"Miss me mo mukha mo! Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko, ah?!" sigaw ko sa kaniya kahit hindi pa ako masiyadong nakakalapit sa kaniya.
Ibinalik niya ang tingin sa napakalinaw na dagat habang nakangiti lang. Hindi man lang ba ito sasagot sa tanong ko?
Nang makalapit ako sa kaniya, agad kong sinuntok ang braso niya dahilan para mapa "aw" siya.
"Bakit ka naandito?" tanong niya, hindi pa rin ako tinitingnan. Nakapamulsa pa rin at nakatingin sa dagat. Nasa gilid niya lang ako at tinitingnan siya.
"Bakit ka naandito?" tanong ko sa kaniya.
"Like what I've said, gusto ko magpalami-"
"Gusto mo magpalamig pero naandito ka sa labas at tingnan mo," tumigil ako at tinuro ang tirik na tirik na araw. "Nakikita ko ba 'yan?"
"Kumain ka na ba?" Lumingon na siya sa akin. Bago sumagot, tiningnan ko lang siya. Mas lalong lumabas kung gaano ka siya kaguwapo dahil sa sinag ng araw.
"H-hindi pa..." tumahimik ako. "H-hinanap kita kaagad dito, e." dahilan ko at iyon naman talaga ang totoo.
"Bakit mo ko hinahanap? And why are you here?" tanong niyang muli.
"Bakit ba? Napaka-sungit mo!" Pagrereklamo ko.
Nakakainis masiyado. Pakiramdam ko sayang lang ang pagod ko kung ganito lang din naman kami.
Tatalikod na sana ako dahil nakakairita ang mga sinasabi niya nang hawakan niya ang kamay ko."Nagtatanong lang ako, Sandra." Dahilan niya. "Nevermind. Kumain na muna tayo."
Hinawakan niya ang aking kamay at hinila ako papunta sa isang restaurant na nakapwesto malapit kung nasaan kami. Tahimik lang kaming naglalakad at walang nagsasalita. Pinagmamasdan ko lamang ang paglakad niya, ang katawan niya at kung paano niya tingnan ng diretso ang daan. Seryosong seryoso. Hindi rin ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Ito ang unang beses na nakarating ako sa isla na ito. Maraming nagyayaya sa akin na magbakasyon dito pero lagi kong hinihindian.
Pumwesto kami sa isang restaurant na nakatapat sa dagat. Hinayaan ko na lamang na si Marco ang um-order ng mga pagkain dahil lahat sila ay mukhang masarap naman. Tingin ko ay maraming nakakakilala sa akin dito ngayon. Kanina pa nakatingin sa akin o sa amin ang ibang staffs.
Tahimik pa rin kami. Pinagmasdan ko ang dalampasigan. Napakaganda. Ang pagkapino ng mga buhangin at napakalinaw rin ng tubig dagat. Nang matapos ang pag-order niya, hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa magandang tanawin. Ayaw kong maunang magsalita dahil baka mamaya, mali pa ang masabi ko. Kita ko sa gilid ng aking mata na humalumbaba siya habang nakatingin sa akin.
Dahan-dahan ko siyang nilingon. "W-what?!" Tanong ko sa kaniya, na may pagkahalong galit.
"Nothing. Miss mo ko kaya pumunta ka rito?" Tanong niya.
"Hindi ka ba busy sa hospital at nagbabakasyon ka ngayon?" tanong ko.
Umayos siya nang pagkakaupo at tiningnan na rin ang dagat. "Hindi mo pa sinasagot tanong ko."
Kunot-noo ko siyang tinitigan. Kung alam niya lang kung gaano ko kagustong sabihin na miss ko siya.
"Ba't hindi mo sinasagot tanong ko?"
Bumuntong hininga siya. "Can't we just enjoy this trip, Sandra?" Seryosong sambit niya.
Napaka-sungit ni Marco. Hindi ko mapinta kung ano ba ang gusto niyang gawin ko para mawala ang inis niya.
YOU ARE READING
Night at Montercarlo
RomanceMontecarlo, isang lugar kung saan niya malalaman ang halaga ng buhay. Isang lugar kung saan makakalimutan niya nang mahalin ang ibang tao dahil sa isang pangyayaring hindi inaasahan. Money and fame, nasa kaniya na ang lahat. Pero isang bagay lamang...