"Masarap naman, ah?" sambit ko matapos tikman ang niluto kong Adobo.
"I didn't say anything, babe." Sabi ni River sabay inom ng tubig. Sumama ang tingin ko sa kaniya. Oo nga, wala siyang sinasabing hindi masarap pero 'yung itsura niya parang inaamin na hindi nga masarap!
"Huwag ka na ngang kumain!" asik ko sa kaniya at kinuha ang Adobo palayo sa kaniya.
Narinig ko ang tawa niya. "It's just a bit salty, babe," tumawa na naman siya bago lumapit sa akin. "Akin na, kakainin ko pa rin naman."
Inilayo ko sa kaniya ang Adobo at nilagay sa may counter table. Sinamaan ko siya ng tingin at napanguso. Kay Lola Ingrid ko na lang 'to ipapakain kung ayaw niya!
Narinig ko na naman ang tawa niya. Napaigtad ako nang hawakan niya ang kamay ko para alisin ang pagkakahawak ko sa Adobo. Napasigaw ako nang buhatin niya ako at pinaupo sa may counter table. Nasa pagitan ng hita ko na siya ngayon habang nakayakap siya sa baywang ko.
"Bitawan mo nga ako," nakangusong sabi ko.
"Nope, never." Sabi niya na parang may iba pang ibig sabihin. Lumapit siya at hinalikan ang baba ko. "I love you."
Napatitig ako sa kaniya. Unti-unti akong napangiti at napabuntong-hininga. Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan naman ang ilong niya. Ngumiti siya at hinalikan ang labi ko.
Napabaling kami sa likod ko nang marinig ang mga yapak ni Lola Ingrid. Agad akong binaba ni River at inosente kaming tumayo nang maayos at ngumiti kay Lola.
Nang makalapit siya sa amin, nagtaka siya nang makita ang itsura namin na parang nahuling may ginagawang hindi maganda.
"Oh? Bakit para kayong mga natatae riyan?" nagtataka niyang tanong. Nagkatinginan kami ni River at sabay na natawa. Mabuti na lang hindi kami nakita!
"Nothing, Lola. We're just playing around," River laughed. Lumapit na kami kay Lola at sabay na kaming lumabas ng bahay.
Pupunta kami ngayon sa bahay nina River para i-celebrate ang birthday ni Riley. Riley wanted to celebrate only with her immediate family including me. Sinundo namin ni River si Lola Ingrid. Nagluto ako ng Adobo para sana dalhin doon kaya lang hindi masarap. Hindi ko na dinala kahit sinasabi sa akin ni River na dalhin ko. Na-realize ko na hindi talaga masarap. Ang alat!
Nang makarating kami sa bahay nina River, agad kaming sinalubong ng nanay niya.
"Hi, Mama," bumati si Tita Rei kay Lola Ingrid at yumakap. "Kanina pa namin kayo hinihintay." Bumaling siya sa akin at lumapit. Niyakap niya ako.
"Nice to see you po ulit, Tita." Pagbati ko.
"Kanina ka pa hinihintay ni Riley, halika sa loob." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko at pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Si Lola Ingrid ay nakakapit naman kay River na inaalalayan siya.
Pagpasok namin sa loob, nadatnan ko ang tatay ni River at si Kuya Ryder na seryosong nag-uusap. Tumikhim si Tita Rei kaya natigilan ang dalawa. Ngumiti si Tito Ralph at lumapit kay Lola Ingrid. Nakita ko naman ang pilit na ngiti ng Kuya ni River.
"Nice to see you, Ma. You're looking good." Niyakap ni Tito ang nanay niya.
"Ano ang mayroon sa mukha ng Apo ko at nakasimangot?" nagtatakang tanong ni Lola habang nakatingin kay Kuya Ryder matapos yakapin si Tito.
"Nothing, Lola." Ngumiti si Kuya Ryder at lumapit sa amin. "You look wonderful for someone who's aging," sambit niya na ikinatuwa ni Lola.
"Compliment ba 'yan, Apo ko?" tumawa si Lola. "Nasaan nga pala ang birthday girl?"
BINABASA MO ANG
Changes of Tomorrow (Serendipity series #1)
RomanceLiving for the present, letting go of the past, no pressure for the future. These are Zaria's definitions of life. Learning through the present, staying in the past, living for the future. These are River's summaries of life. Two people with differe...