26

434 14 0
                                    

"Kinakabahan ako, gago."


["Kaya mo 'yan!"] Pagpapalakas ni Tallie sa loob ko. Kaagad ko siyang tinawagan pagkarating ko sa Valley Medical Hospital.


"Natatakot lang ako dahil baka mamaya ay puro palpak ang magawa ko." Napabuntong-hininga ako.


["Ano ka ba, kinaya mo nga ang med school, e! Isang taon na lang naman. Kapag nakapasa ka sa PLE, doctor ka na! Kaunting kembot na lang beh!"]


Huminga ako nang malalim at tumango sa sarili. Tama siya. Kaya ko 'to. Ngayon pa ba ako susuko? Ang dami ko pang tatahakin.


"Okay, papasok na ako. Balitaan kita." Sabi ko.


["Good luck! Love you!"] binaba na niya ang tawag.


Huminga ulit ako nang malalim bago pumasok sa loob ng ospital. I took my Clerkship at UST hospital. Ngayon ay sa Valley Medical Hospital ko na napagdesisyunang i-take ang Post-graduate Internship ko. Nirecommend ito sa akin ni Callum noong malaman niya mula kay Tallie na naghahanap ako.


Four years of med school was sure hell. Halos wala akong tulog at kain lalo na noong fourth year. Patayan kung patayan.


Naglakad na ako papasok. Chini-check ng dalawang guard ang mga bag ng mga pumapasok kaya may pila. Pumili ako roon sa mas kaunti ang tao.


"Ouchie! Grabe naman 'yang stick mo kuya guard!" napalingon ako sa kabilang pila ng linya nang marinig 'yon.


"Pasensya ka na." Tumatawang sabi ng guard. Napahawak naman sa pwet 'yung lalaki kaya hindi ko mapigilan ang matawa. Parehas kami ng uniform at may MD kaya panigurado ay medical intern din siya.


"Natusok mo pwet ko, eh!" Para siyang batang inapi dahil sa reaksyon ng mukha niya. Ganoon ba talaga ka-sakit? Kawawa naman 'to.


Nauna siyang makapasok kaysa sa akin. Napabaling na ako sa harap nang makitang ako na ang susunod na papasok. Kumunot ang noo ko nang may maapakan ako sa sahig pagkatapos kong magpa-check ng bag sa guard. Nakita ko ang isang ID at pinulot 'yon. Nanlaki ang mata ko nang makita ang litrato ng lalaki kanina.


Owen Rafael P. Vicente


Tumingin ako sa paligid para hanapin 'yung lalaki kanina na Owen ang pangalan base sa nabasa ko sa ID. Ang tanga naman niya, naiwan pa 'yung ID.


Nang hindi ko siya makita, nilagay ko na lang sa bag ko ang ID niya. Makikita ko naman siguro siya mamaya.


Dumeretso na ako sa may lobby para mag-log in. Sa may Neuro department ako naka-assign sa first day kaya roon ako de-deretso. Matapos kong mag-log, sumakay na ako ng elevator.


Pagkarating ko sa Neuro department, nanlaki ang mata ko nang makita si Owen. Mukha siyang asong nawawala at kung anu-ano kinakalikot sa katawan niya.


Ngayon ko lang naalala na baka ID niya ang hinahanap niya. Napangiti ako at kinuha ang ID niya sa bag ko.


"Ito ba ang hinahanap mo?" Inipit ko sa dalawang daliri ang ID niya. Napatingin siya sa akin at agad nanlaki ang mata nang tumingin sa kamay ko.


"Uy! ID kooo!" kinuha niya kaagad ang ID niya sa akin. Niyakap niya 'yon at madramang pumikit. "Hulog ka ng langit!" Akma niya akong yayakapin pero agad akong umatras at tinaasan siya ng kilay.


"May bayad 'yan 'no," tumawa ako. "Pasalamat ka mabait ako kaya pinulot ko." Ngumisi ako bago dumeretso kay Dr. Hana ang Neurologist kung saan ako naka-assign. Nagtanong ako sa may nurse desk kung nasaan ang office niya.


Changes of Tomorrow (Serendipity series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon