34

439 12 0
                                    

Trigger warning: Anxiety Attack


"Kanina ka pa tulala, ah."


Napalingon ako kay Owen na tumabi sa akin. Malalim akong bumuntong hininga bago uminom sa kapeng hawak ko. Madaling araw na kaya nakatambay ako sa may coffee machine para magising. Magra-rounds ulit ako mamaya kaya kailangan hindi ako antukin.


"Ano ba'ng iniisip mo?" tanong niya at uminom din ng kape.


"Kung anu-ano." Tipid kong sagot.


"Ulol." Kumunot ang noo ko at tumingin sa kaniya.


"Anong ulol?" asik ko. Tarantado 'to, ah?


"Alam ko naman kung ano talaga ang iniisip mo. Ay mali, hindi pala 'ano'. 'Sino' dapat." Sabi niya at ngumisi.


"Tss. Alam mo naman pala, nagtatanong ka pa." Masungit na sabi ko.


"Eh, paano, ilang linggo na ang nakakalipas pero palagi kang tulala. Maya't maya titingin sa labas kung may dadating ba. Huwag ka na umasa oy, ni-let go ka na nga, 'di ba?" Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas siya sa braso.


"Alam mo kung wala kang magandang sasabihin, huwag mo na lang akong kausapin." Inirapan ko siya.


Dalawang linggo na ang nakakalipas nang makabalik kami galing Palawan. Nang iwanan ako ni River sa may dagat, dumeretso na rin siya ng uwi. Nalaman ko lang din kila Ryle.


Umiyak lang ako nang umiyak noon at hindi na nagsalita pa. At simula noon, hindi na siya nawala sa isip ko. Wala na rin siyang paramdam sa akin kaya wala na akong balita. Pinakawalan na talaga niya ako.


"Alam mo, kung namimiss mo, edi, tawagan mo! Ang hina mo naman, eh." Sabi ni Owen. "Kung mahal mo, edi ipaglaban mo. Tanga ka naman, 'di ba? Edi sumugal ka ulit."


"Eh, pinakawalan na nga ako. Anong magagawa ko? Baka ayaw na niya talaga sa akin." Napayuko ako. Naluluha na naman ako.


Iniisip ko, dapat masaya ako, 'di ba? Kasi hindi na ako masasaktan. Kasi wala na talaga kami. Kasi pinakawalan na namin ang isa't isa. Pero bakit parang hindi naman ako masaya? Bakit parang mas bumigat ang pakiramdam ko?


"Sus, si River? Ayaw sa 'yo? Ulol." Tumawa siya. "Gusto mo ng fact?" tanong niya.


"Anong fact?" tanong ko. Baka mamaya puro katarantaduhan na naman ang sabihin nito. Masisira pa ang moment ko, eh.


"There are 7 billion people in the world, but there is only one who is destined for you." Tinapon niya ang paper cup ng kape niya at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng lab coat niya. "And in your case, you found him." Ginulo niya ang buhok ko bago tumatawang umalis.


Matagal akong nanatili pang tulala habang iniisip ang sinabi ni Owen. Puro si River ang laman ng isip ko kahit na dapat ay kalimutan ko na siya.



"Doc. Zari!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko at napangiti nang makita si Sofia.


"Sofia, hello." Ginulo ko ang buhok niya nang makalapit siya sa akin.


"Kanina pa po kita hinahanap." Nakangiting sabi niya.


"Bakit? May problema ba?"


"Wala naman po. Gusto ko lang po kayo kumustahin." Napangiti naman ako sa sinabi niya. How sweet of her.


"Uhm... magra-rounds pa kasi ako. If you can wait, kain tayo?" tanong ko. Mukhang walang balak umuwi ang batang 'to at naghahanap lang ng mapupuntahan.


Changes of Tomorrow (Serendipity series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon