35

573 12 0
                                    

"I'm sorry, Lola..."


Magkahawak kamay kami ni River na nakaupo sa harap ng puntod ni Lola Ingrid. Umiiyak pa rin ako habang humihingi ng tawad kay Lola.


"Sorry po kung hindi ako nagpakita sa inyo. Sorry po kung hindi ko natupad ang pangako ko sa inyo..." Umiiyak na sabi ko. Hinalikan naman ni River ang gilid ng noo ko at marahang hinaplos ang braso ko.


"Sorry, Lola. Hindi namin natupad ang pangako namin sa inyo noon." Tumingin sa akin si River. "Pero ngayon tutuparin na namin." Hinaplos niya ang kamay kong hawak niya. Tumingin naman ako roon.


Hindi ko mapigilan ang sarili kong maging emosyonal habang nakatingin sa kamay naming magkahawak ni River. After so many years, matutupad na namin ang pangako namin kay Lola. Na mananatili kaming magkahawak kamay.


Nanatili pa kami ilang saglit ni River bago napagdesisyunang umalis. Magkahiwalay kami ng sasakyan pero sumunod pa rin siya sa akin hanggang sa condo ko.


"Sorry, nag-inom kasi ako kagabi." Kinuha ko ang mga bote ng alak na nasa kama ko at itinapon sa basurahan.


Natigilan ako nang biglang pinulupot ni River ang kamay niya sa baywang ko at niyakap ako. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Hinawakan ko naman ang kamay niya na nakapulupot sa tiyan ko.


"I love you." He kissed my shoulder.


"I love you too." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.


Nakatingin lang kami sa isa't isa. Pinagmamasdan niya ang iba't ibang parte ng mukha ko at ganoon din ako. Sa tagal ng panahon, narito kami, magkasama muli at parehas napupuno ng pagmamahal.


Humarap ako sa kaniya at isinabit ang kamay sa leeg niya. Hinalikan ko siya. Sa bawat haplos niya sa likod ko, ramdam ko ang pag-iingat doon. At sa bawat galaw ng labi naming dalawa, ramdam ko ang pagkasabik naming dalawa sa isa't isa.


We just found ourselves making love to each other. Inaamin ko na na-miss ko ang lahat-lahat kay River. The way he kissed me, the way he make love to me. Na sa bawat haplos niya, sa bawat yakap, sa bawat halik, ramdam ko ang pagmamahal niya. Ang pagmamahal na sa kaniya ko lang nararamdaman.


Sa halos walong taon na magkahiwalay, lahat ng galit at sakit ay nabuo dahilan para matakpan ang pagmamahal ko sa kaniya.


Sabi ko noon, kapag nakita ko siya ulit, mas lalala lang ang sakit at galit ko. Kaya pinili kong ilayo ang sarili ko sa kahit na sinong konektado sa kaniya. Lalong-lalo na sa pamilya niya.


Pero ang totoo, nung makita ko siya ulit, mas gumaan ang pakiramdam ko. Oo, naroon ang sakit. Naroon ang mga tanong na matagal ko ng gustong masagot. Pero hindi ko ikakaila na simula nang makita ko siya ulit, napunan ang pagkukulang sa buhay ko na matagal ko nang inaasam.


"What are you thinking?" River caressed my hair. Nakahiga na ako sa dibdib niya habang parehas kaming walang suot. Tanging kumot lang ang bumabalot sa aming dalawa habang magkayakap.


"Nagpapasalamat ako kasi nadiligan na rin ako sa wakas." Pagbibiro ko. Kumunot naman ang noo niya. "Joke lang." Niyakap ko siya nang mahigpit.


"Hindi pa rin nagbabago ang pagiging pilya mo." Natawa ako sa sinabi niya. "I missed that." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya ng biglang lumungkot ang boses niya.


"Bakit?"


Nakatingin lang siya sa kisame habang hinahaplos ang buhok ko. Malalim ang iniisip.


Changes of Tomorrow (Serendipity series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon