko rin naman alam ang mga sasa—" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil sumingit bigla ang aking kausap.
"Suspended siya for two weeks. Ngayon lang ito nangyari sa kaniya."
Hindi agad pumasok sa utak ko ang sinabi ni Klen ngayon-ngayon lang. Parang sobrang bagal magproseso ng isip ko dahil sa nalaman. Para akong naistatwa sa narinig.
"Bakit??" tanong ko kahit obvious naman kung ano ang sagot. "Kakahatid niya lang sa akin, ah? Ang sabi niya pa didiretso siya trabaho niya?" ani ko na parang natataranta dahil hindi ako makapaniwala.
Dahil lang doon sa nangyari sa club ay masususpinde siya? Napakababaw naman atang dailan ng mga iyon? Ni hind inga niya kasalanan iyon. Hindi ba nanonood ang mga staffs ng hospital na 'yon ng balita? Malinaw kong sinabi na hindi naman ako hinaras ni Marco.
YOU ARE READING
Night at Montercarlo
RomanceMontecarlo, isang lugar kung saan niya malalaman ang halaga ng buhay. Isang lugar kung saan makakalimutan niya nang mahalin ang ibang tao dahil sa isang pangyayaring hindi inaasahan. Money and fame, nasa kaniya na ang lahat. Pero isang bagay lamang...