"Nandiyan lang pala kayo! Tinatakasan niyo kami, ah!"
Napalingon kami ni River kay Ryle na biglang sumulpot sa likod namin. Tumingin ako kay River nang tumayo siya.
"Balik na roon! Muni-muni pa kayo diyan." Tumawa si Ryle bago kami talikuran. Bumaling naman sa akin si River.
"Let's go, Zari." Ngumiti siya ng tipid.
"Pero..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang mawala ang ngiti niya at sumeryoso ang mukha.
"We'll talk about it some other time." He pursed his lips and tried to give me a small smile. "Let's go." Nauna na siyang maglakad. Sandali akong tumitig sa kaniya bago sumunod.
Ang kabang nararamdaman ko kanina ay mas dumoble ngayon. Ang dami kong tanong na walang sagot. And when I asked about those medicines, he looked hurt. Mas pinakaba lang ako noon.
"HAPPY BIRTHDAY ZARIA!"
Napatalon ako sa gulat nang makabalik kami. Napangiti ako nang makita ang mga kaibigan ko na masayang bumati sa akin ng sabay-sabay. Napatingin naman ako sa gilid ko nang makita si River na may hawak ng cake.
"Happy birthday, Zari." He smiled at me.
Napangiti ako at lumapit sa kaniya. Kinantahan nila ako bago ako mag-blow ng kandila. I closed my eyes to wish.
Sana maging masaya na ako ngayon.
Binuksan ko na ang mga mata ko matapos mag-wish at hinipan na ang kandila. Naghiyawan naman ang mga kaibigan ko. Pati na rin ang mga ibang customers ay nakihiyaw na. Tumawa ako at nagpasalamat sa kanila.
Hindi ko napansin na 12 AM na pala at birthday ko na kaya pala may pa-surprise ang mga kaibigan ko. Mukhang alam din ni River at sinadyang dalhin ako sa beach para mahanda nila ang surprise!
We celebrated my birthday with more drinks. Pina-shot nila ako ng pina-shot. Pinag-five seconds pa nila ako! Ang pangit ng lasa! Ngayon na lang ulit ako nakainom, e!
Nang sumapit ang 3 AM, marami na sa amin ang lasing. Medyo nahihilo na rin ako kaya lumabas ako saglit. Pumunta ako sa may malapit na banyo at sumuka roon. Hindi ko maramdaman ang sikmura ko kakasuka.
Nang matapos ako ay naghilamos at nagmumog ako. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko at nabawasan na ang hilo ko.
"Are you okay?"
"Ay pucha!" napatalon ako sa gulat nang makita si River. Natawa naman siya at hinawakan ang siko ko para alalayan dahil muntik na ako matumba. "Pwede bang huwag kang manggulat."
"Sorry," tumawa ulit siya. "Okay ka na? Do you want to rest?"
"Hindi. Medyo okay naman na ako. Malakas pa rin pala ako uminom, e." Pagyayabang ko.
"Really? You can't even walk properly when you went here." Sabi niya na nagpagulat sa akin. So pinagmamasdan niya ang kilos ko?
"Okay na ako ngayon kasi nakasuka na ako!" Sabi ko sa kaniya. "Bakit ikaw? Bakit hindi ka lasing? Ang dami kaya nating alak!" Sobrang dami naming alak kaya nga kami nalasing.
"I didn't drink that much." Sabi niya. "I can't because I know you guys will get drunk."
Hindi ko naman napigilan ang matawa. So sacrifice pala siya, ganoon?
Bumalik na kami sa resto bar. Binigyan ako ni River ng tubig kaya mas gumaan ang pakiramdam ko. Pwedeng-pwede na ulit ako uminom!
"What happened here?" tanong ni River kay Ryle pagkabalik namin. Nadatnan namin ang iba sa amin na natutulog na! Gising pa ang mga 'to kanina, ah?!
BINABASA MO ANG
Changes of Tomorrow (Serendipity series #1)
RomanceLiving for the present, letting go of the past, no pressure for the future. These are Zaria's definitions of life. Learning through the present, staying in the past, living for the future. These are River's summaries of life. Two people with differe...