"Sige naaa! Kitain mo na kasi ako ng mas maaga bukas!" pangungulit ni Tallie sa akin. Napasapo naman ako sa noo.
"Bakit ba kasi maaga gusto mo?" reklamo ko sa kaniya. Pinipilit kasi niya ako na makipagkita bukas sa kaniya ng 11 AM! Masyadong maaga, e, sleeping beauty pa ako ng ganoong oras kapag walang pasok.
Birthday ko na kasi bukas at ang unang plano ay manglilibre ako ng inom dito sa bahay ko pero putangina, itong si Tallie gusto pa ako makipagkita sa kaniya bukas ng maaga!
"Eh, kasi nga hindi ako pinayagan hanggang gabi! Kaya magkita na lang tayo ng maaga! Sige naaa!" niyugyog pa niya ang balikat ko.
Narito na kami ngayon sa LRT at pauwi na. 7 PM na nga, e, may meeting pa kasi kanina para sa nalalapit na christmas party na magaganap na in three weeks. Ang aga-aga magplano ng mga kaklase ko.
"Tangina mo, pumunta ka na lang ng maaga sa bahay! Tinatamad akong umalis ng maaga." Sagot ko naman sa kaniya.
"Ano ba 'yan, e! Pero kapag kay River, oo agad!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Hoy hindi, ah! Kapag ayoko, ayoko talaga. Tsaka, hindi naman nag-aaya 'yun ng ganoon kaaga!" sabi ko pa sa kaniya. Puta, idadamay pa ang bebe River ko. Sapakin ko kaya 'tong si Tallie.
"Sige na kasi! Lilibre nga kita bukas kasi hindi ako pinayagan sa gabi! Sige naaa, Zari!" Napabuntong-hininga naman ako. Ang kulit, putangina.
"Oo na, sige na." Pumayag na ako para mapirmi na siya. Hindi talaga niya ako titigilan, e. Tsaka, ililibre naman niya ako kaya sige na nga.
"Kailangan ko pang sabihing libre para pumayag ka! Napakagaling mo talaga, Zaria Chanel!" Natawa naman ako.
"Syempri, libre 'yon ih." Tumatawang sabi ko.
Nauna akong bumaba kay Tallie dahil nga sa Katipunan station ako at siya naman ay sa Santolan pa. Sumakay na ako agad ng jeep at agad nilabas ang cellphone ko pagkabayad. Napangiti ako nang makitang may message si River.
River Adriel Borjador: Dito na ako sa condo. Ingat ka, message me when you get home.
Grabe, kinikilig na naman ako. Sobra na 'yung epekto sa akin ni River. Sa dalawang linggo niyang panliligaw sa akin, pakiramdam ko prinsesa ako, no joke! Nakakatawa kasi never ko pa na-experience ang maligawan ng ganito. Iba kasi mangligaw si River, kahit sinong babae, siguradong mahuhulog sa kaniya.
He always make sure that I am okay. Physically and emotionally. Kaya sa tuwing may problema sa bahay, siya na ang una kong nilalapitan. And he never failed to comfort me. Hindi kasi siya palaging suma-side lang sa akin. Kapag alam niyang mali ako, pagsasabihan niya ako. At dahil siya si River, nakikinig ako sa kaniya. Binabago ako ni River. In a better way. He brings out the best and kindness in me. Tanging si River lang ang nakakagawa noon sa akin.
Nag-type na ako ng reply sa kaniya.
Zaria Verzosa: bukas ah 'wag ka mawawala
Gustuhin ko mang hindi sabihin sa kaniya na birthday ko na bukas, sinabi ko pa rin. Ayaw ko sabihin nung una para sana malaman ko kung alam niya kung kailan ang birthday ko pero baka ma-disappoint lang ako at umasa sa wala. Si River 'yon, e, kahit pa nililigawan niya ako, kapag walang nagsabi sa kaniya, hindi siya magtatanong.
River Adriel Borjador: Of course, Zari.
Zaria Verzosa: Baka mamaya kasi makalimutan mo :((
River Adriel Borjador: That's impossible. How can I forget the birthday of my future girlfriend?
BINABASA MO ANG
Changes of Tomorrow (Serendipity series #1)
RomanceLiving for the present, letting go of the past, no pressure for the future. These are Zaria's definitions of life. Learning through the present, staying in the past, living for the future. These are River's summaries of life. Two people with differe...