"Zari, shot mo na!" sigaw sa akin ni Guillian.
Kinuha ko naman ang inaabot niya at ininom. Nakaka-dalawang oras na ako rito pero hindi pa naman ako nalalasing. Mataas kaya ang alcohol tolerance ko!
"Tangina, pre, ang aga natin, ah!" sigaw ni Mark nang makita si Jim na kararating lang. Kaibigan namin na sa NU nag-aaral, kasama ni Aliyah.
"Galing date 'yan, e." Sambit ni Benj na tinabihan ni Jim.
Nakapaikot kaming lahat dito sa iisang table. Katabi ko si Leon at ang nasa tabi naman niya ay si River. Katabi naman ni River ang ibang kaibigan ni Leon. Close na rin naman namin ang ilan sa kanila dahil maayos naman kasama. Ang hindi ko lang ka-close, e, 'yung nirereto sa akin!
Tangina, hindi kasi nagsasalita. Totoo nga 'yung sinasabi ni Leon na mahiyain, pero kapag kinausap mo naman kakausapin ka rin. Pero kapag hindi mo kinausap, hindi ka rin kakausapin! Jusko talaga! Hindi ko tuloy alam paano siya kakausapin kasi hindi ko naman siya katabi! Ang epal kasi ni Leon, amputa! Sa gitna pa namin umupo. Siya 'tong nang reto pero siya rin itong hadlang! Kapag kinausap ko naman ngayon, baka dedmahin ako, edi, napahiya pa ako sa mga kaibigan ko? No way! Pogi lang siya, si Zaria ako!
Sinusulyapan ko siya maya't maya hanggang sa matitigan ko na siya. Matangos ang ilong niya at may mapulang labi. Sa unang tingin, masasabi mong parang anghel ang mukha niya. Siya 'yung tipo na gwapo na nga, maganda pa! Hindi rin nakakasawa ang itsura niya. Tipong hahanap-hanapin mo pa. Medyo maputi rin siya tulad ko. Bagay na bagay nga talaga kami.
"Oh, anong nangyari at bakit parang badtrip ka?" natatawang tanong ni Marge kay Kyra na kauupo lang ulit, galing siyang banyo.
"May epal doon, e, nakakainis." Iritang sabi niya. Umiling na lang siya at ngumiti na. Natawa naman ako sa mukha niya at tatanungin na sana kung bakit at sino ang epal na nakilala niya pero natigilan ako nang tumayo si River. May sinabi siya kila Leon na hindi ko marinig kasi bulong 'yon! Ngumuso ako nang tuluyan na siyang lumabas!
"Gago, saan pupunta 'yun?" reklamo ko kay Leon. Nakakainis, 'yung baby ko umalis!
"Ewan ko nga, e. Lalabas lang daw siya saglit." Nagkibit balikat siya kaya napanguso na lang ako. "Ganoon talaga 'yun, may sariling mundo." Tumawa siya pero naiinis pa rin ako. Sayang naman! Bet ko pa man din! Hindi makatarungan 'yung mukha, e!
"I-shot mo na lang 'yan bhie." Sabi ni Guillian sabay abot sa akin ng shot ng alak. Tuwang-tuwa sila sa itsura ko ngayon! Hayaan na nga! Pake ko ba? Marami pang ibang pogi rito, 'no!
Uminom na lang ako nang uminom at nakipag-asaran sa mga kaibigan ko. Nag-yosi rin kami saglit nina Guillian at Leon sa labas tapos bumalik din agad. Tatanungin ko na dapat si Kyra tungkol doon sa epal na sinasabi niya pero nakapikit na siya at mukhang lasing na. Oh, gosh! One down! Kanina pa ata inom 'to ng inom, e.
Nag-IG story din ako at minention lahat ng nandito. Natawa naman ako nang magreply si Tallie.
talliegarcia: edi sana all talaga!!!!
Nagreply naman ako.
zariverzosa: suri team bahay ka tonight
talliegarcia: k whatever
Natawa ako at binulsa na ang cellphone ko. Tamang story lang then back to the shot!
"Umuwi na raw si River." Nanlaki ang mata ko at bumaling kay Leon.
"Akala ko ba babalik?" gulat kong tanong. Tumawa naman siya.
"Wala, e," nagkibit balikat siya. "Sa iba na lang kita ire-reto, mahina ang bata ko, e!" tumawa siya kaya natawa na rin ako.
BINABASA MO ANG
Changes of Tomorrow (Serendipity series #1)
RomantizmLiving for the present, letting go of the past, no pressure for the future. These are Zaria's definitions of life. Learning through the present, staying in the past, living for the future. These are River's summaries of life. Two people with differe...