21

325 12 0
                                    

"That's the way I love youuu! Oooh..."


Napailing ako at tumawa habang pinapanood sina Tallie, Aliyah, at Kyra na kumakanta. Nakikisabay din sa kanila ang mga lalaki naming kaibigan. Everybody loves Taylor Swift.


"I miss screaming and fighting and kissing in the rain!" pagkanta ni Tallie.


"It's 2 AM and I'm cursing your name! So in love that I acted insane!" kumanta na rin si Ryle.


"And that's the way I loved you!" sabay nilang pagkanta.


"Hindi naman kanta ang ginagawa mo, sumisigaw ka na lang, e!" tumatawang sabi ni Kyra kay Tallie.


"Feel na feel mo ang kanta, huh?" tumawa si Aliyah.


"Gago, tingnan niyo may bago na namang article sina Zari at River," sabi ni Leon kaya bumaling ako sa kaniya. "Fans of UAAP couple River Borjador and Zaria Verzosa are hoping for the lovers to start a Youtube channel." Pagbasa ni Leon sa headline ng article.


"Pati ba naman 'yan ginawan ng article?" tumawa si Benj. "Dapat ata sumali ako ng varsity para UAAP couple rin tayo." Nakangiting sabi niya kay Aliyah.


"Ayoko nga! Gusto ko private ang relationship." Sabi ni Aliyah.


"We're still private," sabi ni River. "They just can't help but asked to see us together doing cute things as a couple." Sabi niya at tumawa. "I don't even know how to do a vlog, babe." Sabi niya sa akin kaya natawa ako.


Ever since his rookie year, people began to support our relationship. Siyempre si River ang unang sinuportahan hanggang sa malaman nila na ako ang girlfriend ni River. They always see us together at La Salle or in UST. Nakikita rin nila ang photos namin together sa mga social media accounts namin. Dumami na nga ang followers ko dahil doon, e! Some says that we are their favorite UAAP couple.


"Hulaan ko, ang next article ay nag-away kayo dahil sa pagkain," sabi ni Ryle. "Pucha, kahit ata hininga niyo binabalita, e. Bakit sa akin walang gumagawa ng ganoon? Gusto ko rin!" sabi pa niya.


"Wala raw kasi ka-kwenta-kwenta ang buhay mo." Pambabara ni Tallie.


"Sus! Palibhasa—" Hindi na natuloy ni Ryle ang sasabihin nang agad siyang binatuhan ni Tallie ng unan. Jusko 'tong dalawang 'to! Dito pa mag-aaway si bahay ni Aliyah.


"Kapag nasira 'yang mga unan lagot kayo sa 'kin." Sabi ni Aliyah kaya natigilan ang dalawa sa pagbabatuhan.


Nag-order kami ng pagkain bilang meryenda. Sunday ngayon at naisipan lang naming tumambay kila Aliyah. Palagi namin ginagawa ito at namimili ng bahay para matambayan. Tinawagan ko si River at pinasunod siya. Pagkarating niya, bitbit na niya si Ryle na gustong sumama.


"Hindi na tayo na-kumpleto," sabi ni Tallie. "Sina Guillian masyado ng busy, e. Tapos busy din sa bebe time sina Mark at Jim. Sina Marge naman at ang iba ay gusto na lang mag-stay at home."


"Hayaan mo na sila, mukhang bumabawi ng pahinga, e." Sabi ni Kyra.


"Nakakamiss lang 'yung dati," malungkot na sabi ni Tallie. "Hay, sana naging high school na lang ulit tayo. Mamamatay na rin ako dahil sa college." Humiga siya at pagod na pumikit.


"Okay lang 'yan bebe, kami rin naman hindi na na-kumpleto." Sabi ni Ryle kay Tallie.


Napatingin ako kay River dahil doon. He just smiled at me. "We're still good, don't worry. We were just too busy."


Changes of Tomorrow (Serendipity series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon