PROLOGUE

1.5K 44 7
                                    

"A perfectly gift for finding upon something amazing. When someone by chance finds something worthwhile, this is known as Serendipity."

Serendipity series #1

***

"Doc! May bagong dating pasyente po, hindi po maasikaso ni Dr. Owen kasi nagra-rounds po siya ngayon." Salubong sa akin ng nurse. Tumango naman ako at dumeretso sa bagong dating pasyente.


"Anong nangyari?" tanong ko sa kasama ng pasyente pagkarating ko kung nasaan sila. Ang daming bubog sa paa ng lalaking mukhang teenager pa lang.


"Lasing po kasi siya. Ayan, nakatapak ng bubog!" galit na sigaw ng babaeng kasama niya. Mukhang teenager pa lang din siya. Siguro ay kaibigan niya ito?


"Okay, ako na muna ang bahala." Lumingon ako kay Lisa, ang nurse na nagpapunta sa akin dito. "Pakikuha siya ng wheel chair para madala natin sa ward." Tumango naman siya at agad sinunod ang inutos ko.


Sumunod ako sa kanila nang dalhin namin ang pasyente sa ward. Dumadaing siya sa hapdi ng bubog. Pinahiga ko siya roon at ipinwesto nang maayos at komportable ang paa niyang may bubog.


"Patient's name?" tanong ko kay Lisa.


"Adrian Tayag, Doc."


"Age?" Sinuot ko ang stethoscope na nakasabit sa leeg ko to check his breathing. Chineck ko na rin ang vital signs niya at normal naman. Mukha nga lang siyang broken hearted base sa mukha niya na parang manhid na sa lahat ng sugat na mayroon siya dahil nasa loob lahat ng sakit na nararamdaman.


"17 po," sagot niya. Tumango ako at umupo sa isang stool chair.


"Gagamutin ko na, ha? Sandali lang 'to." I smiled at him. "Medyo masakit lang kasi tatanggalin natin ang bubog. Tiis lang, ha?" pagpapagaan ko ng loob sa kaniya.


"Sige lang ho, sanay naman na po ako masaktan." Tipid akong napangiti sa sinabi niya at napabuntong-hininga. Parang may iba pang ibig sabihin ang batang ito.


"Okay, one... two... three," hinugot ko ang isang bubog sa paa niya. Napangiti ako nang makita ang itsura niya na parang baliwala lang sa kaniya. Sinunod-sunod ko ang paghugot sa mga bubog ng dahan-dahan pero parang wala lang sa kaniya 'yon at may mas malalim pang pinagdadaanan kaysa sa mga natamong bubog.


"Sakit, puta." Napatigil ako sa ginagawa nang marinig ang sinabi niya. Nakita ko siyang nakapikit at umiiyak habang nakatakip ang isang braso sa mata niya.


"Kaunting tiis na lang, ha? Malapit na matapos—"


"Tangina, saan ba ako nagkulang?!" nanlaki ang mata ko nang sumigaw siya bigla.


Gago, ano b'ang ginawa ko?


"Minahal ko siya ng sobra... binigay ko lahat... tangina, tapos iiwan niya ako?!"


Napabuntong-hininga ako at tinuloy ang paggagamot sa kaniya kahit umiiyak siya at nag-dadrama. Medyo lasing siya kaya hinayaan ko na. Dumaan din naman ako riyan.


"Ayoko na magmahal, nakakapagod!" sigaw pa niya.


Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa kaniya, e. Nakakatawa kasi dumaan din ako sa ganiyan. Parehas na parehas ata kami ng sinabi noon? Mukhang parehas din ng dahilan. Pagibig.


"You did it. Tapos na." Ngumiti ako sa kaniya matapos kong lagyan ng bandage ang paa niya.


"I never did, Doc." Bumangon siya bigla kaya nagulat ako. "I never did something that could break her heart. But she's doing it to me, she's breaking my heart..." Kitang-kita ko ang lungkot at sakit sa mga mata niya. Iba pala ang tinutukoy niya. Hindi ang mga sugat niya sa paa kundi ang mga sugat na nararamdaman niya.


Changes of Tomorrow (Serendipity series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon