30

545 11 1
                                    

"Here," inabot sa akin ni River ang blueprint na hinihingi ko. Kinuha ko naman 'yon mula sa kamay niya.


"Salamat." Ngumiti ako ng tipid at naglakad na papalapit sa sasakyan ko. Tumingin ulit ako sa kaniya. "Ingat ka."


Ngumiti siya at tumango. "You too, Zari."


Sandali pa kaming nagkakatitigan. I felt the awkwardness between the both of us. Hindi ko rin alam kung bakit nakipagtitigan pa ako sa kaniya.


Ngumiti ulit ako bago sumakay sa sasakyan ko. Hawak-hawak ko ang manibela nang tumingin ulit sa kaniya. He nodded and smiled. Napamura ako sa isip ko. Ngumiti na lang din ako bago tuluyang umalis pabalik ng condo.


When I went home. Tulala lang akong bumaba ng sasakyan. Tulalang sumakay ng elevator, tulalang pumasok ng unit. Dere-deretso akong umupo sa kama. Tumingin ako sa may balcony. All I can see is the dark sky.


Napahilamos ako sa mukha ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?


Pakiramdam ko, sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Hindi ko itatanggi na ang dahilan nito ay si River. Siya lang naman ang nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko ng ganito. And I don't like it.


Ayoko. Ayoko nang ganito kasi natatakot ako. Kapag hindi ko siya kasama kagaya ngayon, puno ako ng pagtanggi sa tunay kong nararamdaman simula nang makita ko siya ulit. Pero kapag nasa harap ko na siya, nagkukusa na lang ako. Nagkukusang hayaan siya na makalapit sa akin kahit na sinusubukan ko siyang iwasan.


I messaged Tallie. Ayoko mang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko, kailangan ko. Baka mabaliw ako kapag hindi ko nasabi.


We talked about it through call. Nag-usap kami ng halos dalawang oras. Ang huling sinabi niya ay nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko.


"Mahal mo pa rin."


Napahiga ako sa kama. Lahat ng alaala naming dalawa ay bumalik na naman sa akin. All the small moments, the happiness, the struggles, the cries... the pain. Lahat naaalala ko na naman.


Halos hindi ako nakatulog dahil sa pag-iisip. Tulala pa rin ako hanggang sa pagpasok sa ospital. Hindi ko mapigilan ang mag-isip. Hindi ko mapigilang hindi siya isipin.


"What's up motherfucker!"


Bakit ako nagkakaganito? 'Di ba naka-moved on na ako? 'Di ba wala na akong nararamdaman sa kaniya? Ang tagal ko siyang hindi nakita, eh. Nakalimutan ko na dapat siya. Pero bakit ito na naman ako? Ito na naman ako at iniisip na naman siya.


"Huy, Zari."


Ang dapat na nakalimutan ko na, ay pilit na bumabalik. Bakit ganoon? Bakit nga ba siya bumabalik? Hindi sa naga-assume ako pero hindi ako manhid para hindi maramdaman 'yon.


"Zaria Chanel!"


Nagulat ako nang biglang may sumigaw ng pangalan ko. Kaagad kong hinampas si Owen nang makita siya sa tabi ko.


"Bakit ka ba sumisigaw?!" inis kong sabi sa kaniya. Nagulat ang ilan sa mga pasyente at Nurses dahil sa sigaw niya. Habang ang mga kapwa Doctors namin ay natatawa na lang at sanay na sa ugali ng hayup na 'to.


"Kanina pa kita tinatawag! Ang lalim ng iniisip mo, ah," inakbayan niya ako. Napairap naman ako at nagpatuloy sa paglalakad. Magra-rounds ako ngayon pero nakabuntot pa rin sa akin si Owen.


"Wala lang akong samud." Tipid kong sagot. Tinabig ko ang akbay niya sa akin. "Doon ka nga, magtatrabaho na ako."


"Masakit pagkakatabig mo, ah!" sigaw pa niya pero naglakad na ako paalis. "Palagi mo na lang akong sinasaktan, Zaria!"


Changes of Tomorrow (Serendipity series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon