"Tuloy ba mamaya?" tanong sa akin ni Leon nang magkasalubong kami sa hallway.
"Oo, g ka ba?" tanong ko. Tumango naman siya.
"Sunod ako, may puntahan lang." Sabi niya at ginulo ang buhok ko bago tumakbo sa mga kaibigan niya.
Naglakad na ako pababa dahil hinihintay na ako nina Kyra at Tallie. Nadatnan ko silang nagtatawanan na halos hindi na makahinga si Tallie. Ang ingay talaga ng bunganga ng babaeng 'to.
"Ingay mo gago, rinig na rinig sa taas tawa mo." Pinitik ko ang noo niya kaya sumama ang tingin niya sa akin habang hawak ang noo. Tumawa ako at pabirong hinipan 'yon.
"Ang tagal naman talaga!" asik ni Tallie nang dumating na sina Jayce at Benj.
"Inamo, gasul!" pang-aasar ni Benj sa kaniya na ikinasama ng mukha niya. Tumawa naman ako nang malakas.
"Putangina! Hahaha!" hindi na ako makahinga sa tawa ko. Mukha kasi siyang gasul talaga, maliit na mataba. Magandang gasul.
"G ba kayo mamaya?" Naglalakad na kaming lahat papunta sa LRT Gate nang tanungin ko sila.
Magkakaklase at magkakaibigan na kami simula Junior high school. Iisang tropa lang kami pero nagkahiwa-hiwalay ng school nang mag-Senior high na kami. Ang iba sa mga kaibigan namin ay lumipat din sa ibang university dito sa Manila. Marami kasi kaming magkakaibigan na nabuo noong Junior high. Grade 12 na kami ngayon at mayroon na lang kaming 5 months bago mag-graduation. Excited na nga ako, e!
"Pass ako, hindi ako pinayagan ni Mama." Napairap naman ako sa sagot ni Jayce.
"Lagi naman." Tumatawang sabi ko na ikinatawa rin ni Jayce. Sanay na sanay na kami sa kaniya.
"Ako, g naman. Pero si Aliyah hindi rin pwede, e." Sagot naman ni Benj. Si Aliyah ang girlfriend niya na kaibigan din namin.
"Matic," sambit ni Kyra. Tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti. "Oo, sasama ako." Napatili ako sa tuwa nang sabihin niya 'yon. Alam na alam na niya ang ibig sabihin ng mga tingin ko.
"Yey!" Kumapit ako sa braso niya at inalog-alog siya. Si Kyra kasi kahit hindi magpaalam, g na agad. Kabaligtaran ni Tallie.
"Edi, sana all kasama." Tumawa ako sa sinabi ni Tallie. Ayan na nga at nagsalita na ang hindi pinapayagan.
"Hayaan mo na kasi ang Ate mo, magpa-demonyo ka na sa akin." Tumawa ako pero sumama lang ang tingin niya.
"As if. Edi wala na akong inuwian." Napakamot siya sa ulo niya, hudyat na wala na siyang magagawa.
"Kawawa naman ang baby. Ayaw kasing magpa-demonyo." Nagtawanan kami nina Kyra.
"Kapag talaga legal age na ako," pangungumbinsi niya sa sarili niya. "G na ako palagi! Sleepover pa!" mayabang na sabi niya. Napailing na lang ako.
"Arte kasi ih," pang-aasar ko pa.
Pupunta kami ngayon sa isang bar sa Katipunan. Friday naman ngayon kaya naisipan naming gumimik. Kasama ko ang mga kaibigan ko except kay Tallie. Si Aliyah din ay hindi kasama kasi hindi rin papayagan at hindi nakapagpaalam. Manang na kasi 'yon, e. Joke!
"On the way na raw sina Guillian," sabi ni Kyra. Kumunot naman ang noo ko.
"Ang aga naman!" reklamo ko.
"Kanina pa uwian noon, e." Sabat ni Tallie.
"Oh, huwag makisali ang hindi sasama." Tumawa kaming lahat sa pambabara ni Benj kay Tallie.
BINABASA MO ANG
Changes of Tomorrow (Serendipity series #1)
RomanceLiving for the present, letting go of the past, no pressure for the future. These are Zaria's definitions of life. Learning through the present, staying in the past, living for the future. These are River's summaries of life. Two people with differe...