"Hello, Sandra?"
Tanong niyang muli. Hindi pa rin ako makapagsalita nang marinig ko ang boses niya. Hindi lang talaga ako makapaniwala na hindi niya pa rin binubura ang number ko sa cellphone niya.
Shit.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Bakit ba kasi ako tumawag? Para ano pa? Binibigyan ko lang ng sakit ng ulo ang sarili ko.
Dali-dali akong nagisip ng mararason. Hindi ko talaga alam. Ni wala naman kaming dapat pag-usapan. Papansin ka lang talaga, Sandra. Habang nakaupo, napasamo ako ng noo. Namomroblema kung ano ba ang dapat sabihin.
Bahala na.
"Ah..D-do you still have contact with Brent?" tanong ko. Sorry, Brent. Nadamay ka pa sa kalokohan ko.
"Yea." Matipid niyang sagot.
"Ah—"
"Do you wanna get his number?" diretso pero malamig na sambit niya.
"Oo." Mabilis kong sagot.
Ano sunod nito kapag binigay niya na yung number? Wala na, hindi ba? Kaya manahimik ka na, Sandra. Manahimik ka.
"Sige, ise-send ko na lang sayo."
"Thank you."
"Okay."
Napanood niya kaya yung show ka? Kung napanood niya, napansin niya kayang siya iyong tinutukoy ko? Siguro naman napanood niya? Nang maramdaman kong ibababa na niya ang tawag, agad akong nagsalita muli.
"Ah..uhm, Marco.."
"Hmm?"
Bakit ba napakalamig mo? Saan ka ba napunta, huh? Dinala mo ba yung lamig ng ibang bansa?
"N-napanood mo—"
"I'm sorry, Sandra, but I have to end this call. I'll send his number to you after this."
At iyon na nga. Hindi na rin ako nangulit. Para lang akong tanga. Ni wala naman akong matinong sasabihin kaya mas okay nang ibaba matapos ito.
Kinabukasan, inabala ko na lamang ang saili ko sa trabaho. Hindi ko na inisip ang kahihiyan na ginawa ko kahapon. Buong araw ko lang pinagtuunan ng pansin ang pagtatrabaho. Mas okay na rin yung ganito na wala akong iniisip kundi ang trabaho lamang. Pumasok ako sa sarili kong tent para magpahinga. Laking gulat ko nang makita ko ang isang babaeng morena. Nakasuot ng kulay itim na wrap dress.
Is this Clarisse?
Nang makita ako, agad siyang nagtungo sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala. Nakatulala lamang ako. Ang huling araw ko sa Montercarlo ay ang huling beses ko rin na nakita siya. Niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi agada ko nakaganti nang yakap dahil hindi pa rin pumapasok sa isip ko na narito sa harap ko. Nang mamatay si Tristan, si Clarisse lamang at ang ibang mga organizer ng event ang tumulong sa akin noong nasa Montercarlo ako.
"You have to be there. Okay?" sabay abot sa akin ng isang wedding invitation card.
"Ikakasal ka na?" Ani ko habang naluluha sa gulat.
Tumango-tango siya bilang tugon sa tanong ko.
"Are you free? Anong oras matatapos ang shoot mo?" tanong niya.
Sinabi ko rin naman kung anong oras. Nang matapos ako sa trabaho, nag-bihis ako agad. Niyaya ako ni Clarisse na kumain muna at para magkumustahan. Binilisan ko na lamang ang pagkilos para hindi na rin siya maghintay nnag matagal.
"I still can't believe na ikakasal ka na, Clarisse." Sambit ko. Nakatingin pa rin ako sa kaniya, hindi pa rin makapaniwala.
"Para ka namang nakakita ng multo, Sandra." Pang-aasar niya.
YOU ARE READING
Night at Montercarlo
RomanceMontecarlo, isang lugar kung saan niya malalaman ang halaga ng buhay. Isang lugar kung saan makakalimutan niya nang mahalin ang ibang tao dahil sa isang pangyayaring hindi inaasahan. Money and fame, nasa kaniya na ang lahat. Pero isang bagay lamang...